Chapter 30: Last Stand (Part 2) [REVISED]

104 9 7
                                    

Chapter 30: Last Stand (Part 2)

Robin Boomerang Amata Jr.'s Point of View

Nagulat at natakot kami sa aming narinig.

Dahil dito, tumakbo lang kami ng pinakamabilis namin.

Sa gitna ako banda. Kasabay ko sina Yana, Tabby, Callix at Kayece dito sa gitna, mga third row siguro kami sa pagtakbo. Nauuna kasi sa amin sina KJ, Aymax at Miles, ang mga pinakamabilis.

Takbo lang kami ng takbo, pero mukhang napakalayo pa ng labasan. Dumilim na ng lalo, at dumating na ang bagyo.

Tumama ang mga kidlat sa iba't ibang lugar. Habang tumatakbo, napapatingin-tingin ako sa likod.

Takbo lang talaga kami ng takbo, hanggang sa makarinig ako ng sigaw.

"VON!!!" narinig ko ang boses ni Angelie.

Lumingon agad ko, at nakita si Angelie, tinulak kaagad palayong palayo ang pilay na si Von sa kidlat na papatama sa kanila. Ngunit pagkatapos, natamaan siya ng malakas na kidlat, napatalsik siya. Sa dilim, hindi na rin namin nakita kung saan siya napunta.

"ANGELIE!!!" sigaw namin.

Hahanapin sana namin si Angelie, ngunit dumami ang mga kidlat na tumatama sa likod, kaya napilitan na lang kaming tumakbo.

Naiyak naman ako. Naku, malamang patay na rin yun si Angelie! Nililigtas lang naman niya si Von, na siguradong mapapatay agad ng kidlat sa kondisyon niya! Si Samuel naman ay agad na pumunta sa wheelchair ni Von at pumalit kay Angelie sa pagiging taga-tulak.

Pagkatapos naman ay tumama na ang mga kidlat sa harapan namin banda at sa gitna.

"Maganda kung maghiwalay tayo sa dalawang grupo!!! Mas makakaligtas tayo nun, dahil pwedeng pwede tayo mamatay lahat nito!" sigaw ni KJ sa amin, ang nangunguna sa pagtakbo dahil sa bilis niya.

"Oo, tama! Kumaliwa yung iba sa inyo, at ang matitira, kumanan!" ani CJ Agila.

Mabilis na naghiwalay na kami sa dalawang grupo.

Kami nina KJ, Chantellia, Yana, Cane, Chachi, Noel, 4A, AJ at Yuri ay kumaliwa. Sina Aymax, Miles, Tabby, Alice, Callix, Kayece, Von, Samuel, CJ Freit at Heaven. Ang dalawang lumilipad sa amin, nag-hiwalay din. Si James ay kumaliwa, samantala si CJ Agila ay kumanan.

Kumidlat pa rin ng kumidlat, at may mga kidlat na tumatama sa mga gitna namin, kaya napahiwalay din kami sa apat na grupo sa pagtakbo, tig-dalawa sa magkabilang mga dulo.

Dito sa kaliwa, napakaliwa ako ng konti kasama sina Chantellia, Yana, Cane at Chachi. Napakanan naman ng konti sina KJ, Noel, 4A, AJ at Yuri.

Nauuna sa pagtakbo si Chantellia sa grupo namin dito sa pinakakaliwa. Sumusunod lamang ako sa kanya, at sa likod ko na ang iba.

Nang hindi inaasahan, may malaking kidlat na tumama bigla sa lugar namin.

"CANE!" narinig ko si Chachi, at napalingon agad ako rito.

Nakita ko, mabilis niyang tinulak si Cane palayo nang matatamaan na sana siya at hindi niya ito nakikita. At dahil hindi na agad nakalayo masyado si Chachi pagkatapos, natamaan siya ng malakas ng kidlat habang sinusubukan niyang umilag. Halos sumabog ang kanyang katawan sa malakas na pagkatama ng kidlat.

"CHACHI!!!" ikinapatigil namin ang malakas na pagtama ng kidlat kay Chachi, at napatalsik palayo sa kadiliman ang kanyang nawawalang-buhay na katawan. Mula sa malayo, narinig at nakita ni Noel ang nangyari. Sinubukan noyang makalapit, ngunit kaagad na pinigilan siya ni 4A, kahit pa man napakasakit tanggapin nito.

Periodical Death Exam 3: The Secret LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon