Chapter 22: Forest Mutants

81 10 6
                                    

Chapter 22: Forest Mutants

Author's Note: Image of Panther Calever (Shawn Mendes) on the multimedia. Please note that I changed his portrayer from Lee Min Ho to Shawn Mendes, since I realized that Vincent Mauleon, who has Lee Min Ho as his portrayer, might still make an appearance in the story. I hope this won't be a problem to anyone.

Kristine Celestine "KC" Park's Point of View

Habang ang boyfriend kong si Yongwoo ay kasama si Xaiven, ang boyfriend ng best friend kong si Angelie sa engineering laboratory at abala sa operasyon nila kay James, sumali muna ako sa usapan nina Samuel, Heaven, JL, Callix at ni Angelie, ang best friend ko.

"May mga mutants pa roon sa kagubatan..nakita naman natin, di ba?" sabi ni Heaven.

"Oo, kasama na yung mga Lion-Man." sabi naman ni JL, na pinangalanan yung specie ng leon na mutant na nagpakita kanina.

"Lion-Man? Bakit naman 'Lion-Man' ang naisipan mong ipangalan mo roon?" tanong ko tungkol sa pangalan na ibinigay niya.

"Ganito kasi iyon. Sa pagkakakita ko sa kanya, leon na leon ang buong katawan niya, pero alam kong tao siya dati. Parehas niya kaya kumilos ng pang-tao at pang-leon. Human-lion hybrid itong mga mutant na ito. At itong mga Lion-Man, mas malalakas ito kaysa sa mga ordinaryong leon." sagot naman ni JL.

"Sige, sapat na iyan sa sagot. JL, sabihin mo sa aming lahat ang mga mutants, ang pangalan at mga katangian. Callix, ipakita mo ang mga litrato." utos ni Samuel.

"Opo, opo." ani JL, at kinuha na ang kuwaderno niya.

Si Callix naman, kinuha ang cell phone niya.

"Una muna. Ang nasa Pathway 12. Giant Rats. Higante, mga abot four feet na. Daga pa rin sila sa buong katawan, higante nga lang ang laki." pagpapakilala ni JL sa "Giant Rats".

Pinakita naman ni Callix ang litrato.

Nakita namin, itim na itim na mga daga, at higante nga!

"Yikes! Kadiri at nakakatakot naman iyan!" reaksyon ni Angelie rito.

"Sige, sunod na." ani Samuel.

"Pangalawa. Sa Pathway 14. Giant huntsman spiders na naging basura. Spider Stinkzzz ang pinangalan ko. Ang mga tentacles nila, gawa na sa basura, pati ang ibang mga bahagi ng katawan." pagpapakilala naman ni JL sa mga "Spider Stinkzzz".

Pinakita naman ni Callix ang litrato nila.

"Yuck! Mas kadiri pa pala iyan!" maarteng reaksyon ni Angelie.

"Okay, okay, sunod na." ani Samuel.

"Ito naman, mga ParastiConda, mula sa Pathway 20. Mga anaconda silang lahat, pero may mga bahagi ng katawan nila na kay halong pang-insekto. Halimbawa nito ay ang mga pakpak, at mga paa ng mga insekto." pagpapakilala ni JL sa "ParastiCondas."

Pinakita ni Callix ang mga litrato nila.

"Nakakatakot! Grabe! Sunod na!" reaksyon naman ni Heaven, at pinalipat na.

"Mula naman sa Pathway 17 at 18, may mga Vampire-Bears. Para kasi silang mga vampire bats. Kung titignan niyo, mayroon silang ngipin na parang bampira at to be exact, parang sa mga vampire bat, tapos may mga pakpak pa ng mga paniki pati mga tainga at ilong." pagpapakilala ni JL sa "Vampire-Bears".

Pinakita ni Callix ang larawan ng mga ito sa amin.

"Wow. Ang weird nung itsura. Hahahahaha." reaksyon ko rito.

"Kaya nga, eh. Lalong pumanget silang mga oso. Okay, sunod na." sabi naman ni Samuel.

"At huling nakuhanan namin ng litrato at mga impormasyon. Itong mga Croco-wolf. Nasa Pathway 15 at 16, sa lawa banda, mga buwayang may halong pagka-lobo." pagpapakilala ni JL sa mga "Croco-wolf".

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon