Tanya's Point of View
(Next day)
Papunta na ako sa huling klase ko nang mag text si Nathan.
Are you off to your class? I'm sorry, Baby Wifey. Hindi kita mahahatid ngayon.
Pumasok ako ng room at agad na umupo. Nagtipa ako ng sagot.
It's okay. Mag nangyari ba?
Hindi sya agad sumagot. If I'm not mistaken mas maaga ang tapos ng klase nya ngayon kaysa sa'kin.
Dumating na ang prof pero hindi parin ako nakatanggap ng reply sa kanya. Baka nagdidrive?
Okay lang naman sakin. Hindi naman ako yung tipo na magtatampo dahil lang hindi nasundo o nahatid. I always try to understand that there are things na kailangan nyang unahin.
Habang on going ang discussion ay nag vibrate ang cellphone ko. Busy ang prof sa pagsasalita kaya naman binuksan ko ang message.
Nothing serious. Kailangan lang ako kausapin ni Lolo.
Lolo ulit nya? Hindi ko pa namemeet ang Lolo nya. But base sa kwento nila Nathan at Yannie, he's strict and stern. Kung si Nathan nga na walang kinakatakutan ay nasindak sa kanya.
Bago pa ako makita ng prof ay ibinalik ko na sa bag ang cellphone. Nag reply nalang ako kay Nathan na mag ingat sya.
I guess kay Kuya na naman ako sasabay ngayon. Naka focus kaming lahat sa discussion ng tumunog ang speaker. May announcement?
Nagbulong bulungan pa ang lahat bago tumahimik nang may magsalita sa speaker. "Good Afternoon Everyone. This is your Dean speaking. Students of all levels, teachers and other faculty members, please proceed to the College Gymnasium." Nagtinginan ang nga estudyante sa announcement. Ano na naman ba ito?
"I repeat, All..." at inulit nga nya ang sinabi. Napairap nalang ako at naghanda sa pagpunta. Habang nag aayos ng gamit ay nakatanggap ako ng text. Galing kay Kuya.
Papunta ka na rin ng Gym? Nandito kami sa may gitna. Third row. Bilisan mo.
Bakit ang bilis naman ata nila? At sinong kasama nya?
Gaya ng sabi ni Kuya ay binilisan ko na ang pag punta sa gym. Nagsisiksikan pa ang mga tao sa pag akyat. Gosh so chaotic! Nakakasuffocate naman kung gagamit pa ako ng elavator di ba?
I sighed when I reached the gym. Nakipagsiksikan ako at pumunta kung nasaan sila Kuya. Kasama nya sina Chris, Mark at mga kapatid nito. Tumabi ako kay Ate Gretch na katabi naman ni Kuya. May bakanteng upuan pa sa tabi ko.
"Is this seat reserved?" Tanong ko kay Ate Gretch. Pagtukoy sa bakanteng upuan na katabi ko.
Umiling naman sya. "Buti nga at nakapag reserve agad ng upuan sila Kurt."
"Bakit ang aga nila? Tinakot ba nila yung mga students para lang paunahin sila? Sobrang siksikan kaya sa baba." Natawa naman si Ate Gretch sa sinabi ko. Narinig naman ni Kuya kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"Hoy, maaga inanounce sa College of Engineering na may ganap daw ngayong hapon. Kaya di na kami pumasok nina Chris sa last class namin. Oh diba, napaka mautak namin?" Proud nya pang sabi. Siniko naman sya ni Ate Gretch.
"Tsk, mautak? Talaga lang ha?" Inirapan ko sya at ibinalik ang tingin sa harap.
"Pst, Tanya," napalingon ako sa pagtawag ni Mark. "Nathan?" He asked.
"Nauna na. Kakausapin daw sya ng Lolo nya." Pagkasabi ko non ay tumingin sakin sila Chris at Kuya.
"Patay. Gisado na naman si Park." Sabi ni Chris sabay iling. Bumuntong hinga nalang sila Kuya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boys
Novela JuvenilThe Five Bad Boys and Me 3 The Bad Boys By: MsYoon_30 The Five Bad Boys have been through a lot. A lot of problems. But they've overcome it. As long as they're together. They've overcome everything with the help of the one they love. But what if one...