Chapter 10: War against the Creatures (Part 1)

85 12 11
                                    

Chapter 10: War against the Creatures (Part 1)

Author's Note: Picture of XC Scoth (Nick Jonas) in the multimedia. Hence, this chapter is dedicated to jecielaine, the owner of XC Scoth's character.

Xyro Christ "XC" Scoth's Point of View

Ayan na, ayan na! Excited na ako! Lalabanan na namin yung mga hayop!

So, nagtipon-tipon ang lahat ng Assaults at Explorers.

"Sino sa inyong Assaults ang gustong sumama sa paglalakbay? Dapat hindi lahat, dahil yung iba, mananatili rito upang dumepensa." tanong ni Von sa aming mga Assaults.

"Ako!" sabi ko at nagtaas ng kamay.

"Kami ni Alice, as usual!" sabi ni Ran, na tinaas din ang kamay at pati kamay ni Alice.

"Kami rin!" sabay na sabi nina Raffy at Aila, na parehas nagtaas ng kamay.

"Gusto ko lang naman masubukan na kalabanin ang mga hayop na ito, kaya count me in!" sabi ni TJ, ngunit hindi nagtaas ng kamay.

"Okay, sapat na siguro ito. Anim kayo, plus kaming dalawa ni Von. Walo. Okay na rin kung more than half. May apat lang na matitira rito, walang iba kung hindi sina Miles, James, Nica at Aymax." sabi ni CJ Freit.

"Assaults, bigyan mo kaming Explorers ng mga sandata, mayroon pa ba? Anim lang naman kami ngayon, huwag kayong mag-alala. In case lang na kailangan naming lumaban." utos ni Noel.

"Okay, mayroon kaming apat pang mga itak dito, yun lang." ani CJ Freit.

"Ay! Ipapaheram ko na lang ang dalawa sa mga itak ko rito! Marami pa naman ako! Para sakto sa inyong anim!" sabi ni Miles, at ipinakita ang dalawang mga itak.

"Mayroon na akong isang pistola rito, pero sige, ayos lang kung magkakaroon pa ako ng isang itak." sabi ni Dean.

"Geh, okay na yan!" ani 4A.

Binigyan na ang anim na mga Explorer ng kanya-kanyang mga itak, tig-iisa.

"Tara na. Oras na para sa paglalakbay at laban na ito." sabi ni 4A sa amin, at naglakad na palayo, kasama si Noel.

Sumunod na agad ang mga Explorers na sina Shin, Yana, Tabby at Dean.

"James, Miles, Nica at Aymax, kayo muna bahala rito, ha?" sabi ni CJ Freit sa apat na mga Assaults na naiwan.

"Oo, oo! You can count on us!" sabi ni James.

At, sumunod na kaming mga Assaults pagkatapos.

Una sa daan si Tabby, ang may hawak sa mga device na matutulungan sila sa paglalakbay, at ang may pinakaalam sa mga daan bukod kay Dean, na laging nasa hulihan. Si Tabby rin ang nagsilbing ilaw sa unahan sapagkat siya ay may flashlight. Sa likod ni Tabby ay ang kanyang mahiyaing matalik na kaibigan at laging kasama na si Yana. Sa likod ni Yana ay si CJ Freit. Sa likod ni CJ Freit ay si Von. Tapos si 4A. Tapos si Noel. Sunod si Shin, na nagsisilbing ilaw sa gitna dahil sa flashlight niya. Sa likod niya ay si TJ. Tapos si Ran. Tapos si Alice. Tapos si Aila. Tapos si Raffy. Sunod na ako, sa likod ni Raffy. At, ang pinakahuli sa lahat ay si Dean.

Dahan-dahan kaming naglakad, walang ingay. Nakakabinging katahimikan ang mayroon kami sa paglalakad.

Una muna naming naisipang puntahan ang mga oso sa Pathway 17 at 18.

Stealth mode muna kami sa una, ngunit hindi na noong sinugod namin ang mga oso. Dito muna kami sa Pathway 17.

"Okay, on my count. Three...two...one..GO!" pagbigay ng hudyat ni Von, habang nakahanda na ang baril.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon