Chapter 27: Attack of the Super Turduckens

79 8 11
                                    

Chapter 27: Attack of the Super Turduckens

Author's Note: Photo collage of the love team, #VonillaFrappe on the multimedia. The love team consists of Captain Von Trapp (Niall Horan) and Camilla Jane Freit (Jennifer Lawrence).

Xaiver Haven "Xaiven" Dweeves' Point of View

Nagulat na lang kami, nang marinig ang tunog ng mga higanteng paparating. May kasama rin itong tunog ng mga ibon.

Noong tinignan namin, lalo kaming nagulat nang malaman namin ito ay ang dalawang mga Super Turduckens.

Napayakap lang sa akin si Angelie sa takot.

"Babe, dito ka lang, ha, kailangan lang talaga namin ibigay na ang mga wheelchair sa mga pilay, tamang tama na ngayon na baka kailanganin nila laban sa mga halimaw na iyan." sabi ko kay Angelie, at bago umalis sa tabi niya, hinalikan ko siya sa noo.

Sina Yongwoo at KC naman, mas matindi pa sa amin, naghalikan bilang paalam. Sina Samuel at Heaven nga, yakapan lang.

"Ingat kayo, ha!" sabay-sabay na sabi nina Angelie, KC at Heaven.

Kami nina Yongwoo at Samuel ay lumabas, upang ibigay na kina Von, CJ Freit at AJ ang tatlong improvised wheelchair na kakainbento lang naming tatlo kanina.

Sina Callix at Kayece, nakita namin, tumatakbo mula sa kagubatan na kinaroroonan nila kanina. Si Miles naman, agad na tinulungan yung dalawa, bago pa may mangyari sa kanila.

Nakabalik si Callix sa loob ng science laboratory namin, samantala si Kayece, nakabalik sa kusina nilang Suppliers.

Nakita ko naman si Alice, sinusubukang barilin ang mga ito gamit ang shotgun niya.

Si Samuel, pumunta kay AJ upang ibigay ang wheelchair. Kami ni Yongwoo, pumunta kami kina Von at CJ Freit.

Binigay ni Yongwoo ang wheelchair ni Von.

"Ito, o. Wheelchair mo! Natapos na kami, sakto noong dumating ang mga Super Turducken na iyan." sabi ni Yongwoo, at inalalayan si Von umupo rito.

"Wooh! Sa wakas! Makakabaril na rin ako! Ayaw kasi ako payagan nina Alice at Miles, eh! Maraming salamat talaga!" tugon ni Von dito.

Ako naman, binigay ko kay CJ Freit ang kanyang wheelchair.

"Salamat." pagpapasalamat niya, na kaagad tumayo, at umupo na sa wheelchair.

Tinulak naman ni Yongwoo ang wheelchair ni Von, upang mabaril ang mga Super Turducken.

Sila ni Alice ay bumabaril lang ng bumabaril, pero hindi pa rin namamatay ang mga Super Turducken.

Si Miles naman, pinapaalis yung iba mula sa mga lugar na titirahin ng mga Super Turducken. Inuna muna niya sina Chachi, Cane, Yana at 4A, mula sa Pathway 8. Dala-dala nila ang mga first aid kit nila.

Isa sa mga Super Turducken ay dumaan sa kagubatan banda, dahilan para maapakan niya ang ibang mga puno sa kagubatan. Samantala, yung isa, naapakan na yung buong Pathway 8. Sira na ang lugar ng Pathway 8 sa pagka-apak nito.

Buti na lang,nyung mga Suppliers, nakaalis na agad mula sa lugar nila. Inapakan kaagad ng Super Turducken ang kusina at bodega ng mga Suppliers.

Yung mga Scientists naman ay nagkaroon ng presence of mind, kaagad silang sumunod. Nakatakbo kaagad sina Angelie, KC at Heaven palayo. Si Callix, nanatili pa sa Pathway 4, kinukuha ang mga chemicals niya, nilagay sa isang bag. Pagkalabas niya ng Pathway 4 ay saktong natapos nang apakan ng isang Super Turducken ang Pathway 5.

Sa ingay nilang mga higante, hindi ko na naririnig yung mga sinasabi ng iba.

At nakakalungkot..SIRA NANAMAN ANG MGA TIRAHAN NAMIN!

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon