Chapter 5: Initiation, Part 1

96 15 11
                                    

Chapter 5: Initiation, Part 1

Author's Note: This chapter is dedicated to Fretzie_27, since her character, Heaven is given some spotlight in this chapter.

Heaven Jean Castillejo's Point of View

Nagulat talaga kami sa boses at sa pagdating nina AJ, Yuri, KJ, Chantellia at Aila.

"Ano yung boses na iyon?" tanong ko.

"Oo nga, hindi ko rin alam! Pero..parang 'Periodical Death Exam' yung narinig ko sa bandang huli!" dagdag ni Raffy.

"Mayroon talagang laging parang robot na boses na nagsasalita, at may mga announcement na dala sa amin. Nakakagulat din kasi paminsan lang yan namin naririnig, tuwing mga spesyal na pangyayari, na ibigsabihin, may spesyal na nangyayari ngayon." sagot ni Von.

"AJ Magnifico, Yuri Arissa Sandoval, KJ Cabanilla, Chantellia Yukiko at Aila Hancher. Welcome." pagbati ni CJ Agila sa lima.

Tumingin-tingin sila sa paligid. Nakita ko ang kamanghaan nila sa lugar. Napapa-WOW siguro sila.

"Para hindi muna ako makaistorbo ng sobra ngayong araw, ioorient na lang kayo ng mga kaibigan niyong nauna na rito at na-orient ko na kanina pa. Pagod na rin naman ako. Ang dami niyo kasing dumating ngayon na mga bago." sabi ni CJ Agila.

"Kaya nga, eh! Ang dami, grabe! Nawi-weirduhan talaga ako sa araw na ito ngayon. Fourteen newbies in one day..wow." ani Von.

"Eh, ganon talaga. These people kasi, sila yung mga nadala rito dahil gusto nila mapatigil ang lahat ng ito at nararamdaman may something na wrong na nangyayari sa paaralan, lalo na tungkol sa atin dito." tugon naman ni CJ Freit dito.

Nagsibalikan na kami sa mga ginagawa namin. Nag-camping ulit kami. Hiwa-hiwalay kaming lahat sa anim na grupo, pero sumali na sa aming siyam (kasama na kasi sina Shin at KC Park) sina AJ, Yuri, KJ, Chantellia at Aila sa isang sulok. Kaming grupo ng mga baguhan.

Si Raffy na ang nagpakilala sa lima tungkol sa lugar na ito at mga tao rito. Habang kami, nagrerelax lang sa campfire. Kumain pa kami ng baboy na nasa mga sticks na binigay nina Boomerang at Panther. Ginamit namin ang campfire para maging mainit at mas masarap ito.

"It's been a..weird day talaga, katulad ng sinabi ni Von." sabi ko, habang minumuya ang baboy, at habang inoorient pa ni Raffy yung lima.

"Kaya nga, eh. I guess, this is the beginning of our new lives. Nice meeting you, anyway." sabi naman ni KC Park, habang pinuputol ang tip ng stick ng baboy niya upang hindi siya matusok nito sa pagkain niya nito.

Napalingon kami sa kanya.

"Maybe. Itong mga ito, sanay na sanay na rito. Normal na sa kanila ang kakaibang pamumuhay dito. Para na silang isang pamilya, nagtutulungan, may iisang gusto; ang makalabas mula rito. At hinding hindi sila sumusuko." ani Noel.

"Tama. Buti na lang at wala pang nababawian ng buhay sa kanila, sa ganitong napakadelikadong pahamak na lugar. Lalo na yung mga Explorers at Assaults.." ani naman Chachi.

"May sinasabi si Raffy tungkol sa mga magulang..tingin niyo ba, laban din talaga ito para sa mga magulang natin?" tanong ni Samuel.

"Siguro. At hindi lang sinasabi sa atin. Siyempre, alam nila Sir Lopez na magtataka ang mga magulang natin kung nasaan tayo at gagawin nila ang lahat para lang mahanap tayo, kaya may ginawa sila sa kanila. At..talagang sina Raffy o tayo, ang tagadala ng mensaheng ito." sagot ko naman.

"Grabe yung pamumuhay dito. Parang kakaiba at parang hindi ko kaya makapagpalipas ng isang araw dito o baka kahit isang gabi lang, hindi ko kayanin. Ngayon lang, namimiss ko na yung buhay sa taas, sa lupa." reaksyon ni Samuel ng pinagmasdan pa niya ng lalo ang paligid namin at ang ibang mga tao roon na nagsasaya rin sa mga kanya-kanya nilang campfire.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon