#A4Day21- The Alarming Day

3.5K 238 40
                                    

The Bad Day Part 6

*********Matapos maibalita ang kanilang bagong estado bilang magkasintahan sa pamilya ni Maine at mga magulang ni Richard at makapagpaalam ng maayos sa mga ito, nagdesisyon ang dalawa na bumalik ng Panglao para ituloy ang naantalang bakasyon ng da...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*********
Matapos maibalita ang kanilang bagong estado bilang magkasintahan sa pamilya ni Maine at mga magulang ni Richard at makapagpaalam ng maayos sa mga ito, nagdesisyon ang dalawa na bumalik ng Panglao para ituloy ang naantalang bakasyon ng dalaga.

"Are you sure you want to go back with me?" Tanong ni Richard habang hawak ang kamay ng dalaga sa eroplanong sinakyan nila pabalik.

"I have a week more of my vacation. I think there will be nothing better to do than to spend it with my uber handsome boyfriend." Nakangiting sagot ni Maine habang nakasandal ang ulo sa balikat ng kasintahan.

"I'm happy to spend more time with you, Babe."

"I'm very happy too. But..."

"But? Anong but? Bakit may but?"

"Hahaha... Kalma lang. But... I need you to promise me one thing, Babe. You have to promise that your whole week will be exclusively for me. Sabi mo di ba, Babe? I can have as much of your time as I want?" Ang naglalambing na tanong ni Maine habang dahan-dahang hinahaplos ang braso ng binata.

Napakagat-labi si Richard sa kakaibang sensasyong naramdaman sa paghaplos ng dalaga. "Of course, mahal ko. Sa'yo lahat ng oras ko. Araw at gabi. Bawat segundo. Iyong-iyo ako."

"Good. No hotel work ha?" Unti- unting pinagapang ni Maine and dalawang daliri na parang maliliit na paa sa dibdib ng binata na siya namang ikinabilis ng pagtibok ng puso nito. "Just you and me... And hours of..."

"Ooof?" Halos hindi makahingang tanong ni Richard.

Nang sandaling iyon, umupo ng maayos si Maine at tiniklop ang mga kamay sabay ngisi. "I don't know. I guess we'll find out." Pakibit-balikat nitong sagot.

"Is that a promise?"

"Promise." Ang sabi ng dalaga sabay kindat.

//

"This is so beautiful, Babe. Thank you." Ito ang sabi ni Maine habang nakatitig sa paglubog ng araw sa karagatan.

Nakaupo ang magkasintahan sa isang nakalatag na kumot sa dalampasigan na napapaligiran ng mga puting kandila at mga pulang talulot ng rosas.

Namamanghang tinitigan ni Richard ang kasintahan. "How is it na kahit araw-araw kang manood ng sunset, parang laging unang pagkakataon sa'yo?"

"Iba kasi... Iba ang ganda ng sunset. Each time is different coz everyday is different. The mood and the experiences you have today is different tomorrow so the way you see things is different too. The way the light and colors blend as night take over the day brings you a different promise each day. A promise that after a night's rest on a difficult and tiring day, tomorrow will be better."

Inakbayan ni Richard ang kasintahan at hinalikan ang sentido nito habang patuloy na nilalapit ang dalaga sa sarili upang yakapin. "And I promise to watch every sunset with you and make your each day better for the rest of our lives."

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon