Equinox #6

1.2K 52 3
                                    

#6

Babalik sana ako para kunin ang sapatos ko kaya lang

paglingon ko ay may lalake nang dumampot nito. Kinabahan nga ako kasi akala ko si kuyang messenger pero nang makita ko 'yung damit ng lalake ay nakahinga ako ng maluwag. Nakasuot siya ng..ng..ng..pulang sash na alam kong royal family lang ang nagsusuot. Tapos nakamaskara rin siya. Tapos..Tapos..

Hindi ko na natapos ang kung ano mang iniisip ko dahil lumapit na sa'kin ang lalake at lumuhod sa harapan ko. Bahagya niyang itinaas ang laylayan ng aking gown at dahan-dahang isinuot sa'kin ang sapatos.

"P-Prince Sven?" my words were barely audible. Ikaw ba naman ang ma-stun, buti nga nakuha ko pang magsalita eh! Pero mukhang narinig niya naman ang sinabi ko dahil kasabay ng kanyang pagtayo ay ngumiti siya sa'kin. Panty-dropping smile! Buti na lang masikip ang garter ng panty ko!

Kaso hindi niya naman sinagot ang tanong ko kung siya nga ba si Prince Sven. Kung sabagay, napakahina naman kasi ng boses ko, hindi niya siguro alam na tanong pala 'yun. Pero..ngingiti ba siya sa sinabi ko kung hindi siya ang prinsipe? Kakainis naman kasi 'yung maskara niya, di ko tuloy makita mukha niya! Uhm..kung tanungin ko na lang kaya ulit?

"Ahm..i-ikaw ba si--"

"--Can you be my first dance?"

Napakurap ako sa tinanong niya. Dalawang beses. Sinundan pa ng pagkunot ng noo. Seryoso ba siyang inaalok niya 'ko makipagsayaw?! Hindi ba siya naiimpatso, nababalis at namamaligno? Is this for real?!

Mula sa coat niya ay may inilabas siyang cellphone. Bongga nga eh, SangSum Universe 5c. Pinaka-latest 'to, kumbaga ipot lang 'yung Chiko Mobile ko. May pinindot lang siya saglit sa cellphone at may tumugtog ng kanta. Sinaunang love song pero soothing pakinggan. Tapos ibinalik niya na 'yung phone sa kanyang coat habang patuloy na tumutugtog ang kanta.

"Shall we?" he asked offering his hand in front of me. At hulaan niyo kung anong nangyari?

Nahimatay lang naman ako sa sobrang kilig!

Hinihintay ko na lang tumama likod ko sa bermudda grass pero hindi ko may mga brasong sumalo sa'kin. Pagmulat ko ay bumungad sa'kin ang mukha ng prinsipe. Ang mapupulang niyang labi na parang masarap i-torrid kiss, ang matangos niyang ilong na natatakpan ng maskara at ang lila niyang mga mata na--

Bigla akong natigilan. Teka, hindi naman lila ang kulay ng mata ni Prince Sven, di ba? Sa pagkakakita ko kanina sa mga larawan sa palasyo ay abo ang kulay ng mga mata niya. Ba't ganun? Pakiexplain.

"Uy ayos ka lang?" nag-aalala niya tanong habang itanatayo niya 'ko.

"O-Okay lang ako.. Salamat.."

"Don't be," tugon niya naman at hinawakan ang kanan kong kamay. "ako dapat ang nagpapasalamat sayo."

Pagkasabi niya no'n ay bigla niyang hinalikan ang likod ng palad ko. Okay? Ako lang ba 'yun, o sadyang weird lang talaga ang prinsipe? Wait a minute. Si Prince Sven ba talaga 'to? Pero sigurado ako na ang nga kamahalan ito! From his lustrous black hair na makikila mo kahit nakatalikod, alam kong siya 'to. Pero bakit naman siya nagpapasalamat sa'kin? May ginawa ba 'kong dapat niyang ipagpasalamat?

"Ehem.."

Pareho kaming napatingin ng prinsipe sa may bandang kaliwa. May lalakeng nakamaskara na nakatayo na pala sa tabi namin at para bang kanina pa kami pinagmamasdan.

"Pasensya na, pero kailangan ko nang sunduin si Cinderella," sabi ng lalake kay Prince Sven. Bwisit, inistorbo niya ang moment namin ng prinsipe.

At sino si Cinderella?

"Halika na," hinawakan ng lalake ang braso ko para hilahin ako palayo pero laking gulat ko nang hawakan din ng prinsipe ang isa ko pang braso.

"Wait," pagpigil ng prinsipe sa lalake. "hindi niya naman sinabing sasama siya sa'yo di ba? And I think she does not even know who you are. Walang dahilan para sumama siya sayo."

Tamaaa! Hindi ko nga kilala ang lalakeng 'to! Whoooh! Go Prince Sven! Save me from this monster!

"Believe me, Cinderella knows me." the guy replied removing his mask. Napamura ako sa nakita ko. Capslock na WHAT THE HELL!

Pero teka. Kailan pa naging Cinderella pangalan ko?

"Ano, tara na?" there's the Cheshire smile on Noknok's face. Walang hiya ka talaga Noknok! Humanda ka sa'kin mamaya at marami kang atraso sa'kin! Uhm sige, bawas ng konti ang kasalanan niya dahil tinawag niya kong Cinderella. Hihi.

Bumaling ako sa prinsipe na alam kong naguguluhan na sa mga pangyayari. "Ahh..your highness.. Uhm..kilala ko po ang lalakeng ito. M-Mauna na po kami.."

"Can I know your name before you leave?"

"Kr---"

"---Cinderella. Just remember this girl as Cinderella." sabat ni Noknok. "And we have to leave before the clock strikes twelve. Sorry."

Tumango lang ang prinsipe. Matapos no'n ay naglakad na kami ni Noknok palayo.

Bye bye Prinsipe na talaga ituuuu.. Ajujuju.

Nang makarating na kami sa parking lot ay pinagsusuntok ko si Noknok sa braso.

"Aray! A! Ano ba Krishna!"

"Argh! Kakainis ka! Sinira mo ang moment namin ng prinsipe!"

"Si Prince Sven na ba 'yun? Aray naman teka ka nga muna! 'Yung buhok ko! Taym pers!"

"Tse! Walang taym pers taym pers! Wala 'kong pake sa buhok mo!" kung makareklamo 'to wagas eh hindi ko naman siya sinasabunutan. Hmp!

Kakasabi ko lang na wala akong pake sa buhok niya ay napatingin naman ako sa buhok niya. At aba aba, ngayon ko lang napansin na ang buhok niya ay parang dinilaan ng kung kanino mang baka! Doon lang ako napatigil sa paghampas at tinignan ko si Noknok mula ulo hanggang paa. Aba aba aba! Nakabihis ang mokong!

"Pakiexplain nga, anong meron?" naka-cross arms kong tanong. "Bakit ang bilis mong nakarating dito? Bakit ganyan ang itsura mo at paanong nakapag-english ka ng dere-deretso kanina?!"

Nagkamot naman ng ulo si Noknok. "Eh hindi naman kasi ako umalis kanina dito sa palasyo nung hinatid kita. Andun lang kaya ako sa parking lot. Etong damit ko naman, baon ko 'to. Nag-ayos ako kasi ayoko namang magmukhang pulubi dito sa loob ng palasyo. At yung english? Napanood ko lang yun sa teleserye."

Mga ilang segundo rin akong nanahimik. Okay. Medyo bumilib ako sa kanya do'n. Sa effort. Sa lahat. At in fairness ang gwapo ngayong gabi ni Noknok. Huminga ako nang malalim. Tapos..

"Kahit na! Sinira mo pa rin ang moment namin ng prinsipe! At hindi lang 'yon! Ang dami mo pang atraso sa'kin!" tinuloy ko ng paghampas sa kanya sa braso. Lakompake kahit gwapo siya! Basta naiinis ako sa kanya ngayon!

"HOY!"

Napatigil ako at napalingon sa likuran kung saan galing ang ang sigaw. Tapos ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Noknok sabay..

"NOKNOK TAKBOOO!"

Midnight FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon