Chapter 15: The Abyss

105 14 15
                                    

Chapter 15: The Abyss

Author's Note: This chapter has a random dedication, and I ended up picking Ohmartin94 for the dedication. He is the character owner of two of the seven original leaders, Captain Von Trapp and CJ Freit.

Adrienne Dynice "Adrie" Makiling's Point of View

Pagkatapos ng dalawang araw mula noong nag-supply run ang mga Suppliers sa kagubatan, gumaling na rin ng buo si CJ Agila.

Kaming apat na Medics ay buong linggo siyang binabantayan at ginagamot.

"Mababa na ang temperature mo ngayon. 36° degrees ka na ngayon, na ibigsabihin, normal body temperature ang mayroon ang katawan mo, at magaling na magaling ka na talaga." sabi ko, nang makita ang body temperature niya sa thermometer.

"Oo nga. Nararamdaman ko na ring magaling na ako. Salamat talaga sa tulong ninyo, Medic Girls. Nararamdaman ko rin ang pagmamalasakit niyo para sa akin habang may sakit ako." pagpapasalamat sa amin ni CJ Agila.

"Ay, wala po yun kuya. Trabaho naman namin yun, eh. Saka, noong ginawa mo ang grupo na ito, talagang tinakda ko ang trabaho naming gamutin at pagmalasakitan ang aming mga kapwa Labyrinthians dito, pinangako na talaga naming gagawin namin ang tungkulin namin ng pinakamabuti at pinakamaayos namin, kaya hanggang ngayon, tinutupad namin ang mga sinabi namin sa pangako na iyon." tugon ko rito.

"So, ano na plano, CJ?" tanong ni Chachi kay CJ Agila.

"Iniisip ko ito lagi sa pagpapahinga ko, at ngayon, alam na alam ko na." sagot ni CJ, na kulang pa.

"Ahm... Ano po yung plano na iyon?" tanong ni Cane bilang follow-up sa kanya.

"Sorry. Inisip ko kasi muli. Pero ito yun. Misyon ito naming seven leaders. Yung originals, bago sina AJ. Adrie, Elaine. sasama kayo sa akin, tatawagin ko lang yung lima pa sa atin. Pupuntahan na rin natin ang abyss." sagot na ni CJ.

"Chachi, Cane, kayo muna ang mga Medics na matitira rito, habang nasa abyss kami." sabi naman ni CJ kina Chachi at Cane.

"Oo, sige, you can count on us!" tugon ni Chachi.

Pumunta na kami sa mga Suppliers.

Hinanap namin si Boomerang, at nakita namin agad siya, nasa kusina, kasama sina KJ at Chantellia, na naglilinis.

"Boomerang." tinawag na ni CJ si Boomerang.

"Bakit, Eagle Boy?" tanong ni Boomerang.

"Sama ka sa amin. Dalhin mo ang mga boomerang mo. Pupunta na tayo ng abyss. Misyon ito nating seven leaders. Magaling na ako, kaya gagawin na natin ito ngayon." sagot ni CJ.

"Ay, siyempre, as always, nandito lang sa mga bulsa ko ang mga boomerang ko. At, huwag kang mag-alala, handang handa ako para diyan sa abyss na iyan. Basta..nasa atin yung mga grappling hook backpack na iyon, at basta okay lang kung ganitong cooking suit lang ang suot ko." tugon ni Boomerang dito, at sinundan na kami sa paglalakad, kahit suot suot pa rin niya ang apron at hairnet niya na sinusuot niya tuwing nagluluto siya.

"Mabuti iyan. At oo, ayos lang kung ganyan ang suot mo, Boomerang." ani CJ.

Pumunta na kami sa Pathway 5, kung nasaan ang engineering laboratory.

Nakita namin, kumakain ng almusal sina Yongwoo at Xaiven.

"Yongwoo, Xaiven!!!" tinawag ni CJ ang dalawang mga engineer na kumakain ng goat meat na niluto ng mga Suppliers galing sa napatay nilang mga kambing sa kagubatan two days ago.

"O?" sabay nilang tugon.

"Pakitawag si 5C at pakibigay sa akin ang pitong mga grappling hook backpacks na iyan. Pati ang mga pakpak ko." utos ni CJ sa kanila.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon