Chapter 28: The Secret War Above

83 7 2
                                    

Chapter 28: The Secret War Above

Author's Note: Our new cover photo, as of now, December 28, 2016, is in the multimedia. It stars only AJ Magnifico (Oh Sehun) and CJ Agila (Alexander Flores) in the photo. It will be good enough for now. It's just temporary because I can't do much right now.

AJ Magnifico's Point of View

Napanaginipan ko ang totoong nangyayari sa itaas.

<Bago ang sikretong gera nila sa itaas.>

Ang kapatid ko, si Vincent Mauleon ay may kausap.

"Sir! May mga demonyo pong nakakatakas po mula sa impyerno!" sabi sa kanya ng isa sa mga alagad niyang kaluluwa sa langit, si Neil Ashton Pasion.

"Ano ang ginagawa nila ngayon?" tanong ni Vincent Mauleon.

"Kung saan-saan po pumupunta. Nasa lupa na po, kalat-kalat." sagot ni Ashton.

"Bantayan niyo lang. Kung pwede, labanan niyo, pabalikin niyo sa impyerno." tugon ni Vincent Mauleon dito.

"Sige po. Susubukan po namin." ani Ashton

Makalipas ang ilang araw, lumapit nanaman si Ashton kay Vincent Mauleon.

"O, bakit nanaman, Ash?" tanong ni Vincent Mauleon kay Ashton.

"Sir! Dumadami po silang mga demonyo, at mahirap na pong talunin!" sagot ni Ashton.

"Paanong mahirap talunin? Ano na ba ang mga nagagawa nila?"

"Sir, ganito po yun. Padami sila ng padami sa lupa, marami na pong mga nangyayari na atake ng mga demonyo sa mga tao. Tumutulong naman kaming mga anghel, pero yung iba po sa amin..naiimpluwensiyaan na ng mga demonyo."

"Naku, Ash. Naimpluwensiyaan na ang iba? Paano? At bakit hindi ko nararamdaman?"

"Hindi ko rin po alam, sir. Maaari pong lumakas po sila, kaya ganon?"

"Si Victarion..nakatakas na siguro. Teka. Sina Jarred at Ralph. Sila yung mga gatekeeper sa kulungan ni Victarion. Sila ang nakakaalam tungkol dito. May mga nasabi ba sa iyo yung dalawa tungkol kay Victarion kailan lang?"

"Ay, wala pa po silang nasasabi sa amin ngayong mga nakaraang araw. Hindi rin po namin alam kung bakit."

"Sige. Susubukan ko silang makausap, telepathically."

Nag-focus muna si Vincent Mauleon. Sinubukan niyang maabot sina Jarred Jaime Tria at Ralph Rolex Edmundo, ang mga gatekeeper sa kulungan ni Victarion Mauleon.

Hanggang sa makatanggap si Vincent Mauleon ng mensahe mula kay Ralph.

"Sorry po, Sir Vincent. Pero, inatake po kami ng mga demonyo. Kinulong po nila kami at tinanggalan ng mga kapangyarihan. Malayo po yung lugar na kinulungan nila sa amin sa lugar na kinulungan ni Victarion." sabi ni Ralph sa kanya.

"Naku. Mukhang may umaatake sa atin. Kinulong at tinanggalan ng kapangyarihan ang mga guwardya natin." sabi naman ni Vincent Mauleon.

"Sir! Paano na po iyan?" tanong ni Ashton.

"Pumunta ka muna roon, Ash. Bumalik ka rito at sabihin mo sa akin kung ano ang makikita mo." utos ni Vincent Mauleon.

"Ah, sige po." tugon ni Ashton, at sumunod na sa utos.

Naghintay muna ng ilang minuto si Vincent Mauleon para sa pagdating ni Ashton.

Hanggang sa makabalik na si Ashton na parang natatakot.

"Sir! Sir! Kailangan niyo itong malaman!"

"Ano ang nalaman mo?"

"Nandoon pa po si Victarion sa kulungan niya, pero, wala na ang kapangyarihan niyang naitago! At hindi lang yun..may dalawa akong nakitang mga demonyo. Kakaiba ang mga mukha nila, sobrang nakakatakot at hindi ko talaga makilala, ni-hindi ko makita halos ang mukha! Yung dalawang iyon..kausap si Victarion..tungkol sa gera laban sa atin."

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon