Chapter 36: Regret
Jude's Point of View
Don't setlle yourself for the less. Because you always deserve the best.
Wag niyong hayaan na maging hadlang kayo sa tagumpay ng isa't isa.
Everything happens for a reason.
Hindi ito magtatagumpay kung pamumunuan ng isang tao na napipilitan lamang.
Ano bang pumipigil sayo sa pagpunta sa Canada?
Make a decision for yourself.
Take this oppurtunity to move on and to make yourself better person.
Hindi mo kailangan mag alinlangang umalis, dahil wala kang maiiwan.
Yan ang mga bagay na nasa isip ko habang pinag iisipan ang desiyon ko.
Pero tumatak sa akin ang sinabi ni Kuya Liam.
Bakit nga ba ako nag aalinlangan?
Hindi ko na dapat ito pinag-iisipan pa. Dahil malinaw na ang pag-alis ang dapat kong piliin.
Pero bakit ganito? Bakit ang hirap para sa akin na piliin ito? Ang piliin ang pag-alis?
I keep on convincing myself that it is because I'll miss my family and it is just because I am not used to being away from them.
Pero naalala ko na naman ang sinabi ni Kuya Liam.
You can't just keep on denying the facts.
Right. I can't.
Alam ko sa sarili ko na siya ang rason kung bakit ako nahihirapan mag desisyon.
Dahil ayaw kong malayo sa kanya.
Pero wala rin naman akong rason para manatili sa tabi niya.
Sapat na ba ang rason na mahal ko siya?
Hindi. Hindi sapat.
Simula nang maghiwalay kami ay mas naging bukas ang isip ko. Hindi ko na kinukulong ang sarili ko sa pag-iisip kung ano ang rason niya kung bakit siya sa akin nakipag hiwalay.
Oo, gusto ko pa rin malaman.
Pero baka hindi pa ngayon ang tamang panahon.
Everything happens for a reason
May rason kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin. May rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Masyado kong minahal si Yana. Sa sobrang pagmamahal ay hindi ko na inisip ang sarili ko. Hinayaan kong maging miserable ako nung nawala siya. Hindi ko man pinakita sa iba ang pagiging mahina ko pero... damn! Sa loob loob ko halos ikamatay ko na ang sakit.
Pakiramdam ko wala nang ibang taong magmamahal sa akin. Dahil dun nga sa tao na ibinigay ko ang lahat ay nagawa akong iwan. Paano pa ang iba?
Nag-aral ako ng mabuti at inayos ang sarili ko para kay Yana.
Pumapasok ako at iniiwasan ang pag cut ng classes para kay Yana.
Binawasan ko ang pagiging sira ulo ko para kay Yana.
Para kay Yana.
Lahat para kay Yana.
I just realized something.
That my cousins are right. I need to make a decision for my self and not for her.
Ngayon, hindi ko gagawin ang lahat ng ito para kay Yana. Kundi para sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Boys
Fiksi RemajaThe Five Bad Boys and Me 3 The Bad Boys By: MsYoon_30 The Five Bad Boys have been through a lot. A lot of problems. But they've overcome it. As long as they're together. They've overcome everything with the help of the one they love. But what if one...
