Chapter 9: Start of the Progress

98 12 7
                                    

Chapter 9: Start of the Progress

Author's Note: Picture of Dean Norton (Rupert Grint) in the multimedia. Hence, this chapter is dedicated to AndreyMalihan, the owner of Dean.

Captain Von Trapp's Point of View

Nakaposisyon na kami. Kami ni Raffy, magkatabi, naka-crouch habang hawak ang mga sniper rifle namin. Yung mga archers, sina CJ Freit, Aila, Aymax at TJ ay nasakabilang sulok, naka-crouch din at nakahanda ang mga bow at arrow nila sa mga kamay nila. Sa gitna ay sina Ran at Alice, handang handa na muli gamitin ang mga SMG at shotgun nila. Sa gitna ay ang katana boy na si Miles, ang cyborg boy na si James na hawak hawak na ang kanyang mga pistola, ang Manny Pacquiao namin na si XC, at ang Black Widow namin na si Nica.

Nakita na namin si CJ Agila, tumatakbo habang sumisigaw.

"GUYS! GUYS! GUYS! TULONG!!!" sigaw niya.

Nakita ko siya, nanginginig. Nilalamig siguro, o natatakot ng musto. O parehas. Yung buhok niya, basang basa, kaya iba ang itsura niya. Yung damit niya lalo, sobrang basa. Ewan ko lang kung gumagana pa ang technological backpack niya na nagbibigay ng mga mechanical wings niya.

"Oo, alam na namin. Dahil sa panaginip ni AJ. At, handa na kami." sabi ko.

"Kuya, punta po muna kayo sa mga Medics. Baka roon sa paglublob mo sa tubig, pwede ka magkasakit. Yung tubig kasi, malamang, hindi ligtas, maaaring magbigay ng sakit." mungkahi ni James kay CJ.

"Sige, salamat. Gagawin ko iyon." tugon ni CJ dito, at inubo na ng inubo.

"Tulungan na kita, CJ." pag-alok ni AJ na tulungan na si CJ, sapagkat masama na ang pakiramdam niya.

"Sige, salamat." pagtatanggap at pasasalamat ni CJ dito.

Tinulungan na ni AJ si CJ papunta sa mga Medics.

Kami namang mga Assaults, naghintay lang ng ilang mga minuto para dumating yung mga buwayang ito.

Hanggang sa narinig na namin sila.

"EVERYONE, BE READY!" sabi ko sa kanila.

At, naghanda na kami para lumaban.

Bigla na naming nakita, yung mga buwaya, mabilis na sumugod na!

Agad nang tumakbo palapit sina Miles, James, XC at Nica.

Si Miles ay ginamit ang dalawa niyang mga katana, humiwa siya ng mga buwaya sa kaliwa banda. Si James naman, tinulungan si Miles sa kaliwa na pumatay ng mga buwaya, gamit naman ang dalawa niyang mga pistola. Sa bandang kanan, suntok ng suntok si XC ng mga buwaya, at inaalalayan siya ni Nica rito, gamit ang mga flying kick.

May mga buwaya na nilagpasan silang apat. Sina Ran at Alice ay binaril ang mga ito.

Nakita namin, si Miles, biglang parang napapatumba na ng maraming mga buwaya. Nabitawan niya ang mga katana niya bigla. Tapos, yung mga pistola ni James, napatalsik ng mga buwaya palayo, at ginagamit na lang niya ang cyborg arm niya para labanan ang mga buwaya at hindi ito masyadong nagtatagumpay. Si XC, makakain na ng maraming mga buwaya na pinagtutulungan siya. Dinadaganan nila ang mga kamay niya, kaya hindi niya malabanan ng mga suntok ito, at pati mga paa niya, dinadaganan, kaya hindi siya makasipa. At si Nica, hinila sa dalawang mga paa ng isang buwaya at hinila sa dalawang mga kamay ng isa pang buwaya, at pinag-aagawan ang katawan niya ng dalawang mga buwaya na parang tag of war.

"SNIPERS, AID THEM IMMEDIATELY!" utos ko sa aming mga sniper sa likod, na wala pang ginagawa.

Ang mga archers ay pinana ang mga buwaya sa lugar nina Miles at James. Kami naman ni Raffy, binaril ang mga buwaya na kakainin na sana sina XC at Nica.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon