Chapter 26: Attack on the Mutants

88 8 7
                                    

Chapter 26: Attack on the Mutants

Author's Note: Picture of Xhekina Tabitha "Tabby" Crusis (Sandara Park) on the multimedia.

Xhekina Tabitha "Tabby" Crusis' Point of View

Dumaan kami sa bandang Pathway 11. Ako ang pinakauna. Pangalawa si Yana. Sunod sina Miles, Shin, 4A, Noel, James at Aymax. Nasa taas namin ang lumilipad na si CJ Agila. Sinundan kang nila ako para sa tamang ruta na hindi mo madadaanan ang mga traps.

"Teka, maganda siguro if we split up. Dalawang grupo na muna tayo." biglang sabi ni CJ Agila.

"Huh? Dalawang grupo? Apat yung isa, lima yung isa? Sinu-sino ang nasa bawat grupo, Castor?" tanong sa kanya ni Aymax.

"Don't worry, magkasama tayo sa unang grupo, Aymax. Ang unang grupo ay ang dederetso dito sa kaliwa, sa mga daga, gagamba at mga oso. Ang pangalawa naman, sa mga ahas at mga insekto. Hihiwalayin ko sina Tabby at Yana. Tabby, kasama ka namin. Yana, sa pangalawang grupo ka. James, sa pangalawang grupo ka, ikaw ang magiging pinuno nila. Noel, 4A, magkasama kayo sa pangalawang grupo. At Shin, sa amin ka, dito sa pangalawang grupo." sagot ni CJ Agila tungkol sa mga grupo.

"Sige. Maliwanag ba yun sa inyong lahat?" tugon ni Aymax dito.

"Opo!" sagot namin.

Pagkatapos ay naghiwalay na kami.

"Goodbye, Yana! Haha!" sabi ko kay Yana.

"Goodbye rin, Xhekina Tabitha!" sabi naman sa akin ni Tabby.

"This way!" sabi ni James, at lumipad papunta sa bandang Pathway 20 na.

Sumunod kay James sina 4A, Noel at Yana.

Kami naman nina CJ Agila, Aymax at Shin ay nagpatuloy lang sa paglalakbay. Sa paglalakad na stealth mode, ako pa rin ang nauuna, nasa gitna si Shin, at pinakahuli si Aymax. Si CJ Agila ay nasa itaas lang namin, lumilipad.

Hanggang sa marating namin ang Pathway 12, kung nasaan ang mga Giant Rats, o higanteng daga. Natutulog silang lahat.

"Maghanda kayo. Pwedeng pwede na rin natin sila patayin. Handa na?" sabi sa amin ni CJ Agila, na tahimik lang, upang hindi makagawa ng ingay.

Tumango na lang kami, bilang tugon.

Hinanda na namin ni Aymax ang bow and arrows namin. Si CJ Agila hinanda ang assault rifle niya, samantala si Shin, hinanda ang mga Uzi niya.

Pumana kami ni Aymax, at bumaril sina CJ Agila at Shin.

Marami nang mamatay, at may iba na mula sa malayo ay nagising na. Sinubukan nila kaming kainin, pero sa pagtutulungan naming apat, napatay na silang lahat.

"Wow. Parang ang dali lang pala if you got guts, di ba?" sabi ko, at nanguna sa paglakad palagpas ng Pathway 12.

Ngunit nagulat ako nang bigla na lang may sumugod sa akin na isa pang higanteng daga. Dinaganan niya ako, kaya napatumba ako, at sinubukang kainin.

"Argh! Do I really have to say so much?" reaksyon ko rito.

Nabitawan ko ang bow and arrows ko, pero, nag-Kung Fu moves ako sa daga, nasipa ko siya ng malakas ng dalawang beses na magkasunod, at sinuntok pa ng malakas sa mukha.

Napatalsik ko siya, at agad siyang binaril ni Shin ng Uzi niya. Patay na rin siya.

"Next time, huwag ka masyado maging overconfident at huwag na huwag mong ipagmamayabang na ang dali lang pala ng isang sitwasyon." sabi ni Shin sa akin, at tinulungan akong makabangon pagkatapos.

"Sige, thanks for the advice." pasasalamat ko sa kanya na parang hindi talaga pasasalamat.

Dumeretso na kami sa Pathway 13, kung nasaan ang mga Spider Stinkzzz.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon