Chapter 11: War against the Creatures (Part 2)

92 10 18
                                    

Chapter 11: War against the Creatures (Part 2)

Author's Note: Picture of Miles Anthony Lumbang (Park Bo Gum) in the multimedia. Hence, this chapter is dedicated to 11Ryot11, the character owner of Miles.

Ran Marcelino's Point of View

Palapit na ang mga ahas, at palapit na rin ang mga daga. Napakarami nila parehas. Binabaril naman namin sila nina Alice, Von at Raffy ang mga ito. Sina CJ, Aila at TJ naman ay pumapana.

"Game over na pala tayo rito. It's nice living with you all, anyway." sabi ni Yana.

"Oo nga, oo nga..sana malaman pa rin ng mga magulang ko kung gaano ko sila kamahal at kung gaano ko sila pinapasalamatan sa lahat ng mga naibigay nila sa akin sa buong buhay ko." sabi naman ni Tabby.

"Huy! Ano ba naman kayo, girls! Go lang, makekeri rin natin ito!" tugon ko sa kanilang dalawa, habang bumabaril pa.

"Yeah! Kumalma lang kayo! Malalabanan din natin ito!" dagdag ni CJ.

At, may biglang pumasok na ideya sa isipan ko.

"Guys! Di ba, yung mga ahas, kumakain din ng mga daga? Bakit hindi na lang natin silang hayaang magtuos, at umalis na muna tayo sa away. Hayaan muna natin ang mga ahas na kainin ang mga daga. Di ba? Pero, habang ginagawa natin iyon, hahanap at gagawa na tayo ng paraan para rito, dahil yung mga ahas, hindi naman mapapatay ng mga daga. Dali, takbo na!!!" binahagi ko sa kanila ang ideyang naisip ko.

"Oo nga, tama ka! Ang galing mo mag-isip, ha! Yun, o! Tumatakbo na ang mga daga, at mukhang mas nakukuha nila ang atensyon ng mga ahas kaysa sa atin!" sabi ni Von, at tumakbo na ng napakabilis kasama si CJ.

At, sumunod na kaming lahat. Kami pa rin ni Alice ang huli.

"Awesome plan, girl! You are so smart talaga, sis!" sabi sa akin ni Alice, at nag-apir kami ng dalawa.

"Ran, Alice! Bumaril pa rin kayo, dahil baka may mga ahas pa rin na sumusunod sa atin!" ani Aila.

"Yeah, yeah, yeah! We're doing it!" sabi ko, at tumingin sa likod, nakita, sinugod na ng mga ahas ang mga daga, ngunit may mga ahas na mukhang sinusundan kami.

Binaril namin ang mga ahas na sumusunod sa amin.

Takbo lang kami ng takbo, hanggang sa makabalik na rin kami sa base namin.

Napansin agad kami nung apat na mga Assaults na natira, silang mga nakatambay lang.

"O, guys? Kamusta ang misyon niyo? Bumalik kayo agad, ha!" tanong ni Miles.

"Forced to fall back? Bakit, ano ba nangyari?" tanong naman ni James.

"At..bat parang kulang kayo? Nasaan sina XC at Dean?" tanong pa ni Aymax, ang unang nakapansin na kulang kami.

"Mahabang kwento! Pero, kailangan na natin gawan ng paraan ito! Nasa labas banda yung mga ahas! Napakarami nila, lahat na ata sila yun! Pati mga daga, pero kinakain na sila ng mga ahas!" sagot ni Raffy.

"Paano?" tanong ni Nica, na hindi rin alam ang gagawin.

"Well, siguro, let's deal with it with the basic way...by taking them down with all we got." sagot ni James.

"Alright. That's great. Full force na ang Assaults. Explorers, feel free to join the fight, kung gusto at kaya niyo. Isasali rin natin sina Boomerang at Panther mula sa Suppliers dahil magagaling din talaga silang lumaban." sabi ni Von sa amin.

Kaming mga Assaults ay naghanda na. Sinama namin sina Boomerang at Panther sa laban, kahit Suppliers sila.

"Okay, gusto niyo kaming sumali sa laban? Sige ba! They will taste the spectacular wrath, of ROBIN BOOMERANG AMATA!!!" sabi ni Boomerang, habang hinahanda ang mga boomerang niya at ang backpack na nilagyan niya ng ilang kitchen tools na pwedeng mga sandata.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon