Unicorns And Rainbows

3.2K 265 86
                                    

Hello eblibady,

Remember when I said I had a couple more updates that are a little late in our current PT timeline? So here I am taking you back sometime before M's birthday. =)

This... Because I am a sucker for Dad and Daughter stories.

Thank you.

xoxo,
Deng

********

February 2017:

R: Tay? Okay lang po ba sa inyo yung mga plano so far? May gusto po ba kayong palitan o idagdag? *asks TD who sits across from him and ND in the Mendoza's office one evening as they finalize the surprise wedding between him and M*

TD: Okay naman lahat. *answers quietly*

R: *looks at TD worriedly, his soon to be father-in-law seemed too quiet* Sige po. Nay?

ND: Okay na to lahat. Congrats, nak. Siguradong magugustuhan ni Menggay lahat to. *smiles* Kilalang kilala mo na talaga siya.

R: Salamat po, Nanay. Salamat po sa lahat ng tulong. Hindi ko po ito magagawa kung wala po kayo nina Tatay at Daddy.

ND: Wala yun, nak. Basta para sa inyo ni Menggay, magsabi ka lang. 

TD: Meann, may kape ba tayo diyan para kay Tisoy?

ND: Ah oo naman. Sandali. Ikaw ba gusto mo din?

TD: Sige.

ND: Sandali lang kukuha ako. *stands up and leaves the office*

R&TD: *quietly sit for a few seconds until R finally breaks the silence*

R: Tay?

TD: Ano yun? *looks over at R from contract he started reading*

R: Siguro po praning lang ako pero masyado po kasi kayong tahimik ngayon may hindi po ba kayo nagustuhan? Pwede niyo pong sabihin sa akin. HIndi po ako ma-ooffend promise.

TD: Alam mo ang ayaw ko?

R: Ano po?

TD: Ayaw kong mag-asawa ng maaga si Menggay.

R: *looks down and sits quietly his heart beginning to race wildly in his chest, his blood rushing to his face, his hands turning clammy, his mind filling up with crazy ideas of running away with M and his conscience screaming for him to still do the right thing*

TD: Bente uno pa lang siya magbe-bente dos, para sa akin, baby pa yun eh. Makulit kasi yun, sumpungin, malambing... Siguro para sa akin hindi pa rin siya lumaki, hindi siya tumanda. Parang siya pa rin yung maliit na batang laging nakabuntot sa amin ng Nanay niya noon, yung palaging nakikigulo sa mga gawain ng Yaya Pe niya, yung madalas paiyakin ng Kuya niya at kampihan ng mga Ate niya, yung palaging kaaway ng bunsong kapatid tapos maya-maya tumatakbo sa Nanay niya ng umiiyak. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan kasi yung batang yun, hindi mareklamo. Kahit nahihirapan na hindi nagsasabi, malalaman mo na lang pag umiyak na, nagkasakit na, pag hindi na kaya.

R: Tay...

TD: *holds up his hand to stop R* Sandali lang.

R: Opo. *looks back down and keeps quiet*

TD: Alam mo, gagawin ko ang lahat para sa batang yun... Para sa lahat ng mga anak ko... Isang sabi lang ni Menggay, ibibigay ko sa kanya ang mundo. Kapag tatay ka talagang ganoon, yung imposible gagawin mong posible para mga anak mo. My children can ask for anything from candies to fastfood takeouts to unicorns and rainbows and I will always want to do my best to give that to them. Naiintindihan mo ako, di ba?

R: *quietly nods his head*

TD: Kaya nung sinabi ni Menggay noon na mahal ka niya at gusto ka niyang makasama, inaamin ko na ayaw ko talaga. Para sa akin, sino ba tong lalakeng to? Maliban sa dimple nito, ano bang mabibigay niya sa Menggay ko? Pasensiya ka na ha? Normal siguro yun. Tatay ako eh, prinsesa ko yun. Kahit ayaw ko, pinagbigyan ko. Mahal ko eh. Sa isip ko lilipas lang din to gaya ng dati.

R: *bites his lip and wrings his hands, feeling smaller by the second*

TD: Pero iba ka. Iba ka, nak. Nakita ko kung gaano ka kabuting tao. Naramdaman ko kung gaano kasaya at kakampante ang anak ko pag kasama ka. Napatunayan mo ng paulit-ulit kung gaano mo kamahal si Menggay at kung may isang tao man akong mapagkakatiwalaan na mag-aalaga sa Menggay namin, isang taong po-protekta at magmamahal sa kanya gaya namin, ikaw yun. Ikaw lang yun.

R: *looks up and meets TD's stare*

TD: Binago mo ang isip ko. Napatunayan mong pwede akong magkamali sa mabuting paraan. Dahan-dahan kong nakita ang sarili ko sa'yo sa pagmamahal, pagsusumikap at pag-aalaga sa mga taong mahal mo kaya alam kong magiging mabuti kang asawa kay Menggay at ama sa mga magiging anak niyo.

R: *holds back his tears* Salamat po, Tay. Maraming salamat po.

TD: Hindi, anak. Salamat sa'yo. Salamat sa pagmamahal mo hindi lang sa Menggay namin kundi para sa aming lahat. Pasensiya ka na ha? Hindi talaga madali sa isang magulang na ipagkatiwala sa iba anak na buong ingat niyang inalagaan. *smiles* Welcome to the family, nak.

R: *bites his lip and nods his head as he wipes away his tears, smiles* Okay lang po. Naiintindihan ko. Thank you. Thank you po. Promise po hindi ko po kayo bibiguin. Hinding-hindi ko po sisirain ang tiwala niyo at lagi ko pong aalagaan at mamahalin si Menggay at ang magiging pamilya namin.

TD: *nods his head* Aasahan ko yan.

ND: *sobs, sniffs*

TD: Oh, Meann, kanina ka pa diyan?

ND: Kaya pala pinalabas mo ako para magka-moment kayo ng ganito. *walks to the table and puts the cups down* Eto na kape niyo. Kanina pa ako dun, umalat na tuloy yan sa mga narinig ko. Tama na yang arte na yan. Group hug na lang. *hugs R*

TD: *chuckles, stands up and joins his wife in hugging their new son* ❤👪 ❤

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon