Chapter 11: ALL

573 22 0
                                    

Chapter 11: ALL

Nathan's Point of View

Nandito kaming lahat sa canteen at kasama na namin si Yana. Tapos na ang exam pero hapon pa rin ang uwi namin.

"Nakakasawa na yung canteen dito" sabi ni Chris

"Kaya nga eh! Namimiss ko yung dati nating tambayan! 7 years din tayong doon tumatambay!" Sabi ni Mark

Nag katinginan naman kaming lima

"Tama!" Sigaw namin

****
Pag pasok namin ng canteen ng Highschool at Elementary ay pinagtitinginan kaming lahat. Lalo na kaming lima.

"Teka! Di ba sila yung..."

"Hala! Nandito sila! Myghad!"

"Ang pogi pa rin nila! Grade 6 palang ako ang pogi na nila!"

"Ohmy! Nakakamiss yung kapogian nila! Fafa Nate!

"Gosh! The Bad Boys of SEU!"

"Ghad! Si Jude Andrew!!!"

Hindi pa rin talaga nagbabago! Kahit saan kami pumunta, pinagkakaguluhan kami.

Nakita namin na may nakaupo sa dati naming tambayan.

Bago kami mag college ay sinabi na namin na walang pwedeng umupo dun maliban sa amin.

Paglapit namin ay nanigas sila

"Who the f*ck are you?!" Sigaw ko

"Get the f*ck out of here! You f*ckers!" Sigaw ni Jude.

Sinamaan naman nila Kurt ng tingin ang mga lalaking nakaupo dun

"Aalis kayo o sa ospital ang diretso niyo?" Maangas na tanong ni Kurt

Mabilis naman silang umalis. Naupo naman na kaming lahat.

Kailan kaya kaming makukumpleto lahat?

Si Pia nasa ibang school. Dati ang wala ay si Yana. Ngayon naman si Juls

"Gretch, nacontact mo na ba si Juls?" Tanong ni Mark

"She's not answering her phone. I tried to call her again, pero naka off na ang phone niya"

"Nag away ba kayo?" Tanong ko

"No, actually kagabi kausap ko pa siya. Pero saglit lang kasi inaantok na daw siya" sabi naman ni Mark

"Baka masama lang talaga ang pakiramdam niya" sabi ni Tanya "Pero paano yan? She wasn't able to take the exam?"

"Edi swerte si Gurang! 100 na ang magiging pinaka mababa at hindi na 101 dahil may isang hindi nakapag take" sabi ni Jude

"G*go" sabi ni Kurt

Napansin ko naman na tahimik si Yana. Nakikitawa lang siya pero hindi siya gaano nag sasalita

Ano kayang problema niya?

Bigla naman may tumawag kay Yana

Sinagot niya ito "Dad?" Napatingin naman si Jude at napa buntong hininga

"Ne" sabi ni Yana at ibinaba ang tawag [Yes]

"Pinapauwi ka na?" Walang emosyon na sabi ni Jude. Nagkatinginan naman kami nila Kurt. Ganun din ang reaksyon nila Gretch.

"Yeah, I'm sorry" sabi ni Yana

"It's fine" sabi ni Jude "Sanay na ako" sabi ni Jude "Ihahatid na kita" tatayo na sana siya

The Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon