Chapter 4: Entering the Labyrinth

90 14 4
                                    

Chapter 4: Entering the Labyrinth

Author's Note: Dedicated to CliffordBooks2526, since his character, Raffy, is given spotlight in this chapter.

Raffy Pangilinan's Point of View

Pagkatapos ay nag-group call kaming lahat.

AJ: May nararamdaman akong iba rito. Hindi basta bastang nagkataon lang na lahat tayo ay nawawalan ng magulang ngayon.

Yuri: Oo nga, pwede.

Ako: Weh? Grabe naman, huwag sana!

KJ: Whoa, whoa! Chill lang kayo! Coincidence lang siguro iyan! Bat naman magkakaroon ng masamang dahilan ang mga pangyayaring ito? Kalma lang tayo at magsaya! Ano ibigsabihin niyo..may death game nanaman? Naku, grabe naman! Huwag naman! Mahahanap din natin sila!

Chantellia: Um. Para masagot yung mga tanong natin tungkol sa pangyayari.. AJ, si Kuya Vincent mo, pwede ko bang matawag o makausap? Baka sakaling may alam siya.

AJ: Wala siya, eh.. It's been a long while na hindi kami nagkakausap. Busy yata siya.

Chantellia: Kahit sinong multo diyan? Baka may pwede siyang ibigay para kausapin ka on his behalf?ygy

AJ: Wala, pero, may naisip na ako.

Ako, Yuri, KJ, Chantellia at Aila: ANO?

AJ: Subukan muna natin sila hanapin. Tayong anim lang, dahil medyo iba ito, nararamdaman ko iyon. We split up. Kayo bahal kung saan niyo gustong pumunta, kung nasaan niyo tingin ang mga magulang ninyo.

(Bigla akong may naalala, tungkol kay papa.)

Ako: Teka, teka! AJ!

AJ: Bakit, Raffy?

Ako: Naalala ko, hindi pala manonood ng PBA ngayon si papa. Parang binanggit niyang baka pupunta siya sa school kanina. Hindi yun sigurado, kaya nakalimutan ko na rin, umuwi agad ako at hindi ko rin naman siya nakita sa school, pero baka hindi ko lang siya napansin. Hanapin ko na lang siya sa school, baka andon pa. Doon ako, AJ, okay lang? Sa school?

AJ: Sige, Raffy. Sa school ka. Baka rin may iba kang mga mahanap doon. The rest of you, kung saan niyo tingin na pumunta ang mga magulang ninyo.

Yuri: So, ano nga pala yung punto mo, AJ, tungkol sa kakaiba mong vibes dito?

AJ: Okay. Makinig muna kayo. Tungkol ito sa labyrinth. We heard from Shin and Noel na narinig nila sina Sir Lopez, may binabanggit tungkol sa mga magulang tuwing may pinaparusahan sila at pinapapunta sa labyrinth. At nakuha sina Noel, pinarusahan na rin, na ibigsabihin..baka damay na tayo, ang isa pang kalahati ng grupo. Nararamdaman kong pakana nila ito sa atin.

Ako: Sige, sige. Enough talk na. I gotta go na. Si papa na lang ang mayroon ako. Matagal ng patay si mama, at walang awang pinapatay ni Victarion si Kuya Xander.

Yuri: Alright, alright. Taralets na!

Umalis na ako sa group call. Agad na akong pumasok sa bahay at nilagay ang backpack ko sa isang sulok sa kwarto.

Hindi na ako nagbihis dahil okay na ako sa damit kong violet na checkered coat at panloob na dilaw na damit na tungkol sa basketball. Ang dinala ko lang ay ang cell phone, wallet, panyo, at towel ko, lahat yun ay nilagay ko sa mga bulsa ng pantalon ko.

Kinuha ko ang pulang motorsiklo namin ni papa sa bakuran. Bigla kong naalala na nakatago pala sa ilalim ng upuan ang dalawang baril niya at mga extra na bala. Chineck ko kung nandoon pa, at nandoon pa nga. Nilagay ko ang mga baril sa nakatagong bulsa sa loob ng checkered coat, magkabilaan ang dalawa, kaliwa't kanan. Kumuha ako ng konting mga bala at nilagay ito sa mga zippered pocket sa labas ng checkered coat ko. Sunod, sinuot ko na ang helmet at minaneho ang motorsiklo palabas ng bahay. Iniwan ko namang naka-lock ang bahay. Secured na secured naman.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon