Chapter 7: A Periodical Exam?

86 12 6
                                    

Chapter 7: A Periodical Exam?

Author's Note: This chapter has only a random dedication, since there isn't any character here who had spotlight. So, for the random dedication, I ended up deciding to give it to Darkest_Senyorita.

Third Person's Point of View

Ang mga Labyrinthians ay nagpahinga muna.

Ang mga Assaults ay inaasikaso ang mga sandata nilang gagamitin, pagkagamot nina Chachi at Cane sa kanila.

"Raffy, simula ngayon, sa iyong sa iyo na iyang sniper rifle na iyan na galing sa bagong Supplier na kaibigan mo, si KJ Cabanilla. Para ka-tandem mo ang girlfriend mo sa pagiging sniper o sharpshooter, since bow and arrows gamit niya, ni Aila. So, parehas na tayong gumagamit ng sniper rifle, at parang kami ni CJ Freit kayo." sabi ni Von kay Raffy.

"Gege! Gusto ko naman yan, eh!" ani Raffy.

"Wow, nice! Ayos ito!" dagdag ni Aila.

"Ikaw naman, James. Sa iyo pa rin ang nunchucks mo. At, ikaw na ang gagamit ng dalawang mga pistola ni Raffy. Ayos ba iyon, James Corolla?" sabi naman ni Von kay James, ang cyborg boy nila.

"Yup! Ayos na ayos iyon!" tugon ni James habang hawak hawak ang mga dating pistola ni Raffy.

"Sunod. Miles, katana boy ka pa rin naman. Dual katanas ka pa rin, don't worry. Bibigyan ka lang namin ng mga itak bilang back-up weapons. Ito yung mga nahanap ng Suppliers sa Pathway 19." inabot ni Von ang ilang mga itak kay Miles.

"Salamat, Von, haha!" sabi naman ni Miles.

"TJ, mananatili ka pa ring archer katulad nina Aila, Aymax at CJ Freit.  XC, ikaw naman. Mananatili ka pa rin sa brass knuckles mo, mananatili ka pa ring unarmed, puro suntok ka lang, Manny Pacquiao pa rin na may mga sipa sipa rin. Bibigyan ka lang namin ng back-up na mga chemical guns, na kakainbento lang ng ating mga Scientists." pagdedesisyon ni Von kina TJ at XC, at inabot kay XC ang dalawang chemical guns na kakainbento lang ng mga Scientists.

"Nice one! Thank you!" ani XC.

"Haha, astig iyan, ah!" sabi pa ni TJ.

"Sa iyo pa talaga napunta, wow! Suwerte!" dagdag ni Aymax.

"Aymax, mananatili ka sa mga pana mo. Pero, ikaw, Nica. Step forward. Hindi siguro sapat ang bo staff mo bilang sandata. Lalo na dahil, madali ito masira. Dadagdagan ka lang namin ng ilang mga pocket knife." pagdedesisyon ni CJ Freit kay Nica, saka inabot ang ilang mga pocket knife.

"Thank you!" pasasalamat ni Nica.

"Ran, Alice. Mananatili kayo sa mga sandata niyo. Ran, go lang sa pagiging living sub machine gun. Alice, ikaw naman, go lang din sa pagiging shotgun girl, go girl!" sabi naman ni CJ Freit tungkol kina Ran at Alice.

"Yes naman! Di ba, Alice?" ani Ran.

"Yep, yep, yep!" ani Alice.

Tapos, ang mga Explorers naman ay pinag-uusapan ang tungkol sa buong labyrinth.

"So..yung Pathway 21, 22 at 23 ay punong puno ng mga insekto. Dito yun sa gilid nitong Pathway 1 banda, yung nasa kabilang parte ng matibay na mga pader na iyon, yung tatlong mga Pathway na yun. Tapos, 24, puro thorns. At 25....isang abyss?" sabi ni Dean, habang tinitignan ang mapa.

"Yan ang mga hindi pa natin nailalakbay..piling ko, masyado iyang delikado kahit may mga Assaults tayong kasama." sabi naman ni Tabby.

"Sang-ayon ako diyan..masyadong delikado. Kung yung mga ahas nga, hindi pa natin matalo-talo, paano pa kaya yung mga iyan? Hanggang Pathway 20 pa lang ang pinakamalayo nating nararating." tugon ni CJ Agila rito.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon