Let's go. Kulayan natin ang tweet ni Madam. Shall we?😅
********
February 15, 11pm, M's condo:M: *slips out of bed and gets up as soon as she saw the notifications on her phone after waking up*
Niki: Huy Meng! Nakakagulat ka naman. Ang bilis mo tumayo baka mahilo ka niyan. Umupo ka nga. Dean!
Dean: Bakit, Ate?
Niki: Ikuha mo nga ng tubig ni Menggay. Tsaka yung gamot niya oras na din nasa may dining table.
Dean: Okay, Ate. Eh anong nangyari diyan sa pasyente mo? Kunot na kunot ang noo. Sino ba ka-text niyan? Ang intense eh.
Niki: Di ko din alam eh. Ang alam ko kanina tulog lang siya tapos biglang nakatayo na.
M: May nabasa kasi ako sa Twitter eh. Si Riza din hindi sumasagot pati si Mama Ten. Tumawag na ba ulit si Dad, Ate?
Niki: Di talaga makakasagot si Mama Ten kasi may sakit din baka nagpapahinga. Kanina nung tulog ka tumawag si Tito, kinukumusta ka.
M: May sakit na din sa Mama Ten?
Niki: Oo pero ayos naman na din siya. Gamot at pahinga lang.
M: Ano pang sabi?
Niki: Ah ano kasi...
M: Sinabi ba sa'yo na na-ER ulit si RJ?
Niki: Oo. Pero wag ka na nga daw mag-alala.
M: Paanong di mag-aalala eh wala namang nagsasabi sa akin ng maayos kung napaano na ba. *stands up and paces back and forth while dialing on her phone*
Niki: Menggay, umupo ka muna please. Nakakahilo. Eh, ayaw ka nga kasi nila mag-alala. Tsaka sabi ni Tito, okay na naman daw.
M: Eh bakit daw ba kasi dinala dun? Ano bang nangyayari? Baki... Hello, Dad? *greets DB as he answers the phone*
DB: Hello, nak. Gising ka na pala. Kumusta ka na?
M: Okay na po ako, Dad. Si RJ po? Hindi po sumasagot sa tawag eh.
DB: Ano... Okay siya, nak. Tulog.
M: Nasa hospital daw po? Ano pong nangyari?
DB: Okay lang, nak. Kumalma ka lang diyan. Sobrang taas ng lagnat niya kanina. Di bumababa. Tsaka di makakain kaya dinala namin dito para matignan. Nakatulog na sa gamot. Okay na siya.
M: Pupunta po ako diyan, Dad.
DB: Naku, nak. Wag na. Kailangan mo ding magpagaling. Kami na muna bahala dito kay RJ. Wala kang dapat ipag-alala, nak.
M: Pero Dad...
DB: Wag na matigas ang ulo, Menggay. Bilin din ni RJ na wag ka munang papuntahin. Marami kang pwedeng masagap na sakit dito. Magaalala lalo yun. Pagaling ka na din muna. Matutulog lang naman to.
BINABASA MO ANG
Payb Takes Book 2 (COMPLETED)
Fiksi PenggemarPayb Takes lives on! Continue following the story of Payb Takes RJ and Meng in this new book. Join our favorite couple in their journey to Forever in this collection of ILUSYONS filled with fun, tears, harot, keso and LOVE.