Bukang Liwayway

4.5K 167 22
                                    

Ipagpaumanhin niyo po.

A Payb Takes update na walang kinalaman sa Payb Takes. Hahaha...

I just wanted to share my emo thread from Twitter here.

Thank you.

xoxo,
Deng ❤
********
Ang kanyang pangamba ay napawi ng matagpuan ang sinta sa may veranda, habang hubog niya ay niyayakap ng dilim ng gabi.

Nakatayo at tahimik na nakatanaw sa nagbabadyang bukang liwayway habang ang mahaba niyang buhok ay pumapagaspas sa hangin.

Mga mata ay nakapikit na wari'y taimtim na nakikinig sa bulong ng ihip,balikat ay umangat sa isang malalim na hininga.

Isang buntong hiningang nagsasabing,

"Tila ako ay napapagod na, mahal. Hanggang kailan tayo lalaban?"

"Hanggang kailan pilit na iintindihin ang mga taong sa di malamang dahilan, tayo ay ibig sirain?"

"Mahal, hanggang kailan kailangang ngumiti ang ating mga labi habang ang puso nati'y nagdadalamhati?"

"Umaasa akong balang araw,kung tunay ngang sila'y nagmamalasakit, magagawa nilang maging maligaya para sa ating dalawa."

"Pero hanggang kailan, mahal? Hanggang kailan tayo maghihintay? Hanggang kailan uunawa? Hanggang kailan makakaya?"

Dahan-dahan siya ay lumapit at tumayo sa tabi ng nangagambang dilag na kaniyang iniirog na waring nagsasabing:

"Nandito ako, mahal."

"Hinding-hindi kita pababayaan. Ikaw na nagbalik ng ngiti sa aking mga labi,hayaan mong ako naman ang magpaligaya sa'yo."

"Ikaw na nagbigay sa akin ng inspirasyon at pag-asa, hayaan mong ako ang iyong maging lakas sa iyong pagkapagal."

"Ikaw na bumuo sa pagkatao kong minsan ng nawasak, hayaan mong ako naman ang mangalaga sa iyong puso."

"Nandito ako, mahal, patuloy na ipaglalaban ang ating pagmamahalan, pangngalagaan ka hanggang sa huling hininga, poprotektahan ka sa abot ng makakaya at magsisilbing lakas sa oras ng iyong kahinaan."

At unti-unti...

Ang kanyang kamay ay inilapit, inilahad ang palad na tila nagpapapalala...

"Di ba ang pangako mo'y di ako iiwan,sinta?"

Sa pagdampi ng kaniyang palad ay napangiti ang dalaga at kaniyang malambot ng kamay ay ikinapit sa kanya.

At sa sandaling iyon,sa paghalik ng sinag ng araw sa kanilang mga mukha,kapit-kamay nilang hinarap ang isang bagong araw.

Mga mata nila'y nagtagpo at doo'y kanilang nakita ang panibago lakas at pag-asang ibinigay sa isa't-isa.

At sa kanilang pagtitig mga labi'y unti-unting naglapit at naglapat sa isang halik na nagsasabing...

"Habang may IKAW at AKO at Panginoon na sa atin ay gagabay, walang makababalakid sa ating pag-ibig na walang hangganan."🍃🍃🍃🍃🍃🍃🍃🍃

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon