Chapter 19: New Challenges

72 10 7
                                    

Chapter 19: New Challenges

Author's Note: Picture of JL Harrison (James Reid) and Callix Harrison (Luke Hemmings) on the multimedia.

CJ Agila's Point of View

Tuwing sinusubukan kong lumipad gamit ang wingpack ko, bumabagsak lang ako, nahuhulog. Hindi ako nakakalipad ng maayos at tuloy-tuloy.

"Go lang, go lang! Kaya mo yan, Eagle Boy!" sabi sa akin ni Boomerang, habang pinapanood niya ako kasama sina Von at CJ Freit.

Sinusubukan ko lang ng sinusubukang makalipad, hanggang sa bumigo ako ng musto, tumalsik ako bigla papunta sa isang batong pader.

"CJ!!!" sigaw nila.

Noong tumama ang ulo ko, biglang lumabas sa utak ko ang maraming pangyayari, at mabilis ang pagpapakita ng bawat isa.

Una muna noong pinanganak ako bilang sanggol. Sunod na yung mga nangyari sa buhay ko, mula pa pagkabata ko. Noong nagsimula ako sa Continental University. Noong tinuturuan ako ng ama ko ng skydiving. Noong namimiss namin siya ng ina ko dahil nasa ibang bansa siya nagtatrabaho bilang para-rescue man. Uhnod-sunod na, kasama na yung school days ko. Napakaraming pangyayari ito, at kasama na ang mga paglipad ko. At huling mga nagpakita ay yung mga nangyayari sa pamumuhay namin sa labyrinth. Una muna ay noong milagay na nila ako rito. Tapos noong isa-isa silang dumating. Tapos, noong dumating ng grupo-grupo ang buong grupo ni AJ. Sunod yung mga aksyon namin laban sa mga hayop sa labyrinth na ito. Kasama na ang mga kamatayan ng iba. Una muna ay noong kinuha ako ng mga paniki at napagkamalan akong agila na kakain sa mga ahas. Pagkatapos ay yung malungkot na sakripisyo ni Hyde para sa akin, na kinain ng mga buwaya. Sunod ay noong nagkasakit ako ng matagal. Tapos, noong naglakbay kaming seven leaders papuntang abyss at lumindol. Nagpakita ang mga sakripisyo nina Elaine, Adrie at 5C para sa amin nina CJ Freit, Von at Boomerang. Lumabas ang buong pangyayari, hanggang doon sa tumama ang ulo ko sa pagkababa.

Nang matapos na ang mga ito, agad na akong bumangon muli.

"CJ! Okay ka lang?" tanong ni Von, habang naglalakad gamit ang mga saklay niya.

"Oo. Titignan ko lang kung gagana na ngayon." sagot ko, at tumakbo ng napakabilis, palayo.

"Teka, CJ!" sabi pa ni Boomerang, pero hindi ko na siya narinig at pinansin, dahil tumalon na ako ng mataas pagkatakbo.

Pagkatalon ko, agad kong pinindot ang pampalabas ng pakpak mula sa backpack ko.

Nakalipad na ako, na nagpangiti sa akin. Pinindot ko ang nitro, at bumilis ako sa paglipad. Nakakalipad na ako!

At hindi lang yun..nakakaalala na ako!

Noong nalaman kong bumalik na ako sa dati, lumipad na ako pababa.

Nakita ko silang tatlo, nakaabang sa akin na may mga ngiti sa mukha.

"Natuto ka na rin makalipad muli?" tanong ni CJ Freit.

"Oo. At nakakaalala na ako!" sagot ko.

Nagtinginan silang tatlo, at pagkatapos, lalo kami nagalak.

"Magandang balita iyan, Eagle Boy!!!" reaksyon ni Boomerang dito.

"Ang galing ng tama na iyon, ha! Haha!" reaksyon naman ni Von.

"Sige. Tara na. Boomerang, kunin mo yung pwede mong mga makuha na pagkain at mga inumin. Habang hinihintay ka namin, ililipat ko muna sina Von at Camilla pataas." sabi ko.

"Aye, aye, sir Eagle Boy!" ani Boomerang at bumalik muna sa shack.

Masayang masaya talaga kaming lahat dito.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon