Payb Takes lives on!
Continue following the story of Payb Takes RJ and Meng in this new book.
Join our favorite couple in their journey to Forever in this collection of ILUSYONS filled with fun, tears, harot, keso and LOVE.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
********* RING! RING!
Nagising mula sa pagkakaidlip si Maine sa tunog ng telepono sa kanyang kwarto sa hotel.
"Hello?" Inaantok niyang sagot.
"Hello, Miss Maine. Good afternoon po. Pinapatanong po kasi ni Sir Richard kung may kailangan po daw kayo? Medyo busy po siya ngayon habang sinu-supervise yung pagaayos sa kwartong lilipatan niyo."
"Okay naman ako, Miss. Wala na akong ibang kailangan. Thank you."
Naalala na naman niya ang mabait at gwapong binatang tumulong sa kanya kanina. Matapos nitong buhatin ang mga gamit niya papasok ng kwarto, siguraduhing tama ang lamig ng aircon at tiyaking kumportable siyang makapagpapahinga, nagpaalam muna ito upang asikasuhin ang paglilipatan niyang kwarto na kasalukuyan nitong tinutuluyan pero pagkatapos pa yun na magpahatid ito ng merienda para sa kanya.
Ang alam niya ay kukunin lang ni Richard ang mga gamit niya sa kwarto, hindi niya akalaing siya pa mismo ang mag-aasikaso nito.
"Bea po, Miss Maine. Binilin po kayo sa akin ni Sir Richard habang abala po siya. Ituring niyo na po akong PA habang nandito po kayo."
"Oh no! I can't do that, Bea. Okay na ako. Asikasuhin mo na lang yung ibang guests niyo mukhang puno kayo ngayon."
"Kung yan po ang gusto niyo, Miss Maine. Basta tawagan niyo lang po ako para sa kahit ano."
"Kung yun ang gusto ko? Oh my! Please don't think na inuutusan kita. Dear God! No. Not at all. Hindi naman ako ang boss mo. I was just suggesting and that's really to assure you na okay lang ako." Sagot ni Maine.
"Okay po, Miss Maine. Sa bilin po kasi ni Boss ikaw daw po ang boss niya sa loob ng dalawang linggo." Natatawang sagot ni Bea.
"He said that?"
"Opo. Ngayon ko nga lang po nakitang ganoon mataranta si Sir para sa isang guest. Madalas po iniiwan na lang niya sa amin ang pagaasikaso kahit may complaints minsan nga may pagka-suplado pa yang si Sir pero sa inyo po iba eh. Sabagay di ko naman po masisisi si Sir. Sobrang ganda niyo talaga, Miss Maine at mukhang matalino pa. Tingin ko din hindi nakatulong kay Sir yang nakakasilaw niyong legs at balikat. Ako nga na babae naseksihan si Sir pa kaya. Ay! Sorry po Ma'am ang daldal ko na."
Hindi maiwasan ni Maine na bahagyang mahiya at mamula sa mga sinabi ng kausap. Lalo pang kumabog ang dibdib niya ng maalala kung paano siya titigan ng binata kanina sa suot niyang dilaw na short off shoulder jumpsuit.
"Uhm... Okay lang. Sige. I'll just go to the beach habang naghihintay na maayos yung kwarto."
"Okay po, Miss Maine. Gusto niyo po bang samahan ko kayo or pasamahan ng guide?" Tanong ni Bea.
Natatawang naiiling si Maine sa sobra sobrang pagaasikasong nararanasan niya. "I'm a grown woman, Bea. I can take care of myself. Thank you. Please tell your Boss na okay lang ako talaga. You all don't have to fuzz over me." Nakangiting sagot ni Maine.
//
"Haaay... Sa wakas... Panglao... " Nakangiting buntong hininga ni Maine na napapikit sa sarap ng pakiramdam niya ng mga sandaling iyon.
Bata pa lang siya ay paborito na niyang puntahan ang dagat. May kakaibang ligaya siyang nararamdaman sa bawat paghampas ng alon sa dalampasigan na tila sa bawat pagbalik nito sa dagat ay dinadala na din ang kanyang mga suliranin, sa bawat pagsiksik at pagdulas ng buhangin sa pagitan ng kanyang mga daliri sa paa na tila pakikipag-isa niya sa kalikasan at sa bawat pag-ihip ng hangin na tila bulong ng Maykapal ng mga pangakong pagtupad sa kanyang mga kahilingan.
Sa katayuan nila sa buhay at sa kanyang trabaho ay nalibot na ni Maine ang mundo para sa negosyo at bakasyon pero para sa kanya ay wala pa ring makakatalo sa gandang makikita at pagmamahal na mararamdaman sa sariling bayang Pilipinas. Kaya kahit kabi-kabila ang mga alok na trabaho sa kanya sa ibang bansa ay pinili niyang manatili at ilaan ang kagalingan sa bayang sinilangan.
Mula sa pagkakatayo sa dalampasigan habang nakaharap sa dagat ay umupo si Maine sa buhangin at masayang pinagmasdan ang nagbabadyang paglubog ng araw.
//
"Anak ka ng... Bakit ka ba kasi nagmamadaling sumunod sa kanya dito sa beach? Di ka tuloy nakapaghanda sa makikita mo. Pero pucha naman, RJ. May ari ka ng hotel resort. This beach is your home. Araw-araw kang nakakakita ng mga babaeng naka-bikini na halos ipulupot ang mga sarili nila sa'yo pero bakit nanghihina ang tuhod mo ngayon sa isang babae lang?" Bumubulong na sita niya sa sarili.
Mula sa kinatatayuan niya ilang talampakan mula kay Maine ay huminga siya ng malalim habang tahimik na pinapanood ang dalagang nakaupo sa dalampasigan na pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Nakapusod na ngayon ang mahabang buhok niya na kanina'y nakalugay kaya't kitang kita ang magandang hubog ng kanyang balingkinitang katawan mula sa kanyang batok hanggang sa kanyang makikinis na balikat, braso at likod sa suot nitong bughaw na bikini.
"I wonder how her olive skin would feel under my touch." Bulong niya sa sarili sabay napakagat-labi sa susunod na naisip. "I wonder how her soft skin would taste on my lips. I wonder how I would feel inside her."
Tangina, RJ! Gago ka! Ano bang pinagiisip mo? Guest niyo siya at malay mo ba kung may boyfriend na siya. Malay mo ba kung magkagusto siya sa'yo. Palibhasa tigang ka. Ang taas ng pride mo kasi masyado kang mapili pero... Pero... Bakit siya? What is it about her that makes you think thoughts you have never had for any other woman?
Matagal ng walang babaeng nakakasama si Richard at hindi yun dahil walang may interes. Sa katunayan, hindi na mabilang ang mga babaeng halos sambahin siya. Wala pa lang talagang babaeng bumighani sa kanya, yung babaeng gugustuhin niyang paglaanan ng oras, yung babaeng magbibigay sa puso niya ng dahilan na gustuhing makasama siya. Wala pa hanggang sa sandaling dumating si Maine Mendoza sa buhay niya.
At sa pagtitig niya sa pagpikit at pag-ngiti ng dalaga habang naglalaro ang mga rosas, kahel at dilaw na kulay ng dapit hapon sa kanyang magandang mukha, naisip ni Richard na higit pa sa tawag ng laman ang gusto niya kay Maine. Higit sa lahat, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, hangad ng kanyang puso ang alagaan, paligayahin, at mangarap ng kasama ang diyosang nasa kanyang harapan.
Unti-unti ay humakbang siya papalapit sa babaeng bumighani sa kanya sa unang pagkakataon.
Maine, hindi ko alam kung anong meron ka na wala sa iba. Hindi ko alam kung anong salamangka ang bumalot sa akin. Kung ano man ito hindi ko alam. Pero may isa akong siguradong alam ko, kung bibigyan ako ng pagkakataon, pagsusumikapan kong paligayahin ka at iaalay ko ang buhay ko para mapanatili ang matamis na ngiti sa iyong mga labi at hindi ka na makitang umiyak pang muli.
Nang mga sandaling iyon ang lumingon si Maine sa kanyang direksyon at ang matamis nitong ngiti ay lalo pang tumingkad.
"Your room is ready, Miss Maine. Gusto niyo po bang mag-dinner muna bago lumipat?" Nakangiting tanong ni Richard.
Tumayo ang dalaga at lumakad patungo sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata. Sa ilang makapigil hiningang sandali ay hinintay niya magdampi ang kanilang mga katawan ngunit hindi ito nangyari. Tumigil si Maine halos isang talampakan mula sa kinatatayuan niya.
"Mas gusto kong mag-swimming muna. Let's go?" Nakangiting pag-anyaya nito sa kanya sabay hila sa kanyang kamay.
Matapos iwan ang cellphone, pitaka at radyo niya sa tuyong buhangin ay walang pagdadalawang isip siyang masayang sumama at lumusong sa dagat kasama si Maine ng naka-polo at maong pa.