#13
Sa palasyo..
Pilit na kinakalma ng Inang Reyna ang kalooban ni Queen Alijah.
"Wag kang magalala, maraming guards ang nakapalibot sa pamantasan. Walang mangyayaring masama sa prinsipe." paninigurado ng Inang Reyna.
Ngunit hindi pa rin gumaan ang kalooban ni Alijah. Ang maamo niyang mukha may bahid pa rin ng pagaalala.
"Inaalala mo pa rin ba ang sumpa?" tanong ng Inang Reyna. Umiling siya. Hindi ang sumpa ang bumabagabag sa kanya. Panatag siyang na-i-seal nila ng maayos ang sumpa ng prinsipe.
Ang mga barbaro ang inaalala niya..
Isang pangitain ang nakita ni Jiah, ang kababata ng kanyang anak. Isang Rayearth ang batang ito at ang angkan ng mga Rayearth ay bihasa sa pagbabasa ng isip. Ngunit kakaiba si Jiah. Bukod tanging siya lamang sa mga Rayearth ang nagkakaroon pangitain sa hinaharap.
Matalik na magkaibigan ang mga Ishvara at Rayearth kaya naman malimit na nasa palasyo si Jiah. Natatandaan pa ni Alijah ang eksaktong mga sinabi sa kanya ni Jiah noon.
'May darating sa Sudura na grupo ng malalakas na barbaro. Hindi malinaw ang pakay ng mga ito, ngunit lubhang mapanganib ang angking kapangyarihan ng mga nasabing nilalang.'
Lalong nabahala ang itsura ni Alijah nang bumaling sa Inang Reyna. "Baka puntiryahin ng mga barbaro ang prinsipe." aniya.
"Kaya nga wala rito sa palasyo ang hari di ba? Ginagawan na ng paraan ni Aven upang mahanap at puksain ang mga barbaro." tugon naman ng Inang Reyna.
Hindi na siya umimik pa. Sana nga.. Sana nga'y magapi na ang mga kaaway. Ngunit niloloko niya lamang ang sarili dahil batid niyang kahit kailan ay hindi pa nagkamali ng pangitain ni Jiah.
Darating at darating sila..dito sa Sudura.
***
Second day of school. Clichè kasi pag first day eh. Pero sige, dahil malakas kayo sa'kin ikukwento ko pa rin ang nangyari kahapon sa aking first day.
Pero joke lang, mamaya ko na pala ikukwento. Nandito na kasi 'yung prof ko sa Vampire History. Sa totoo lang pagkakita ko ng reg. card ko hindi ako makapaniwala na may ganito palang subject.
Pagtapos magpakilala nung prof ay namigay siya ng print outs. Basahin daw namin 'yun dahil may recitation daw kami next meeting. Then voila. Umexit na siya ng room. Astig siguro kung ganito lahat ang magiging klase ko.
Nagsi-tayuan na rin ang mga kaklase ko paglabas ng prof samantalang pinili ko namang mag-stay muna sa room. Break na kasi at wala naman akong pang-kain, kaya dito na lang muna ako tutal naman ito rin 'yung room for the next subject mamaya.
Binuklat-buklat ko 'yung print out. Napunta ako sa page na may title na Dalawang Klasipikasyon ng Bampira. Wow ha, may classification pang nalalaman. Na-curious ako kaya binasa ko siya.
Pure bloods - mga purong bampira. Malalakas at may angking kapangyarihan. Sa kasalukuyan, ang royal family ang may pinaka makapangyarihan angkan ng mga pure bloods.
Half bloods - mga taong naging bampira. Mga kalahating tao kung kaya't nakakayanan ang sinag ng araw, ngunit hindi sila maaaring mababad dahil maaari silang maging abo. Walumpung porsyento ng mga bampira ay mga half bloods.
Uhh..Okaaay? Kakaloka naman 'tong classification ek ek na 'to. Ibig sabihin may kapangyarihan pala talaga ang mga bampira.
Nakatutok pa rin ako sa print out ko nang maramdaman kong parang may mga matang nakatitig sa'kin. Lumingon ako sa paligid, ako lang naman ang tao dito sa room. Nagkibit-balikat na lang ako dahil baka guni-guni ko lang 'yun. Pero nang lumingon ako sa bintana, nagulat ako dahil may nakatiwarik na ulong nakadungaw sa'kin!
Sisigaw na sana ako pero mula sa bintana ay pumasok na 'yung taong nagmamay-ari ng ulo. Maikli ang yellowish-white niyang buhok at may itim na hikaw sa kaliwang tenga. Ang ganda niya.. Pero pang-lalake ang suot niyang uniform. Dahil sa pagpasok niya ay hinangin tuloy 'yung print out ko.
"Naku sorry," narinig kong sabi niya habang sinisimulang pulutin ang mga nagkalat na papel sa sahig. Ako naman si tulala pa rin, hindi makaget-over dahil dumaan siya sa bintana! Hello?! Nasa 3rd floor kaya ako.
"Eto na miss." iniabot niya sa'kin ang print out na hindi sunod-sunod 'yung mga page. Napunta sa unahan 'yung Two Classification of Vampires.
"Okay ka lang?" tanong niya. Marahan lang akong tumango, hindi ko kasi alam kung okay nga lang ba talaga 'ko. Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko dito sa V.U. na makasaksi ng mga di pangkaraniwang senaryo.
Oo, kahapon may nakita rin ako. Sa may soccer field, pahapyaw kong napanood ang laro ng mga estudyante. Hindi ako makapaniwala sa napanood ko, dahil wala akong makita! Seryoso. Napakabilis nilang kumilos na sa sobrang bilis hindi ko makita ang mga susunod na pangyayari. Magugulat na lang ako dahil may naka-score na pala.
"Bago ka siguro dito 'no?" nagpamulsa 'yung babae, este 'yung lalake tapos sumandal sa pader malapit sa'kin. "Sorry kung nagulat man kita. Masasanay ka rin sa mga nakikita mo."
"N-Nakakabasa ka rin ng isip?" tanong ko.
Umiling-iling siya. "Mga Rayearth lang ang nakakagawa nun. Sa itsura mo naman kasi kanina, kahit sino mapaghahalataang nagulat ka sa nasaksihan mo."
Hmf. Ganun ba talaga ko ka-stunned? Parang di naman eh.
Nakita kong nakatingin si ate este si kuya sa print out ko.
"Dalawang klasipikasyon ng bampira.." I heard him murmured.
Nagtungo siya sa may kalapit na binata at tumanaw sa labas na para bang may tinitignan sa malayo. "Alam mo bang may mas mataas pang klase ng bampira kesa sa pure bloods at mas mababa kesa half bloods?"
Huh? Ano bang sinasabi niya? Ibinaling niya ulit ang tingin niya sa labas ng bintana.
"Royal bloods. Sila ang pinakamamalakas na bampira sa mundo." aniya. "At mga Pâgala, sila ang pinakamahihina."
"P-Pero...bakit dalawa lang nang nakasulat dito?"
Nagkibit balikat siya. "Hindi na kinokonsiderang bampira ng monarkiya ang mga Pâgala."
"At ang mga royal bloods?"
"Extinct na sila."
Katahimikan.
Hindi ko alam kung ako lang ba iyon o ano, pero parang may bahid ng pagdaramdam noong sinabi niyang extinct na ang mga royal bloods.
Walang imik na nagpamulsa ulit siya at lumakad na palabas ng room. Pero bago siya tuluyang umalis pasigaw kong tinanong kung anong pangalan niya.
"Saber." walang lingon niyang tugon. "Tawagin mo 'kong Saber."
Muling nanahimik ang room sa pag-alis niya. Napaisip tuloy ako.
Pang-lalake ba ang pangalang Saber?
BINABASA MO ANG
Midnight Fairytale
VampireIto ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.