Chapter 24: A Sudden Attack

81 9 8
                                    

Chapter 24: A Sudden Attack

Author's Note: Picture of Alice Seraphina (Emma Roberts) on the multimedia.

Alicia Clara "Alice" Seraphina's Point of View

Naisipan ko munang umihi. Sa bandang kagubatan ako umihi. Eh, doon naman lagi. Mas masarap nga paminsan kapag nasa kagubatan ka, kasi maliwanag lagi, yung lugar niya ang tanging lugar na tinatamaan ng solar energy dito sa labyrinth. Siyempre, may mga puno.

Pagka-ihi ko, naisipan ko munang tignan ang iba.

Sa Pathway 8, sinerve ni Kayece sa dalawang Medics, sina Chachi at Cane ang fried chicken with eggs na niluto nilang Suppliers, para sa tanghalian.

Nakalagpas na ako, kaya sa Pathway 7 naman ako. Walang tao sa bodega ng mga Suppliers.

Wala ring tao sa kusina ng mga Suppliers sa Pathway 6. Pero, halata mong na-serve na nila ang mga luto nilang kakaluto lang nila ngayong araw.

Sa Pathway 5 naman, ang engineering laboratory ng mga Scientists, nakita ko si Panther, sinerve ang mga fried chicken na niluto nila para kina Xaiven at Yongwoo, ang mga inhinyero namin.

Sunod, sa Pathway 4, ang science laboratory, nakita ko si KJ, nag-serve sa iba pang mga Scientists ng napakaraming mga fried chicken, bilang mga ulam nila.

Tapos, sa Pathway 3 naman, kung nasaan ang mga Explorers, sinerve ni Boomerang ang mga fried chicken. Pero, napanatili ako rito sa isang kakaibang nakita ko.

"Yana, babes, itong sa iyo ang spesyal. Both pinakamabalat at pinakamalaman, saka pinakamasarap pa!" sabi ni Boomerang kay Yana pagkatapos ma-serve ang kina Noel, 4A, Shin at Tabby.

"Wooooh!!!" sigaw ni Shin.

"#YanaRang pa more! Ang galing!!!" reaksyon ni Tabby sa nangyari.

"Thank you, sweetheart. Ang galing mo talaga!" pasasalamat ni Yana.

Pagkatapos nito, umalis na ako. Bumalik na ako sa amin, sa Pathway 2. Kasama roon sina AJ at Yuri, tapos si Chantellia ang nag-serve ng mga chicken namin.

"Alice!" ani CJ Agila. "Nagbalik ka na rin!" pagpapatuloy niya.

"Bakit? What did I miss ba?" tanong ko.

"Pinag-uusapan namin yung mga paparating na combat practice natin." sagot ni Aymax, habang naghahanda nang kumain ng fried chicken katabi si CJ Agila.

"Um, ano na ang mga napag-usapan niyo tungkol doon?" tanong ko pa.

"Yung tungkol sa mga Explorers. Plano namin turuan na rin sila sa mga labanan." sagot ni Von, habang sinusubuan si CJ Freit ng chicken, sapagkat pilay ang mga braso niya at hindi siya makakakain dahil dito.

"Ay, nice! Kung tatanungin niyo ako, sang-ayon ako diyan! Makakabuti rin naman!" reaksyon ko rito.

"Mabuti kung sang-ayon ka, Alice. Lahat na pala tayo ay sang-ayon, ibigsabihin. Sisimulan na natin mamaya, siguro isang oras pagkakain." tugon ni AJ dito, habang sinusubuan na ni Yuri ng chicken, sapagkat pilay ang isa niyang braso na naging hadlang.

"O, Alice. Ito ang chicken mo! Leg iyan, ah! Sana, okay lang!" sabi naman sa akin ni Chantellia, at inabot na ang chicken ko sa akin. Naka-plato ito, siyempre.

"Salamat! Kahit ano, ayos na sa akin! Pero nagkakamali ka, paborito ko sng chicken leg!" tugon ko rito.

"Sige." aniya, at umalis na, sapagkat served na ang lahat ng hawak niya.

Umupo ako sa tabi ni Aymax, na katabi si CJ Agila sa pinakalikod na row ng mga upuan. Chicken lang talaga ito, sapagkat wala nang mga kanin ang mga Suppliers. Ubos na rin ng makukuhanan.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon