EPILOGUE [REVISED]

136 11 5
                                    

EPILOGUE

AJ Magnifico's Point of View

Laking ikinasindak namin ang aming nakita pagkalubog ng elevator.

Hindi... Hindi maaari... Tapos na ito, tapos na kami... Pinangakuan nila kami, sinira lamang ba nila ito?

Nagkaroon ng mga ingay sa loob ng elevator, sa pagkagulat naming lahat sa nangyari. Sinubukang ayusin nina KJ at Chantellia ang elevator, pinipindot-pindot ang nag-iisang pindutan, o kaya naman ay bahagyang pinapalo ang pader, subalit sila ay nabibigo lamang, at ni-isa sa mga sinusubukan nila ay gumagana.

"MGA MANLOLOKO!!! NAGSINUNGALING SILA SA ATIN!!! SUMOSOBRA NA!!!" galit na sigaw ni Noel, at napasuntok sa pintuan ng elevator sa galit. Agad na pinakalma siya nina Miles at James.

"Bloody sh*t, I knew it... I knew they'd just lie to us and only kill more of us... Now, we're in such a worse condition... CURSE YOU, RETARTED MOTHERF*CKERS!!!" dagdag ni Callix na may pagmumura pa.

"O, ano? Ayaw pa magsalita o magpaumanhin sa panibagong delubyong ginawa nila? Ano pa ang hinihintay nila? Lalo lang tayo magalit?" nagsimula nang magdabog si Samuel, sinamahan na si Noel sa pagsuntok sa elevator.

"Teka, kalma lang, babe! Baka lalo lang masira ang elevator! Hindi yan makakatulong!" sabi sa kanya ni Heaven, ngunit kahit naginhawaan siya ng kaunti sa presensya ng kanyang kasintahan, hindi pa rin nawawala ang galit sa kanyang kalooban. Hindi mo naman siya masisisi, at kahit sino pa sa amin. Pati ngayon na patakas na kami ay talagang niloko pa kami. Pinaasa pa talaga. Dibale sana kung hindi kami pinaasa na makakalabas na kami, at sinabi na marami pang mg pagsubok ang kailangang daanan, kaysa naman ganito na niloloko kami.

Naramdaman kong hinawakan ni Yuri ang kamay ko. "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin, na may ngiti na alam ko ay puro, dahil sa angking katapangan niya.

"Oo. Napapaisip lang ako kung niloloko lang ba tayo nina Kuya Vincent..."

"Hindi rin ako pwede magbigay ng opinyon ko, dahil wala rin akong ideya sa ugat n ating sitwasyon ngayon, pero masasabi ko lang ay anomang mangyari, anomang maging desisyon, tanggapin natin, dahil sigurado ay may dahilan para rito..." nakita ko ang pinakamagandang ngiti mula sa kanya na dati ay hindi ko nakikita sa kanya. Para bang talagang naisasabuhay niya sa kanyang puso ang lahat ng katatagan na aming natamo sa aming mga paglalakbay mula pa noong unang mga hamon ng 10-Asia, papuntang 11-Asia, at ngayon nang nasa labyrinth kami. At dahil sa katibayan at positibong enerhiya na nararamdaman ko sa kanyang mukha ay nahahawakan ang kaluluwa ko, naiimpluwensiyaan na maging kasingtibay niya ngayon.

"Tama ka... Maraming salamat..." hinalikan ko si Yuri sa kanyang pisngi, at dahil dito ay napakalma muna ako.

Lumaki ang ingay sa loob, hanggang sa mapatigil ang lahat sa pagkarinig ng hudyat na may magsasalita mula sa speakers.

"PASENSYA NA SA NANGYARI. KAMI AY NAKARANAS NG SULIRANIN DITO SA ITAAS. HINDI PA SAPAT ANG AMING SOLUSYON. HINDI PA SAPAT KUNG PAPALABASIN NA NAMIN KAYO KAAGAD. NAPAGTANTO NAMIN NA NARATAPAT NA DUMAAN PA KAYO SA MARAMI PANG MGA PAGSUBOK. LUMALAKAS LALO ANG KAMPO NG MGA DEMONYO NI VICTARION. INAATAKE NA KAMI NGAYON. WALA NA AKONG MASYADONG MASASABI, SAPAGKAT AKO AY HINAHAB NG AKING KAPATID, NGUNIT ITO ANG AKING MENSAHE...."

"TANGGAPIN AT MAHALIN NIYO MUNA ANG LAHAT NG MGA PAGSUBOK SA LABYRINTH. BALANG ARAW, MAPAPAGTANTO NIYO RIN ANG DAHILAN KUNG BAKIT ITO KINAKAILANGAN NIYONG MAPAGDAANAN. PAALAM NA, MGA BAYANI."

Matapos ang pagsasalita ni Vincent Mauleon ay nagbukas na ang pintuan ng elevator, at nagkaroon muli ng ingay. Mga ingay mula sa galit, gulat, at kalungkutan. Sa lahat ng ito, kami ni Yuri ay nanatiling kalmado. Nagtinginan kami, at kahit hindi na nag-usap sa pagsasalita, sa pagpapalit ng mga ngiti ay alam na namin ang aming gagawin.

"AJ, ano ang plano natin? Tatanggapin ba natin na mananatili nanaman tayo sa labyrinth sa mga pagsubok na tataya ulit sa ating mga buhay?" tanong sa akin ni Von, na pinapakalma rin ang sarili niya.

"Ganon na nga, Von. Wala rin naman tayong ibang magagawa. Papatayin lang natin ang sarili natin kung pipilitin nating hindi tanggapin ito." sagot ko sa kanya, at tinapik lamang niya ako sa balikat.

"Tama ka," sambit naman ni CJ Agila, na palihim na nakinig sa aming usapan, at hinakbayan na ako. "Kakayanin naman natin ito, pero kailangan mo lang ipagpatuloy ang impluwensiya mo sa kanila, AJ." napangiti ako sa kanyang sinabi, at tumango, bilang tahimik na pagsasang-ayon.

"GUYS!!!" sumigaw ako ng malakas, upang makabuo ng nakakabinging katahimikan sa elevator.

Tinignan ko muna silang lahat isa-isa, at nang madatnan ng mga mata ko ang mga mata nina Yuri, Noel, KJ, Chantellia, Samuel, Heaven, CJ Agila, CJ Freit at Von, naisipan kong hindi na magpaligoy-ligoy at tuparin ang aking desisyon.

"HARAPIN NATIN ITO, UPANG MATAPOS NA RIN. HARAPIN NATIN ITO BILANG MGA BAYANI, NA HINDI SUSUKO KAILANMAN, AT MAMAMATAY SA MGA PAGSUBOK NA PINANIWALAAN NATIN AY PARA MAKATULONG SA IBA."

"KAYANIN NATIN ITO. KUNG MAMAMATAY MAN TAYO, AY MAMAMATAY TAYO NG NAGING MATATAG, AT KUNG MABUBUHAY TAYO, AY LALO LANG TAYONG LALAKAS SA ATING PAGPAPATULOY."

"HARAPIN AT ISAPUSO NA NATIN ANG SUSUNOD NA MGA PAGSUBOK."

Tinignan ko muli ang bawat isa sa Labyrinthians, lahat sila ay mayroong mga seryosong mukha, ngunit iisa lamang ang nababasa kong mensahe.....

HANDA NA KAMI.



* WAKAS. *

Final Surviving Labyrinthians:

(20/42, twenty-two dead, two with unknown fates.)

"Labyrinthians"

Boys

1. ABEAR, Noel L.
2. AGILA, Castor Jasper H.
3. AMATA, Robin Boomerang Jr. Q.
4. AUSAN, Juan Samuel W.
5. CABANILLA, Kane Jacob H.
6. COROLLA, James Hanamura Ryuji T.  
7. HARRISON, Callisto Nixon S.
8. LUMBANG, Miles Anthony E.
9. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D.
10. TRAPP, Captain Von U.

Girls

1. CASTILLEJO, Heaven Jean K.
2. CRUSIS, Xhekina Tabitha Z.
3. DELA FUENTE, Alexandra Cane B. (Unknown Fate)
4. DEVIN, Xena Agatha Maxene M.
5. FERRER, Tanya Tianna F. (Unknown Fate)
6. FREIT, Camilla Jane O.
7. PERALTA, Kayecelyn O.
8. SANDOVAL, Yuri Arissa M.
9. SERAPHINA, Alicia Clara Q.
10. YUKIKO, Chantellia D.

Author's Note:

THANK YOU and SORRY, everyone!

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon