Chapter 29: Last Stand (Part 1)

65 9 3
                                    

Chapter 29: Last Stand (Part 1)

Author's Note: Collage of Aymax Devin (Miranda Kerr) and Castor Jasper Agila (Alexander Flores), also known as #MaxTor on the multimedia.

Xena Agatha Maxene "Aymax" Devin's Point of View

Mga late na siguro ako nagising.

Pagkagising ko, nagsisi-react na sila sa pagkuwento ni AJ sa panaginip niya. Ako ang pinakahuling nagising. Lahat sila, kanina pa gising. Naku, ano ba ang nangyari sa akin?

"So, it's not exactly a coincidence that all the deaths occurring are all sacrifices?" reaksyon ni Callix.

"Oo, ganon na nga. Talagang sinasadya na ito ni Kuya Vincent para raw sa so-called solution nila." tugon ni AJ dito.

"Papatay pa talaga, para lang sa solusyon? Tingin ko rin talaga, mali iyon!" dagdag ni Yuri.

"Yun nga, eh. Sila pa mismo, pinlano itong death game para sa atin! Nakakainis!" ani AJ.

"Teka, AJ! Bakit parang inis na inis ka sa kapatid mo? Hindi mo ba siya pagbibigyan? Bakit tumutuligsa ka sa kanya? Sa pagkakaintindi ko sa panaginip mo, napilitan lang siyang gawin ito para malutas ang poblema nila roon." sabi bigla ni KJ, na parang himala kasi parang ngayon lang namin ulit siyang narinig magsalita.

"Ganito kasi yun, KJ. Nararamdaman kong parang tinatalikuran niya na ako. Kasi, kung pinasimulan niya ito, hindi ba niya inisip na ako, ako na masasaktan dito? Kasi, death game nanaman, eh! Saka piling ko, may kumokontrol lang sa kanyang mga demonyo. Isipin mo rin, KJ, ikaw din naman, naaapektuhan ng musto, di ba?! Siya pala ang may pakana nito, biruin mo yun!" tugon ni AJ dito.

"Welcome back nga pala sa bungaga mo, KJ. Ngayon ka lang ulit nagsalita, eh!" pabirong bati ni James.

Natawa naman ako sa biro ni James.

"AJ, isipin mo rin na anomang ginawa niya, naisip din niya na para sa iyo rin yun. Diba, sabi mo, may gera sila laban sa mga demonyo? Isipin mo naman, kung mananalo yung mga demonyo, mawawala na yung mga anghel, malamang aatakihin na tayo, at mapapahamak tayong lahat. Si Victarion malamang, gagantihan ka nanaman." sabi pa ni KJ kay AJ.

"Eh, bakit tayo pa? Pangatlong beses na natin ito, KJ. Alam mo yun. Isa ka sa ating mga kasali pa noong una-una. Para kina 4A, Cane, Samuel, Heaven, Raffy at Aila, pangalawa pa lang. At silang lahat, nadamay lang. Dinamay niya! Pwede naman sa iba, diba?" kontra ni AJ dito.

"Alam kasi ng Kuya Vincent mo na ikaw ang makakaintindi, AJ. Kapag sinubukan niya sa iba, malamang, baka bumigo sila at lumala lang. Kilala ka na kasi niya, AJ, kasama na ako, sina Yuri, Noel, Chachi, 4A, Cane, Samuel at Heaven bilang mga sanay na, na pwedeng pwede magawang maayos ang isang death game. Kung sa iba, baka hindi maging united, baka maging iba ang resulta sa hinahanap nilang resulta. Tignan mo ngayon, di ba, may unity tayo? Sama-sama tayo at tinuturing natin ang bawat isa bilang pamilya. Paano yung iba na bigla na lang nila bibigyan ng death game? Baka hindi sila ganon. Nakikita kasi ni Kuya Vincent yan sa iyo, AJ. Alam niyang ikaw mismo na kapatid niya ay makakatulong." pagpapaliwanag ni KJ.

Hindi muna nakasalita si AJ, Ni-isa sa amin, hindi nakasalita. Hindi namin alam kung bakit kami naging speechless bigla sa sinabi ni KJ na iyon, pero para sa akin, dahil ito sa napakagandang pagpapaliwanag ni KJ sa konseptong sinasabi niya kay AJ. Hindi rin nga ako makapaniwalang nasabi yun ni KJ. Siya pa talaga, of all people?

Nagsimula namang pumalakpak si Chantellia para kay KJ. Pumalakpak na rin ang iba, lalo na sina Miles at James. Lahat na kami, pumalakpak, pati si AJ.

"Ang galing ni idol! Nag-iba na talaga! Kaya pala siya tumatahimik at tumitino na nowadays, eh!" sabi ni Miles, at nakipag-brofist pati hi-5 kay KJ.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon