Chapter 22: 치노
Julienne's Point of View
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Mark. Maya maya pa ang uwi niya galing school. Naisipan ko lang na pumunta dito. Next week pa ako papasok.
Nilibot ko lang ang kwarto niya. May nakita akong isang box sa baba ng study table niya. May study table nga, di naman nagagamit.
Kinuha ko ang box at pinatong sa table. Binuksan ko iyon.
Nakita ko ang mga pictures naming dalawa. Napangiti ako. Mga natututunan niya kina Nathan. Hahaha!
May nakita rin ako na parang diary.
Pag bukas ko ay may nakasulat na 'Things I want to do with Mahal'
Binuksan ko ito ng nakangiti
1. Vacation out of the country.
2. Road trip.
3. Watch fireworks.
4. Having lazy days together.
5. Giving the best marriage proposal for her
6. Getting married
7. To have kids. (More than 1 haha)
8. To make sure she is always happy.
9. Make our kids happy.
10. Spend the rest of our lives together.
Kusa nalang tumulo ang luha ko. Marami siyang gustong gawin kasama ako. Pero dahil sa sakit ko, hindi namin iyon magagawa.
Bakit ba mas pinipili niya na mag stay sa tabi ko? Pinapahirapan niya lang yung sarili niya. Kinukulong niya yung sarili niya.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto.
"Juls" lumingon ako kay Celine. "Merienda muna tayo"
"Ahh sige" sabi ko at sinara na ang box
"Are you crying?" She asked
"Wala to'" sabi ko. Bumaba na kami at nag merienda
"Ang tagal naman nung kambal kong yun!" Sabi niya "Mas maaga kasi ang uwi ko sa kanya ngayon eh. Sabay sabay ang uwian nilang lima ngayon" sabi niya
"Gusto ko na nga rin pumasok eh. Kung hindi lang dahil dito sa sakit ko..."
Tinignan naman ako ni Cel "Bakit mo naisip na makipag break kay Mark noon?" Tanong niya
"A-ayokong mahirapan siya. Alam kong mahihirapan siya kapag nakipag hiwalay ako sa kanya. Pero mas mahirap kung pipiliin niyang mag stay sa tabi ko. Pwedeng lumala yung condition ko. Hindi ko alam kung kakayanin niya kung bigla nalang ako mawawala" sabi ko.
Tumango naman siya "I understand" aniya. "But you know what..." Ani Cel "Alam kong sobrang saya ni Mark pag kasama ka. Nung time na, takot siyang mag take ng risk. Kung hindi ko pa sinabihan ay hindi ka pupuntahan nun! Kaya sobrang saya niya nung naging kayo na! Kung ano ano na ang ginagawa. Pag may nakikita siyang lugar na maganda, ang sasabihin niya agad 'Dadalhin ko si Mahal dyan!'."
Natawa naman ako
"Pero nung umuwi siya galing sa ospital nung araw na nalaman niyang may sakit ka. Hindi na namin alam kung anong gagawin namin kay Mark. Eh halos maubos na yung gamit namin dito kakasira niya eh! Buti nalang at nakausap siya ni Oppa"
Nag usap pa kami sandali ng biglang dumating si Mark. Nagulat pa siya ng makita niya ako.
"Oh! I didn't expect to see you here" aniya at hinalikan ako sa noo.
"Okaaay!" Sigaw ni Cel "Aalis na ako at baka langgamin pa ako dito!" Aniya at palabas na sana ng magsalita ang kambal niya
"Yah! Where are you going?!" Sigaw ni Mark
BINABASA MO ANG
The Bad Boys
Fiksi RemajaThe Five Bad Boys and Me 3 The Bad Boys By: MsYoon_30 The Five Bad Boys have been through a lot. A lot of problems. But they've overcome it. As long as they're together. They've overcome everything with the help of the one they love. But what if one...
