Chapter 14: The Forest

115 12 9
                                    

Chapter 14: The Forest

Author's Note: Collage of TJ Diaz (Kim Taehyung) and Nica Patindol (Han Hyo-joo) on the multimedia.  This chapter is dedicated to PinkPrincessQueen, the character owner of TJ Diaz.

Trigger Jackson "TJ" Diaz's Point of View

**Flashback**

Noon pa man, lagi na akong girl-magnet. May #pogiproblems ako sa kanila. As in, lahat sila, nagkakagusto sa akin. Ang dami laging mga love letter nila na nakalagay sa locker ko, napuno na ang locker ko dahil doon. Tapos, tuwing Christmas Party at Birthday ko, ang dami ko laging regalo, puro sa kanilang mga babae! Grabe, noh?

Pero, niisa sa kanila, hindi ako makapili.

Para akong kagubatan, punong puno ng mga puno. At ang mga puno na iyon ay ang mga babaeng nagkakagusto sa akin.

Napakarami nilang mga puno, at niisa sa kanila, wala akong mapili. Iba kasi ang nagustuhan ko. Ang nagustuhan ko pa talaga ay yung hindi ko puno. Siya ay isang naiibang napakamisteryosong babae.

Napakatahimik, parang pipi dahil hinding hindi siya nagsasalita, bihira bumukas ang bibig niya. Sa kabila nito, siya ang nagustuhan ko. Gusto ko siyang tumubo sa akin, maging spesyal na puno para sa akin.

Imbis na siya ang lumalapit sa akin katulad ng ginagawa ng maraming mga babaeng nagkakagusto sa akin, ako ang lumapit.

"Hey. Ikaw yung tahimik sa section, di ba? Ilang araw na ng paaralan, pero parang nakakalimutan na kita. Ang dami-dami kasing gabaeng lumalapit sa akin, eh." binati ko siya nang makita ko siya na may kinukuha sa locker niya.

Tumango lang siya, hindi nagsalita. Ni-ngiti rin, hindi ko nakita. Pero ako, ngumiti, na may dimples pa nga.

"Ako si Trigger Jackson Diaz. Ang lagi may pogi problems. Ang lalaking lagi hinahabol ng mga babae. Ano nga pala ang pangalan mo?" pagpapakilala ko sa kanya.

Tumango na lang siya at upang malaman ko ang pangalan niya, hindi siya nagsalita, kung hindi, pinakita na lang sa akin ang ID niya.

Nakita ko ang pangalan: "Danica Jane G. Patindol".

"Ah, okay. Magsalita ka, next time, ha. Bye muna ngayon. Mag-ingat ka, have a nice day!" sabi ko habang nagpapacute sa kanya, at umalis na.

Patuloy ang pagpapacute at pagpapapogi ko sa kanya lagi-lagi, hanggang sa ma-develop na rin siya sa akin. Una muna ay naging best friends muna kami, kug saan lagi siya nag-oopen-up ng mga poblema at kinuwento sa akin ang masaklap na nangyari sa pamilya niya. Naaksidente raw sila dahil sa isang truck na bumungo sa sasakyan nila, namatay ang mga magulang niya at na-comatose siya ng dalawang buwan. Na-trauma siya ng sobra rito, at ito rin ang dahilan kung bakit ang sobrang tahimik niya. Nag-oopen-up din ako tungkol sa #pogiproblems ko at kadalasan, natatawa lang siya sa mga kwento kong ito.

Nagsasalita na rin siya, pero kapag ako lang ang kausap. At napapangiti ko siya. Sa kabila nito, nasa akin oa rin ang iba pang mga puno, kahit pa man may isa na akong napiling puno na maging spesyal na puno.

Ngunit isang araw, ito ang naging simula ng pagbabago ng lahat, pati sa aming dalawa ni Nica.

Isa akong mahusay na archer, at sumasali na ako sa maraming mga ckntests, lagi ako panalo, at maipagmamalaki ko ang record na iyan, na never ako natatalo, lagi lang solid ang winning streak ko.

Isang araw, finals na sa school ng archery competition laban ang iba't ibang mga paaralan. Kalaban namin ang isang napakagaling na school. Ako pinili nilang lumahok sa finals sapagkat nawawala pa rin si CJ Freit, hindi alam kung nasaan napunta at bakit ang tagal nang absent, pati si Aymax Devin, na absent din noong contest, hindi alam kung nasaan napunta. Sabi nang iba, parehas yung dalawang sinuspend. Si CJ Freit kasi, nahuli raw kasama ang best friend niyang si Von Trapp na may dalang mga sandata sa paaralan, ginamit ito sa isang hinahabol nilang kriminal na kasalanan pa rin dahil labag ito sa mga batas ng paaralan. Si Aymax naman, ginamit ang bow and arrow niya upang gantihan ang bumubully sa kanya lagi, dati pa, at nahuli raw siya. Hindi naman niya pinana yung bully, pero tinakot niya na papatayin na siya ng mga pana niya kapag hindi niya siya tinigilan, at dahil dito, pinarusahan na siguro siya. Si Aila Hancher din nga dapat, kaso nagkasakit daw siya bigla.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon