Chapter 16: Beginning a Recuperation

96 14 39
                                    

Chapter 16: Beginning a Recuperation

Author's Note: Picture collage of TJ Diaz (Kim Taehyung), Nica Patindol (Han Hyo-joo), Mace Dillon (Lee Ji Eun) and Steve San Pascual (Song Joong-ki) on the multimedia. Rest in peace to these characters, who are casualties from the calamities that happened in the last chapter. This chapter is dedicated to DyosangNagbabasa, since her character, Aila shines here.

Third Person's Point of View

Sina Sir Dexter Lopez at ang kanyang asawa, si Ma'am Daniella Lopez ay nag-usao bigla tungkol sa nangyari sa labyrinth sa opisina nila.

"Dexter, ano nangyari roon? Hindi mo pinigilan? Nasira na ang imprastaktura na ininbento mo dati pa!" sabi ni Daniella Lopez.

"Kailangan din naman mangyari yun, dahil nakompleto na nila ang lahat ng mga pagsubok. Noong narating na nina Agila, Amata, Trapp, Freit, Makiling, Montefalcor at Clemente ang abyss, otomatikong lumindol na dahil planado na talaga yun noong simula pa, na kapag natapos ang unang bahagi ng mga pagsubok, otomatiko na lilindol. Naisip ko na dadagdag ito sa kahirapan nila kapag nangyari ito. Titignan ko kung paano sila babangon." sabi naman ni Dexter Lopez.

"Ano? Apat na ang namatay, tapos may pitong mga nawawala dahil hindi natin nakikita ang nangyayari sa pinakababa ng abyss! Napakasama na natin, bakit ganon?" tugon ni Daniella Lopez dito.

"Hun. Si Daphne na mismo ang kay pakiusap na pahirapan pa sila ng lalo. Alam mo kung bakit? Nakonpirma ng mga nag-aalaga sa kanya roon, sina Rotciv at Maui na lahat sila ay may mga malalaking kasalanan kay Daphne. Malalaman din natin ang lahat ng iyan. Sa ngayon, dapat, matuwa ka na lang at nasusunod ang gusto ng anak natin, nakakapaghiganti na siya sa mga iyan na nakagawa ng mga sala sa buhay niya. Isa pa, kailangan din natin ng mga kaluluwa. Ang mga anghel daw sa itaas, sabi niya, nangangailangan ng tulong, dahil lumalakas ang puwersa ng mga demonyo. Kung napapansin mo, lahat ng mga kamatayan na nangyayari ay mga sakripisyo. Para ito roon. Mungkahi na rin nga ng anak natin." ani Dexter Lopez.

Bigla namang nagpakita sa kanila ang kaluluwa ng anak nilang si Daphne Lopez.

"Tama po ang sinasabi niya, mama. Kailangan po talaga mangyari ng lahat ng mga ito." sabi ni Daphne sa kanila.

"Anak!!!" sabi ni Daniella Lopez, at tumakbo upang mayakap ang kaluluwa ng anak niya kahit parang hangin lang ito.

Aileen Grace "Aila" Hancher's Point of View

Hindi talaga naging maganda ang nangyari aa amin. Lahat kami, muntikan na mamatay. At may apat sa amin na talagang mga namatay.

Sirang-sira ang tinitirahan namin. Tinignan naming doseng magkakabarkada sa barkada ni AJ ito.

"Sirang-sira. Sayang. Ang dami-dami ring gamit diyan, lalo na sa kusina at bodega ng Suppliers." sabi ko.

"Ano na gagawin natin? Pwede pa ba yan maiayos pa?" tanong ni Raffy, habang hinahawakan ang kamay ko.

"Um. Pwedeng pwede. Pwedeng pwede naming Scientists yan ayusin. Pero..ang poblema ay ang mga gagamitan na gagamitin." sagot ni Samuel.

"Ahm. Ano ba ang mga kakailangan niyo?" tanong ni Yuri tungkol dito.

"Lahat, nasa science at engineering laboratory. Baka naman sakaling kaya niyo angatin ang mga bato na yan upang makuha namin yung mga yun." sagot ni Samuel.

Tumingin kami sa Pathway 4 at 5, na dinadaganan ng napakaraming mga bato.

"Siguro.  Paedeng tumulong ang mga Assaults, bilang mga pinakamalalakas. Okay na ang isa. Yun o, si Aymax. Aymax!!!" tugon ni Raffy dito, at pagkatapos tinawag si Aymax, ang nag-iisang Assault na malapit lang.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon