Chapter 37: What's the matter?
Russell's Point of View
Ang boring ng araw na 'to.
Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko si Alyana sa may garden.
Napansin ko rin si Santos na palapit sa kanya.I smirked.
Makanood nga muna nang drama.
Humilig ako sa pader at pinanood sila.
Aalis na sana si Alyana nang may sinabi si Santos na nagpatigil sa kanila. Nagpatuloy sa pagsasalita si Santos habang nakatitig lang si Alyana at parang hindi makapaniwala. Nakita kong ngumiti at tumawa ng bahagya si Santos. Hindi nagtagal ay umalis na si Santos at naiwang nakatulala si Alyana.
Anong nangyari?
Aalis na sana ako papuntang canteen nang mapansin kong namimilipit sa sakit si Alyana.
Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Hey, are you okay?" Tanong ko at humawak sa braso niya. Napatingin siya sa akin. Nagtama ang mata naming dalawa bago siya mawalan nang malay "Alyana!"
Nagpanic ako nang sobra nang mawalan siya nang malay. Pero mas lalo akong nagpanic nang makita ko ito.
No.
Tanya's Point of View
Nasa garden kami nang bahay namin ngayon ni Nathan. Pero tahimik lang siya at nakatulala sa libro niya.
I caressed his hair. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti ako sa kanya. Pero nanatiling blanko ang mukha niya habang nakatitig sa kin
"What's the matter?" I asked and continued caressing his hair "Kanina ka pa tulala" I said
He sighed "You love me, right?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya at napatigil sa pag galaw sa kanyang buhok.
"What?" I asked "Of course. Baby Hubby, ano bang problema?" Tanong ko
Bigla niya naman pinulupot ang braso niya sa bewang ko at pinatong ang kanyang ulo sa balikat ko. He hugged me. I can feel his nose and his breathing on my neck.
"I'm just scared"
"Scared of what?" I asked and hugged him too.
"That one day you'll realize that you don't want to be with me anymore" He said
"Nathan, tell me what's the problem"
He sighed "Naisip ko lang... what if I'm on Jude's position?" He said "Paano... kung makipag hiwalay ka rin sakin?"
Nilayo ko naman siya agad sa akin at tinignan nang mabuti sa mata.
"Bakit mo ba iniisip yan, Nate?" I asked "You really think that I can do that?" I was annoyed.
Bakit niya ba iniisip na kaya ko siyang hiwalayan?!
He hugged me again "No, it's not that" malumay niyang sabi
"Nathan I love you, okay?" I said "Hindi ko man kayang ipagtanggol ka sa ibang tao tulad nang ginagawa mo sa akin, pero mahal kita. I know hindi ako yung ma effort. Mas madalas pa nga yata kitang sungitan kaysa lambingin. And I'm really sorry for that. But that doesn't mean that I don't love you at kaya kitang iwan at hiwalayan." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"You don't need to do anything. Just stay. Stay with me and never leave my side" siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko.
"Bakit mo ba kasi iniisip yun?" I asked
BINABASA MO ANG
The Bad Boys
Novela JuvenilThe Five Bad Boys and Me 3 The Bad Boys By: MsYoon_30 The Five Bad Boys have been through a lot. A lot of problems. But they've overcome it. As long as they're together. They've overcome everything with the help of the one they love. But what if one...