Solstice #5

746 30 6
                                    

A/N: Hello! :D Guys, may pinost nga pala akong short story entitled Best Served Cold. Try niyo rin basahin, completed na 'yun, maikli lang. True story po iyon ng friend ko. Thank you :)

 

Salamat din pala sa mga tumatangkilik nitong Midnight Fairytale! Nakakatuwa na mabilis ang pagdami ng reads. Feel free to comment your thoughts. Hindi lang ako pala-comment back but I assure you nababasa ko 'yun lahat and it'll be highly appreciated. :)

 

 

Solstice #5

 

-Raven-

 

Nakarinig kami nang palahaw dahilan upang matigilan ang lahat. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit sa akin ni Krishna sa braso.

 

"Si Noknok! Boses iyon ng kaibigan ko!"

 

Parang mga bubuyog ang bulungan ng mga bisita. Bakas sa mukha nila ang takot na baka napasok na kami ng mga barbaro dito sa palasyo. Bwisit. Isa lang ang naiisip kong gagawa ng paraan para masira ang kasal ko.

 

"Alerto kayo, madali!" utos ng ministrong si Yazur sa mga kawal. Sa pagkakaalam ko, siya ang dating Lord Knight ng palasyo noong monarkiya pa ang pamumuno dito sa Sudura.

 

"Ssshh.." pilit kong pinapakalma ang umiiyak ng si Krishna. "Ililigtas nila si Noknok, wag kang mag-alala."

 

"Raven, mabuti pang pansamantala muna nating itigil ang kasal," sabi sa'kin ng Purohit.

 

"Pero lolo--!"

 

"---Tama siya, Raven." sabad ng mahal na reyna. "Delikado. Kailangan muna nating masiguro ang kaligtasan ng lahat."

 

Tumingin ako sa mahal na hari. Hindi siya umiimik pero nakikisimpatya ang titig niya sa'kin. Ayoko.. Ayokong matigil ang kasal.

 

"Hijo, Krishna.. Sa tingin ko'y maaari naman nating ituloy ang kasal sa ibang araw, hindi ba?" wika ng Inang Reyna matapos kaming yakapin si Krishna. Hindi sumagot si Krishna na umiiyak pa rin sa pag-aalala para kay Noknok. Mariin na lamang akong napapikit sa sama ng loob. Nakakalungkot isiping ni hindi man lang labag sa magiging asawa ko ang pagpapatigil sa aming kasal. 

 

Pinakiramdaman ko sa utak ko si Sven pero hindi ko maramdaman ang presensya niya. Pakiramdam ko iniwan talaga ako sa ere ng lahat. Sinabotahe nila ang kasal ko. Hindi ako makakapayag!

 

"Hindi na kailangang itigil ang kasal."

 

Lahat kami ay napatingin sa direksyon ng Queen Dowager. Bwisit! Alam kong siya ang may kagagawan ng lahat! Ang mga SangReal!

 

"Tinawagan ako ni Prinsipe Caleb," aniya, "inatake raw ng Pagâla ang isa sa mga bisita pero naayos na raw nila. Binibining Krishna, huwag ka nang mag-alala dahil maayos na raw ang lagay ng kaibigan mo."

 

Tumahan sa pag-iyak si Krishna at yumakap sa akin. Muli na namang nagbulungan ang mga tao sa paligid.

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon