F-amily Dinner

4.7K 263 27
                                    

December 9, 9pm, Concha's QC:

M: Nung sinabi mong may dinner tayo akala ko sa condo ka lang naghanda. Dito pala? Bukas pa opening ah. *smiles up at R as they walk hand in hand to R's new restaurant*

R: Eh kasi alam kong busy ka bukas ayaw ko na i-pressure ka pumunta tsaka madami ding tao bukas kaya ngayon pa lang bubuksan ko na tong resto para sa mga mahal ko. *smiles, opens the door*

M: Mga mahal? *beams as R opens the door and she sees R's entire family waiting inside, seated at a long table in the middle of the restaurant* Ah, Love! Na-miss ko sila!

R: I know kaya halika na. *grins*

R&M: *walk inside and greet the family*

R: *smiles as he watches M hug and chat with everyone*

DB: Hindi daw pwede sina Pare ngayon kaya nagpadala na lang si Jay ng pagkain sa Bulacan. 

M: Opo. Medyo busy po talaga sina Nanay pag December bago ang bakasyon. Thank you po, Daddy. *smiles, turns to R* Thank you, Love.

April: Ayiieee... Love... *giggles, tickles R&M's sides*

R: *laughs* Kilig na naman siya. *grins* Sandali lang ha? Ipa-serve ko na yung dinner.

April: Hep hep... Ako na bahala dun. Umupo ka na dito at samahan si Meng.

R: *takes M's hand and leads her to a chair between him and DB*

Lola: Dito ka na umupo sa tabi ko, Meng. Lagi naman kayong magkasama ng Tisoy na yan. Sigurado akong sawa ka na diyan. Dito ka muna sa Lola.

R: *scratches back of head* Lola talaga...

M: *giggles* Opo, Lola. *walks to and sits on the chair beside her*

R: *points where the dishes should be set on the table when the servers come in while M chats with Lola*

DB: *nods to R after the food is served and everyoned is settled in their seats* Oh, nak, lead the prayer na.

R: Opo, Dad. *bows his head and prays*

Lord, we praise You and we glorify Your name. Salamat po sa mga pagkaing nakahain sa hapag nawa ay magdulot ito sa amin ng lakas at kalusugan. Maraming salamat din po sa lahat ng biyaya at pag-gabay Ninyo sa amin at higit sa lahat sa pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan. Sana po ay patuloy Ninyo kaming patnubayan. Amen.

DB: Amen. Kain na tayo. *smiles*

M: Lola, kumain na po kayo. *offers LL  a dish after she helps Angel who sits beside her put food on her plate*

LL: Hay naku, apo, wag mo akong alalahanin. Ikaw dapat ang kumain na din. Nangangayayat ka na. Ito naman si Jay lumalaki. Inuuubusan ka ba lagi ng pagkain?

M: *laughs* Opo. *pouts*

R: Uy! Hindi ah. Pagalitan niyo po yan, Lola. Napakahina kumain. Ako tuloy taga-ubos ng mga tira niya.

RD: Ay sus! Sisihin pa ba si Meng? Kaya lumalaki yang pisngi mo, kasi matakaw ka talaga. Aminin mo yan.

R: Grabe. Wala ba talaga akong kakampi dito?

MT: Mahina talaga kumain si Menggay.

R: Ay salamat, Ma. Kakampi talaga kita.

MT: Sinong may sabi? Di pa ako tapos. Mahina kumain si Menggay pero masiba ka din talaga. Match na match kayo. *laughs*

LL: Naku, iha. Hindi pwede yan. Lagi na nga kayong pagod at puyat tapos mahina ka pa kumain? Halika. *gets some rice and places it on M's plate* Kumain ka dapat ng mabuti. Ikaw naman, Jay, aalagaan mo dapat ng maige itong mapapangasawa mo.

R: Inaalagaan ko naman po siyang mabuti, Lola. Siya po ang matigas ang ulo. *takes a big bite of chicken*

DB: Bibig mo, Jay. Puno pa. Nakakahiya kay Meng oh.

R: *chews and swallows* Sorry po. Grabe lang kayo sa akin pag andyan si Meng eh. Baka di na ako pakasalan niyan. *pouts*

M: *laughs* Wag kang mag-alala, Love. Pakakasalan pa rin kita. Lalo pa ang dami kong kakampi. *grins*

R: Sige. Ganyan ka. Susumbong kita kay Nanay. *pouts*

Angel: Paano, Kuya? Mas sumbungero ka pa sa akin. *laughs*

R: *sulks* Sige na. Wala na akong laban. *eats a big spoonful of rice*

R&M: *have a lovely and joy- filled dinner with the whole family*

R: Lola, pwede na po ba hiramin si Meng sandali. May ipapakita lang po ako. *smiles as he walks to them after dinner*

LL: Oo naman basta sandali lang. Ibalik mo agad ha?

R: Opo. *takes M's hand, whispers to M* Ang clingy ni Lola sa'yo. Lagot ka na.

M: *whispers back as they walk to the back of the restaurant* Bakit naman ako lagot?

R: Kasi hihingin na ni Lola na iuwi ka sa Laguna. *grins, opens his office door*

M: Pwede naman pagkatapos ng kasal.

R: Sabi mo yan ha?

M: Oo naman basta may schedule ng pag-uwi din kina Tatay sa palagay ko wala namang problema dun. *smiles*

R: *grins giddily* Ayan. Gusto ko yung mga ganyang plano, Love. *turns the light on*

M: Ano palang ginagawa natin dito?

R: Ipapakita ko lang yung office ko. *smiles, leads M inside*

M: *steps inside, picks up a frame from the desk* Wow. Office mo ba to talaga o office ko? Bakit ang dami kong picture?

R: *hugs M from the back* Siyempre, Love. *kisses M's shoulder* Ikaw ang inspirasyon ko eh. Ikaw at ang magiging mga anak natin.

M: *turns to face R and slips her arms over his shoulders* Talaga ba?

R: Talaga nga. Duda ka pa din?

M: Hindi naman. Masarap lang pakinggan. *grins* I love you. Sobrang proud ako sa lahat ng naa-achieve mo. Congratulations. *gently kisses R's lips*

R: *smiles* I love you more and more, my life. Dahil din sa'yo kaya nagagawa ko ang lahat ng ito.

M: No. I don't believe that. This is all you.

R: Eh hindi ko din naman yan matanggap dahil nangyari ang lahat ng ito nung dumating ka sa buhay ko. Pati karamihan ng mga alam ko sa business at mga plano dahil kay Nanay lahat. Kaya I'm very grateful to have you.

M: Okay. Let's not take the credit for anything. Si God talaga lahat ng gumawa nito. Dahil siya ang nagtadhana ng lahat. *smiles*

R: At yan ang di ko kokontrahin. *smiles back, caresses M's face* I will forever be thankful that God gave me you. I love you, Menggay ko.

M: As will I. I love you more, RJ ko.

R: *kisses M's forehead, eyes,nose and cheeks then lovingly kisses her lips*

M: *grins, rubs her nose on R's* Halika na, Love. Promise mo kay Lola babalik mo ako agad.

R: Oo nga pala, Love pero pwede naman siguro isa pang kiss. *grins*

M: Ikaw talaga. Hihirit ka pa talaga. *pinches R's belly* Sige na nga. Isa lang. Five seconds.

R: Yes! *cradles M's face in his hands and kisses her lips for five seconds*

M: *smiles* Let's go?

R: *smiles back, nods his head and takes M's hand*

R&M: *walk hand in hand, fingers intertwined, and join their family*
💛👪💛💑💛🍃

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon