Nathan's Point of View
Pagpasok ko ng building ay agad na bumati ang nga empleyado, "Good Afternoon, Sir Nathan." Tumango lang ako bilang sagot. Pumasok agad ako sa elavator. Pinindot ko agad ang close. Magsasara na sana ito ng bumukas ulit.
"Kuya!" Gulat na sabi ni Yannie at pumasok na rin sa elavator. Pinindot nya ang 23rd floor.
"Pinapunta ka rin?"
"Obviously, yes. Ano bang meron?" She asked.
I shrugged, "Nabored ata si Lolo, kailangan ng masesermonan." Tinignan ako ng masama ni Yannie.
"Shut up, Kuya. Ang lakas ng loob mo ngayon pero kapag kaharap na si Lolo... tiklop ka. Tsk," sinamaan ko rin sya ng tingin. Magsasalita pa sana ako pero bumukas na ang elavator. I sighed at lumabas na kami ni Yannie.
Sinalubong kami ng sekretarya ni Daddy, "Nasa conference room po sila. Katatapos lang ng isang meeting nila."
"Sinong nandon?"
"Lolo nyo po. Kasama ang mommy't daddy nyo," sagot nya. Tumango nalang ako at dumiretso na kami sa conference room.
Pagpasok namin ay nakaupo si Lolo sa pinakadulo ay nasa kanan naman nya si Daddy na katabi si Mommy. May dalawang babae na naghahanda para siguro mag present. May meeting pa siguro sila?
Lumapit ako para humalik at bumati sa kanila.
"Sit down. Both of you." Walang emosyong sabi ni Lolo. Naupo ako sa kaliwa nya at tumabi naman sakin si Yannie.
"Galing kayong eskwelahan?" Tanong ni Lolo nang di kami tinitignan.
"Yes po," sagot ni Yannie at tumungo.
"Chin up, Alexandria," nagulat naman si Yannie sa sinabi ni Lolo. Tumingin si Lolo sa kanya. "You're a Park. You should always look confident. Hindi yung nakatungo ka dyan. Mabilis kang malalamon ng kalaban kung mahina ka,"
Tsk. Tumungo lang ang dami nang sinabi.
"And you," nagulat ako nang bumaling sya sakin, "I want you to familiarize yourself to the company. Mamaya, ikaw ang apo ng may ari pero wala kang alam. Kahihiyan ang aabutin natin nyan." Aniya at ibinalik na ang tingin sa harap.
Ito na naman sya. Sa tingin nya, puro kahihiyan ang dala namin ni Yans.
"Should we start?"
Nag umpisa na magpresent ang dalawang babae. Doon ko lang nalaman na tungkol pala sa anniversary ang pag uusapan.
Namili sila ng theme, venue, at kung ano ano pa. Nabored ako kaya naman tinext ko nalang si Tanya.
"Mrs. Rivera," pagtawag ni Lolo sa sekretarya nya. "Confiscate his phone." Pareparehas kaming napatingin sa kanya.
"P-po?" Takang tanong ng sekretarya.
"I said, confiscate his phone. Wala na nga syang naidudulot dito, may gana pa syang gumamit ng cellphone." Hindi agad nakalapit sakin ang sekretarya.
"L-lolo I was just texting my girl—" natigilan ako ng tumitig sya sakin.
"Your girlfriend? Bakit, may maipagmamalaki ka na ba sa girlfriend mo? Nakikipag relasyon ka pero wala kang maganda dulot sa sariling kumpanya?" Napalakas ang kanyang boses, "Then I pity your girlfriend. I heard na matalino at magaling ang girlfriend mo. Too bad at napunta sya sa iyo. I just wish soon, she'll realize that choosing you is a mistake!" Sigaw nya. Huminga sya ng malalim at ininom ang tubig sa kanyang tabi.
Lumapit na ang sekretarya at hiningi ang telepono ko. I can't fvcking believe this. Ibinigay ko ang cellphone ko sa kanya.
What he just said surprised me. Bigla akong nakaramdam ng sakit at iba't ibang emosyon. Hindi ko alam kung galit, frustration o kahihiyan ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Boys
Teen FictionThe Five Bad Boys and Me 3 The Bad Boys By: MsYoon_30 The Five Bad Boys have been through a lot. A lot of problems. But they've overcome it. As long as they're together. They've overcome everything with the help of the one they love. But what if one...