Chapter 32: Missing

529 23 0
                                    

Chapter 32: Missing

Nathan's Point of View

Pag pasok ko sa kwarto ko ay naupo ako sa kama ko.

Ipinatong ko ang noo ko sa aking mga palad. F*ck! Kailangan ko na naman tiisin ang topak ng Lolo ko! Bakit kailangan niya pa bumisita dito? Bakit hindi nalang siya mag stay sa Korea?! Wala naman siyang naidudulot!

Inangat ko ang ulo ko ng may kumatok sa pinto. Iniluwa nito ang kapatid ko.

"Kuya Nate..." aniya at sinara ang pinto

"Why? Did he say something bad to you again?" I asked

Umiling siya at naupo sa tabi ko "No... Dy told me to rest since... since the night was ruined" aniya at yumuko "I think kasalanan ko. Kung hindi ko sinabi na may balak akong mag bakasyon after gumraduate hindi tayo pag iinitan ni Lolo--"

"No Yannie. Natural na yun sa kanya. Wala siyang ibang mapansin kung hindi tayong dalawa. Wala tayong magagawa kundi ang tiisin siya" Matabang kong sabi.

"Kuya Nate, bakit ba siya galit na galit satin?"

I sighed "I don't know Yans... At first, I thought he hated me because I have bad grades, cause I'm a trouble." Sabi ko "I didn't mind that he keeps on saying that I'm a shame because Mom and Dad never made me feel that way. I didn't ask for his attention because Mom, You, my friends are there. I became more complete because of Tanya." Ani ko "So ano pang ginagawa niya ngayon? Naubusan na ba siya ng trabaho kaya nandito siya para manggulo?!" Sigaw ko

"Kuya..."

Napa iling ako at tumingin sa kanya

"You need to rest Yannie. May pasok ba bukas. Sige na..." sabi ko. Tumango naman siya at tumayo.

Binuksan niya ang pinto at tumingin sakin "Good Night Kuya Nate..."

"Mmm Night" sabi ko. Akala ko aalis na siya pero nanatili siya dun "Why? You still have something to say?"

Ngumiti siya "Thank you Kuya..." Ngumiti rin ako at tumango. Lumabas na siya at sinara ang pinto. I sighed.

Tumayo ako para ayusin ang gamit ko. Inayos ko ang laman ng bag ko. Napansin ko na naka ilaw ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan.

"Oh sh*t!" Mura ko pagka kita ko sa phone ko.

Kanina pa pala nag tetext si Baby Wifey! May missed calls din!

Binasa ko ang text niya. Kaninang 6 pa ang una niyang text.

Baby Hubby! Naka uwi ka na ba?

Traffic ba? Are you busy? Text me when you are already home.

Baby Hubby? Why aren't you replying? Is there a problem?

Ramdam na ramdam ko naman ang huli niyang text dahil all caps ito.

NATHAN PARK! WHERE ARE YOU?! BAKIT HINDI KA NAG REREPLY?! DAHIL BA HINDI MO NAGUSTUHAN YUNG BINIGAY KO SAYO?!

Imbis na replyan siya ay kinuha ko ang binigay niya sa bag ko. I totally forgot!

I opened it. I immediately smiled when I saw it.

Kinuha ko ang bar bracelet.

알렉산더 박?

I smiled at sinuot ito.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya.

"HELLO?! NATHAN! BAKIT NGAYON KA LANG TUMAWAG HA?! ALAM MO BANG NAG ALALA AKO SAYO--"

The Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon