Chapter 18: The Eagle's Amnesia

117 11 10
                                    

Chapter 18: The Eagle's Amnesia

Author's Note: Photo collage of CJ Agila (Alexander Flores), Boomerang Amata (Enrique Gil), Von Trapp (Niall Horan), CJ Freit (Jennifer Lawrence), Adrie Makiling (Ellen Page), Elaine Montefalcor (Andrea Brilliantes) and 5C Clemente (Elizabeth Olsen) on the multimedia.

John Leon "JL" Harrison's Point of View

Ginising na kami ni Callix mula sa pagkatulog namin pagkatapos ng isang oras.

Grabe..ang sarap matulog.

Nag-stretching muna kami ng konti ni Callix, para makakuha ng enerhiya.

Pagkatapos ay tinuloy namin ang reconstruction sa mga tirahan namin sa labyrinth. Kami ni Callix ang gumawa sa Pathway 2 at 3, kung nasaan ang mga Assaults at Explorers. Sina Samuel at Heaven sa Pathway 4 at 5, kung nasaan kaming mga Scientists. Tapos, sina Yongwoo at KC ay sa Pathway 6 at 7, kung nasaan ang mga Suppliers. At huli, sina Xaiven at Angelie ay ginawa ang Pathway 8 at ang pader sa pagitan nito at ang lugar ng Pathway 11, 12, 13 at 14.

"Um. It's good that the walls are gold, but what about the roofs." sabi ni Callix, tungkol sa mga pader na ginawa naming gawa sa metal na gold.

"Um. Maybe the roofs should be silver." mungkahi ko.

"Oh, right! That would be great!" tugon niya.

Pagkatapos namin sa mga pader ay sa mga bubong na kami.

Buong araw namin itong ginawa. Hanggang hating-gabi. Tatlong beses lang kami nagpahinga, isang oras lang.

Ang pagkain namin? Yung mga prutas lang mula sa mga bukagsak na mga puno ng kagubatan. Mga mansanas, saging, orange, strawberries, berries, at marami pang iba. Pinatubo pa lang nila ang mga fruit seed. Tinipid na lang namin ang mga prutas mula sa mga punong ito dahil baka maubos agad, kung kailan hindi pa tumutubo ang mga halaman na may mga pagkain.

Hinanap din ng mga Suppliers ang mga bangkay ng mga hayop na nasawi sa lindol, at nang mahanap ito, naisipan nilang lutuin na rin ito. Ang mga nakuha nila ay mga kambing, baboy ramo at baka.

Pati Pathway 1 at ang mga sahig na gumuho, inayos namin.

Buong araw, natapos na rin kami.

Ang Pathway 2 at 3 ay naging pilak ang mga bubong at ginto ang mga pader, sa pagkagawa namin ni Callix. Ang Pathway 4 at 5 naman ay naging tanso ang bubong at bakal ang mga pader, sa pagkagawa nina Samuel at Heaven. Tapos, ang Pathway 6 at 7 ay naging ginto ang bubong at aluminum ang pader, sa pagkagawa nina Yongwoo at KC. Sunod, ang Pathway 8 ay bakal ang parehas na bubong at pader, sa gawa nina Xaiven at Angelie. At ang pader sa pagitan ng mga tirahan namin at ng ibang mga Pathway ay gawa sa titanium, sa gawa rin nina Xaiven at Angelie.

Ang iba, nakatulog na sa antok. Sa sahig sila nakatulog, doon banda sa kagubatan.

Ang mga nagising lang hanggang hating-gabi kung kailan kami natapos ay sina AJ, Yuri, Raffy at Aila na nagiging mga supervisor talaga, pati sina KJ at Chantellia, na niluluto sa isang lugar sa kagubatan ang ibang mga hayop na nahanap nila.

Sina Noel, Chachi, 4A, Cane at ang iba pa ay nakatulog na. Buti kami ni Callix, hindi nakatulog. Kami pa naman yung mga madaling makatulog.

"Wow, ang galing niyo, maraming salamat sa naitulong niyo ngayon. Dahil diyan, karapat-dapat sa inyo ang mahabang pahinga." sabi sa amin ni AJ.

"Yep, yep, yep! Salamat talaga!" ani Yuri.

"So, pwede na naring ayusin ang bawat Pathway, di ba? Ibalik na sa dati ang lahat?" tanong ni Aila.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon