Chapter 31: Even Without Her
Jude's Point of View
Nag paalam na ako na umakyat sa kwarto ko dahil gusto ko ng magpahinga. Hindi pa kasi umuuwi ang mga pinsan ko . Si Kurt naman ay naka uwi na.
Nag bihis ako at dumapa sa kama ko. Pinikit ko ang mata ko.
Pagod na pagod ako ngayon.
Pinipilit kong hindi isipin si Alyana. Pero mahirap pa. Sana lang paglipas ay magawa ko rin siyang hindi alalahanin.
Hindi ko inakala na dadating kami sa punto na kailangan namin kalimutan ang isa't isa.
Sobrang hirap.
Nagagawa kong ngumiti. Nagagawa kong tumawa.
Pero sobrang lungkot ng puso at buhay ko ngayon.
Napadilat ako ng marinig ko ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko. Naramdaman ko ang pag lubog ng kama ko.
"Yah..." tawag ni Sky. Hindi naman ako gumalaw at nanatiling nakadapa at pumikit.
"Mm?" Ani ko
"You okay?" Tanong niya
"You already asked that a while ago." Ani ko "I said I'm fine" sagot ko
"Really Jude Andrew? Okay ka pa sa lagay na yan?!"
Napa buntong hininga ako "I'm fine really. Just..."
"I understand" aniya "Ano nang plano mo?"
"Wala" sagot ko
"What?" Taka niyang tanong
"Wala" sagot ko ulit "Wala akong plano"
"Seriously JD?!" Sigaw niya
"I'm serious Skyler"
"But I thought..."
"Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko di ba?" Sabi ko at naupo na ng maayos "Ayaw niya na sakin. Akala ko may magagawa pa ako. Pero wala na. Kahit nga sabihin man lang ang rason ay di niya magawa eh. Ang makipag balikan pa kaya sa akin?"
"So?! Ganun nalang yun?! You'll just give up?!"
Tinignan ko sya at ngumiti ng mapait "You don't know how it feels Skyler Lyn." Ani ko "Parang akong tanga na nag sosorry kahit hindi ko naman alam kung ano ang ginawa kong masama. Habol ako ng habol sa taong pilit akong itinataboy. Hingi ako ng hingi ng paliwanag sa isang taong hindi willing mag explain at bigla nalang ako iniwan." Sabi ko "At alam mo ba kung ano pa ang masakit at kinakatakutan ko?" Ani ko "Ang magmula mismo sa bibig niya na Hindi niya na ako Mahal"
"Jude..."
"Ang hirap Sky... Sobra" Dagdag ko pa "Nakakabaliw mag isip. Kailang kong ipag patuloy ang buhay ko dahil ayaw kong isipin niya na tama na iniwan niya ako dahil walang hahantungan ang buhay ko at pariwara ako" ani ko "Kailangan kong pumasok at maki halubilo sa mga tao sa paligid ko. Ayokong ipakita na mahina ako. Dahil ayaw kong maging ganun ang tingin sa akin ni Alyana"
Natawa ako sa sarili ko "Bakit ganun? Sa lahat nalang na oras at bagay, siya ang iniisip ko. Masaya ako, siya. Malungkot ako, siya. P*tcha! Pati nga sa pag sagot ko sa exam, siya pa rin eh! Iniisip ko na dapat maging mataas ang score ko dahil gusto ko syang maging proud sa akin" ani ko "Pero paano na ngayon? Ano pang rason para gawin ko lahat ng to'?"
"JD, for yourself. Do it for yourself. Your future" ani Sky at ngumiti "Soon, magiging masaya ka rin. I'm sure. So be patient and don't give up, okay My dear COUSIN?"
BINABASA MO ANG
The Bad Boys
Teen FictionThe Five Bad Boys and Me 3 The Bad Boys By: MsYoon_30 The Five Bad Boys have been through a lot. A lot of problems. But they've overcome it. As long as they're together. They've overcome everything with the help of the one they love. But what if one...