Chapter 29: Last

572 16 1
                                    

Chapter 29: Last

Jude's Point of View

Tumakbo agad ako papuntang clinic kahit sumasakit ang balikat ko. F*ck!

Sinabihan ako ng nurse na umuwi muna at pumunta sa ospital. Excused na daw ako sa mga klase ko. Pero nakasalubong ko si Tanya at nalaman ko ang nangyari kay Yana.

Nagulat ang nurse sa biglaan kong pag bukas ng pinto "Mr Santos?! Anong nangyari?"

Pumasok ako at lumapit sa kanya. Hingal na hingal pa ako "N-Nurse Fei..." Hingal kong sabi

"May masakit pa ba sayo? Sinabi ko nang pumunta kang ospital at baka lumala ang injury mo" aniya

"Nasaan po si Yana?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya

"Yana?"

"Alyana Montecarlo" inis kong sabi.

"Ahh yung hinimatay!" Aniya "Nandun sa loob. Nag papahinga pa"

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko

"Ah normal lang ang ganun sa sitwasyon niya" Normal?! Abnormal ba tong nurse namin?!

"Paano naging normal yun?! Hilo ka ba?!" Sigaw ko sa inis. Nagulat naman siya at hindi na nakapag salita. Pumasok ako sa loob ng room kung nasaan si Yana.

Nakita ko siyang nakahiga at payapang natutulog. Naupo ako sa katabing kama nito at humarap sa kanya. Hinilot hilot ko ang balikat ko dahil kumikirot ito.

Ang sakit..

Tinignan ko ang mukha ni Yana.

Ngayon ko lang ulit napagmasdan ng mabuti ang itsura niya. Namumutla nga siya at tumatamlay. Natural na maliit ang mukha niya at ang kanyang katawan kaya alam ko na hindi naman siya namayat. I know every part of her body.

Napa buntong hininga ako. The

Pag tapos akong kausapin nung isang araw nila Hyung ay naliwanagan ang isip ko.

Tama sila. Alam kong mahal ko si Yana. Pero hindi ko na alam ang nararamdaman niya. Hindi siya makikipag hiwalay sa akin nang walang rason. Gustong gusto kong malaman kung ano ang rason niya, but she won't tell me. Ano bang magagawa ko?

Sabi nila Hyung ay maghintay daw ako. Yun daw ay kung kakayanin ko. Pero hindi ko dapat pabayaan ang sarili ko. I can grow on my own while waiting for her.

Pero saan nga ba patungo ang pag hihintay ko? May mababago ba kapag nalaman ko na ang rason niya?

Ilang beses akong nag pumilit pero ayaw niya nang makipag balikan sa akin. May nagawa ba akong mali? Handa naman akong humingi ng tawad basta para sa taong mahal ko. Kaya kong lunukin ang pride ko para sa kanya. Pero paano ko iyon gagawin kung hindi ko naman alam ang rason?

Napa iling ako.

I can wait, Just tell me.

But I can also leave... Just tell me.

Kaya kong iwasan siya kung para sa kanya. Kaya ko umalis sa buhay niya... Sabihin lang niya.

Dahil alam kong nahihirapan siya kapag nakikita niya ako. Ayaw kong ipilit pa ang sarili ko sa kanya. Akala ko sapat na ang rason na 'Mahal ko siya' para hindi siya sumuko.

Pero hindi...

Life doesn't work like that.

Hindi sapat. Hindi ako sapat para sa kanya.

"Mukhang okay ka naman..." Mahina kong sabi kahit tulog siya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nag squat ako sa gilid at kinuha ang kamay niya at tumingin sa kanya. "Stay healthy Baby. Don't worry, hindi na kita guguluhin. Baby JAS doesn't want to see you cry anymore. Just remember that I love you. Please don't forget about how I loved you. You can forget how you feel for me but please... Please don't forget how much Baby JAS loved you."

The Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon