Chapter 1: After a few years

2.1K 45 0
                                    

Chapter 1: After a few years

Chris' Point of View

Haist! Ito na naman! Wala pa ngang isang buwan matapos nung book 2 may bago na naman?!

Seryoso?! Pinapahirapan niyo ba kami?! Sino ba kasi yung request ng request dyan eh! Maawa naman kayo sakin!

Lagi nalang nila napapansin yung tainga ko!

Nabalik ako sa realidad ng may kumalabit sa akin. Sa gulat ay napasigaw ako "Ay p*nyeta!"

"Tss! Ako pa nap*nyeta!" Sigaw ni Jude "Hoy! Paalala ko lang sayo! Kailangan mo na mag seryoso sa pag aaral mo!"

"Aysus! Porket pataas ng pataas ang ranking mo!" Sigaw ko

"Oo, eh ikaw?" Aniya "Eh nagpapalit palit lang kayong dalawa ni Gurang sa 100th place eh!" Aniya at tinuloy ang pagbabasa

Binatukan ko siya "Hoy! Di ba nga Bad Boys tayo? Eh bakit tayo nag aaral huh?! Diba dapat nakikipag bugbugan lang tayo?!" Katwiran ko

Pinalo niya naman ang ulo ko nang librong binabasa niya "Bad Boys tayo! Hindi Stupid Boys! G*go!" Sigaw niya "Tsaka ilang taon mo na bang katwiran yan ha?! Simula first year high school yan na ang sinasabi mo! Hoy! Last year na natin to sa college!" Sigaw

P*tcha alam ko!

Oh diba?! Nung book 2, first year college lang kami tapos ngayong book 3, last year na namin sa college!

Isn't amazing?!

Isn't?!

Haist after 3 years, pogi pa rin ako!

Pogi @ 21!

Bigla naman dumating ang isang katulad ni Jude. Haist magsama kau!

"Haist! Natapos ko na rin yung requirements ko, ikaw JD?" Tanong ni Nathan

"I'm done" sagot ni Jude. Sabay silang tumingin sakin

"T*ngina! Wag niyo kong tanungin! Dyan nga kayo! Mga bwiset!" Sigaw ko at lumakad paalis ng library.

Nakasalubong ko naman si Tanya

"Oh Chris! Himala galing ka sa library"

"Aish don't even mention it Tan!" Sabi ko "Nandun sa loob yung abnormal mong boyfriend! Kasama yung abnormal niyang kaibigan!" Sabi ko. Natawa naman siya "Alis na ako! Baka mahawa pa ako sa kaabnormalan nang dalawang yun!" Sabi ko at umalis na

Habang naglalakad sa hallway ay naabutan ko si Gurang

"Oy Gurang!" Sigaw ko pero di niya ako pinansin. Di niya yata ako narinig. Lumapit ako sa kanya at narinig ko siyang bumubulong

"Kurtis..Kurtis...Kurtis..." Luh! Ano daw?!

Sinapok ko ang ulo niya "Hoy ano yan?! Nang kukulam ka ba?!" Sinamaan niya ako ng tingin

"Anong kulam?! Eh kung ikaw ang ipa kulam ko ha?!" Sigaw niya

"Oh sorry na! Chill ka lang kasi!"

"Ano bang kailangan mo?" Tanong niya

"Kailangan ko ng kausap! Yung normal" sabi ko

"Tol hindi dapat mga normal ang kinakausap mo" aniya

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko

"Kasi hindi ka normal" sinapak ko siya sa braso "Aray!"

"Seryoso kasi!"

"Gusto mo ng kausap?" Tumango ako "Akin na cellphone mo"

The Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon