Chapter 26: KaSy

549 22 3
                                    

Chapter 26: KaSy

Nathan's Point of View

Bubuksan ko na sana amg kotse ko ng may marinig akong sumigaw "Tooooooool!" Sigaw ni Esqueza

Napalingon naman ako ng naka kunot ang noo "Oh?" Tanong ko. Tumatakbo siya sa akin at hingal na hingal. Nang makarating siya sa harap ko ay hingal na hingal siya "Pasabay"

"Pasabay? Asan kotse mo?" Tanong ko

"Coding ako pre" aniya

"Ha? Eh hindi lang naman isa ang kotse mo ah!" Sabi ko

"Hiniram ni Mommy" aniya

"Eh yung isa pa?" Tanong ko

"Coding din pre" aniya

"Eh yung isa pa?" Tanong ko

"Yung luma? Diba pinapaayos? Kasi nabangga ko?" Aniya. Napailing naman ako

"Tara. Sakay na" sabi ko. Sumakay na kaming dalawa.

"Wenghya naman! Pawis na pawis ako oh! Baka kasi nakaalis ka na, kaya tumakbo ako" aniya at nag pupunas ng pawis.

"May towel ako sa backseat, gamitin mo muna" sabi ko. Tumango naman siya at kinuha ang towel at pinunasan ang mukha

"Salamats! Papalabhan ko nalang" sabi niya. Tumango nalang ako. Hindi ko kasi inaalis ang paningin sa daan.

"Paano ka pumasok kanina?" Tanong ko.

"Sumabay ako kay Daddy" sagot niya. Tumango naman ako.

"Buti nalang di ka pa nakaka alis. Si Dibo kasi may klase pa eh. Nakakatamad naman mag hintay" aniya.

"Pwede mo naman ako i text para balikan ka, G*go" sabi ko

"May point ka! Mahal na mahal mo talaga ako! Haha" Sigaw niya. Umiling nalang ako at natawa. Natahimik naman siya. Maya maya ay nagsalita ulit "Paano kaya kung hindi ko kayo kaibigan?"

Napatingin naman ako sa kanya. May stop light kasi kaya nakatigil ako "Huh? Bakit ka nag iinarte dyan?" Tanong ko

"Napansin ko lang kasi yung ibang tao. Hindi tumatagal yung mga pagkakaibigan nila. Yung tipong pag may nakilala silang iba, kinakalimutan na nila yung dati nilang kaibigan. Pero bakit tayo hindi ganun? Don't get me wrong ah! Ayokong magkalimutan tayo. Pero ano bang meron sa atin, bakit tayo tumagal ng ganito?"

"Kasi tayo lang ang nagkakaintindihan" sabi ko at pinaandar na ulit ang kotse "Tayo lang ang tumatagal sa ugali ng isa't isa. Tayo lang ang nagkakasundo." Sabi ko

"Ano kaya ako kung hindi ko kayo kaibigan?"

"Edi laging kang bagsak at lagi kayong mag kaaway ni Pia--No! Baka matagal na kayong break ni Pia"

"Eh?! Bat mo naman nasabi?!" Sigaw niya

"Kasi walang magpapatino sayo! Walang magsasabi sayo ng gagawin mo, para magkaayos kayo ni Pia" sabi ko "Wala ka naman ibang takbuhan maliban sa amin eh!"

Natawa naman siya ng bahagya "Sabagay..." Aniya "Eh ikaw Nate? Ano ka sa tingin mo kung hindi mo kami kaibigan?"

"Mag isa" ani ko

"Ha? Bakit naman?"

"Dahil walang ibang kaya mag tiis sa ugali ko. Hindi ako pala kaibigan. Konting bagay, ay nagagalit na ako. Pag nainis ako, suntukan agad. Wala nang usap usap. In short, maliban sa mukha at katawam ko wala nang bagay ang maganda sa akin" ani ko

"Masyado kang harsh sa sarili mo tol. May isa pang magandang bagay sayo" aniya "Actually, marami pa"

"Ano naman yun?" Tanong ko

"Kaya mong mag sakripisyo sa mahahalagang tao sayo" aniya.

Napangiti naman ako "Pano mo nasabi?"

"Dahil nakikita ko" aniya "Simula bata palang tayo..." Sabi niya "Nung bata tayo, asar talo si Mark. Kapag natalo, iiyak at mag totopak. Kaya ayaw namin siyang kalaban. Pero dahil ayaw mong ma-out of place siya, nagsasakripisyo ka na magpatalo sa kanya."

"Tol, maliit na bagay lang yun"

"Para kay Mark at sa amin hindi. Kung hindi mo yun ginagawa noon, baka may galit na si Mark sa atin." Aniya

"Bakit ang drama mo?" Tanong ko. Masyado na kasi akong nahahawa sa kanya eh!

"Gusto ko lang sabihin sayo na kahit hindi namin sabihin , we always appreciate your efforts" ngumiti nalang ako "You always make efforts for our friendship"

"Dahil importante kayo sa akin. Dahil nga kundi dahil sa inyo, mag isa ako"

"Wag ka mag alala tol! Di ka namin iiwan!" Nagtawanan kaming dalawa. "Malapit na tayo gumraduate."

"Kung makakgraduate ka" biro ko

"G*go!" Sigaw niya

"Excited na ako mag trabaho..." Tumingin naman ako sa kanya saglit

"Seryoso ka?" Tanong ko

"Oo, hindi na kasi ako makapag hintay na bumili ng mga bagay na gamit ang perang pinag hirapan ko."

"Hahaha! Akalain mo nag iisip ka pala nang ganun!" Natawa rin siya

"Ewan ko ba! Naiisip ko lang yun kapag naiisip ko si Pia" aniya "I can't wait to have my own family"

Ngumiti naman ako "Me too. Kaso itong si Mark, uunahan na tayo"

"Wenghya! Oo nga pala! Magpapakasal na si G*go!" Tumawa kami

"Nate..."

"Oh?" Tanong ko hindi inaalis ang paningin sa daan.

"Paano kaya pag ang nagkatuluyan ay yung anak natin?" Nagulat naman ako sa sinabi niya

"G*go ka ba?! Ibangga ko kaya ito, para matuluyan ka ha!" Sigaw ko

"Baliw! Edi damay ka!"

"Syempre sisiguraduhin kong mas masama ang lagay mo!"

"Pero seryoso kasi. Ano sa tingin mo?"

"Wala naman masama dun. Hindi ka naman criminal... Hahaha" sabi ko "Kaso ang gusto kong panganay ay lalake"

"Wag ka mag alala tol! Hindi ako titigil hangga't hindi ako nag kakaroon ng prinsesa!" Natawa kaming dalawa

"Ano? Gagawin mong babuy si Pia?"

"Hoy! Kahit ilang anak magkaroon kami, sexy pa rin yun!" Sigaw niya

"Wala naman akong sinasabi eh"

"May naisip ka bang pangalan, kapag nag kaanak ka na?"

"Actually matagal na namin yung napag usapan ni Tanya"

"Wow! Handa si g*go! In case madali?"

"G*go ka Esqueza! Isa pa talaga! Isa pa! Sasamain ka na!" Sigaw ko

"Joke lang! Alam ko naman na virgin ka pa eh!"

"G*goooooo!"

"Eh anong pangalan ang naisip niyo?" Tanong niya

"Kane and Tatiana" sagot ko "Kaw?" Tanong ko

"Sa babae lang yung naisip ko eh. Gusto ko Sydney ang first name niya"

"Bakit naman?" Tanong ko

"Hmm ewan ko rin eh"

"Tss... Kane and Sydney" banggit ko

"Kaydney...Hahaha!" Biro niya

"Abno ka!" Sigaw ko

"Mmmm... KaSy" aniya (pronounced:Keysy)

"Tss pag kalokohan, daming alam"

KaSy?

____
Waah! Excited na talaga ako sa story ng mga anak nila! Bwiset!

Pero ang tanong. Sila pa rin ba hanggang huli?

Paano si Julienne at Mark?

Si Jude at Yana?

The Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon