#A4Day22-The Enlightened Day

3.2K 230 21
                                    

AMACON4 30-Day Writing Challenge
Serendipitous
Tagalog FF prompt:
Liwanag Sa Anino

The Bad Day 7 (Final part)

********Bandang alas tres ng madaling araw nang maalimpungatan si Maine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


********
Bandang alas tres ng madaling araw nang maalimpungatan si Maine. Nang imulat ang mga mata nakita niyang binabalot ng dilim ang buong kwarto, marahil ay sa kawalan ng kuryente, maliban sa malamlam na liwanag ng buwan sa maulap na kalangitan at maya't mayang paghiwa ng kidlat sa kadiliman na sinusundan ng malalim na tunog ng kulog. Malamig ang paligid na dulot ng pagpasok ng malamig na simoy sa naiwang nakaawang na bintana na siya namang pagpadpad ng puting kurtinang nakasabit dito. Tahimik ang lahat maliban na lang sa mahinang pagpagaspas ng mga sanga ng puno sa pag-ihip ng hangin, sa banayad na pag-ugong ng mga alon sa dagat sa di kalayuan at sa tahimik na tunog ng pag-iyak ng isang bata sa kanilang pintuan.

Napabalikwas ng upo si Maine sa huling narinig. Nakadama siya ng kaba na agad naman napawi ng madama ang mainit na pagyapos ng mahimbing na natutulog na si Richard sa kanyang baywang.

Dahan-dahang siyang kumawala sa pagkakayakap ng minamahal at tumungo sa pintuan. Pagbukas niya nito ay natagpuan niya ang isang batang lalake na lumuluha at humihikbi. Kulot ang buhok nito, maputi at matangos ang ilong na may mapungay na mga mata at mapupulang labi. Mukhang hindi lalagpas sa apat na taon ang edad nito.

Walang ano-ano'y nilapitan ito ni Maine at niyakap. Binuhat niya ang batang lalake at ipinasok sa kanilang kwarto. Agad namang yumapos ang bata sa kanya at ibinaon ang luhaang mukha sa kanyang balikat habang patuloy ang paghikbi.

Umupo si Maine sa may upuan sa bandang bintana at kinalong ang bata.

"Tahan na. Bakit ka umiiyak?" Ang malumanay na tanong ni Maine sa bata habang pinapahiran ang mga luha nito.

Sa pagitan ng paghikbi ay sumagot ang bata. "Takot po ako sa dilim."

Ngumiti si Maine upang subukang pakalmahin ang takot ng bata at niyakap pa ito ng mas mahigpit. "Alam mo ba, may kilala din akong sobrang takot sa dilim dati. Sa totoo lang, she was scared of a lot of things. Takot siya sa mga bagay na di niya nakikita at hindi sigurado. May pagkamalas din kasi siya eh kaya sinisigurado muna niya ang lahat before she gets into it. Muntik pa nga siyang umatras sa kasal niya dahil sa takot na hindi siya maging mabuting asawa at ina." Natatawang kwento niya. "Kaya takot na takot at ayaw na ayaw niya sa dilim dahil hindi nakikita ang mga nakatago dito. Pero may isang lalake na dumating sa buhay niya. At ang lalakeng yun ang katunayan na di siya malas, may mga bagay lang talaga na hindi sumasang-ayon sa plano at gusto mo dahil may mas magandang inilaan si Papa God para sa'yo. Yung lalake ding yun ang tumulong sa kanya na wag matakot sa mga bagay na di sigurado at magtiwala sa mga plano ng Panginoon para sa kanila at higit sa lahat yung lalakeng yun ang nagturo sa kanya na huwag matakot sa dilim at sa mga nakakatakot na aninong dala nito dahil kahit sa pinakamadilim na gabi at anino ay may liwanag pa ring makikita. He proved that only in the darkest night can one truly appreciate even the faintest glimmer of light. Yung lalakeng yun ang naging liwanag ng mga pinakanakakatakot na anino sa buhay niya at habang nandiyan siya walang dapat ikatakot ang babae. He promised to hold her hand tighter in the dark and always be with her forever."

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon