Chapter 16: Suffer

634 20 6
                                    

Chapter 16: Suffer

Nathan's Point of View

Pagkahatid ko kay Tanya ay bumalik na ako sa room ni Juls.

Nag papahinga na si Juls sa balikat ni Mark. Hawak pa rin ni Mark ang kamay ni Juls. Naupo ako sa tabi nila Esqueza. Tahimik lang din sila at minsa'y tahimik na nag uusap. Si Big Boss at Noona ay pinag uusapan ang kalagayan ni Juls. Si Chris ay katext si Pia. At ako?

Namimiss ko na si Tanya. Tinignan ko ang relo ko. It's been 8 minutes and 35 seconds nung hinatid ko siya.

Napatingin ako kay Mark. Walang ekspresyon ang mukha niya. Hindi niya alam kung ano dapat ang maramdaman. Dahil sa ngayon, sobrang dami niyang nararamdaman na halos di niya na kayanin. Sakit, takot, pangamba at syempre ang pagmamahal niya kay Juls.

Biglang may pumasok. Si Troy. Tumayo si Gretch at Hinalikan sa pisngi ang kanyang Kuya. Nakipag apir kami sakanya. Tinanguan lang siya ni Mark

"Let's stay for a while" ani Troy at naupo sa tabi ni Chris. Nag usap silang dalawa.

"Nate, kanina pa ba ganyan si Mark?" Tanong ni Troy

"Almost an hour already" sabi ko. Napa iling nman siya. Ilang sandali lang ay nag paalam na si Troy at Gretch. Kami nalang ni Chris, Noona, at Big Boss ang natira dito.

"Mark, hindi ka ba uuwi?" Tanong ko

"No..." Aniya "H-hindi ko kayang iwan siya"

"Babalik ka naman bukas, Mark" ani Chris

"No..." Mahina niyang sabi

"Let him" sabi ni Big Boss kaya tumango lang kami

****

Bigla naman nag ring ang phone ko

Top calling...

"Hello?" Bungad ko

"Nasaan ka?" He asked

"Nasa tabi tabi lang" sabi ko

"Ganun? Eh nasa tabi tabi lang din ako eh, bakit di kita makita?" Biro niya

"Nasa tabi tabi ako ng neverland, G*go" sabi ko

"Ah ganun ba? May flight ba papunta dyan?" Aniya

"Wala! Mga pogi lang ang pwede dito" sabi ko

"Eh bakit nandyan ka?" Aniya "Ako dapat ang nandyan!" Tawa niya

"Eh G*go ka pala eh! Maghintay ka Travis Oliver Prince James! Susungalngalin kita!" Sabi ko

***
Skyler's Point of View

Pag pasok ko ng room ni Juls ay nakita ko sila Nate, Chris, Unnie at Big Boss. Si Mark naman ay katabi ng natutulog na si Juls.

"Uy tol" mahinang bati ni Nate at Chris. Tumango lang ako. Ganun din kina Unnie at Big Boss

Lumapit ako kay Mark

"Huy Dibo..." Sabi ko

Tumingin siya sa akin "Sky... Ikaw lang mag isa?" Tanong niya

Halatang pinipilit niya lang mag salita "I'm with Stefan" sabi ko "He'll be here. Nagpapark lang" sabi ko at tinapik ang balikat niya. Tumabi na ako kina Nathan

"Anong nangyari nung nalaman niya?" Bulong ko kay Nathan

"Umiyak. Napaluhod sa sobrang iyak. Ayun! Nasapak ang pader. Hindi pa nga siya titigil nun kung hindi pinigilan ni Juls eh" kwento niya

"Dinamay pa yung pader! Buti sana kung makakalaban yung pader di ba? Matakot kayo pag gumanti yang pader na yan!" Biro ni Chris

Chris is just trying to lighten the situation

"Nate, Chris ,Skyler" napatingin kami kay Big Boss "Outside" aniya at lumabas ng hindi kami hinihintay

"Langhya! Ganun ang itsura niya dati, kapag pinapagalitan ang The Hawks ah!" Sabi ni Chris

"Oo nga eh" sabi ko

Tumawa si Unnie "Mag uusap lang kayo" aniya

Lumabas na kami. Nakasandal siya sa pader.

"Bakit Hyung?" Tanong ni Nathan

"Alexa and I talked about Juls situation" aniya "It can get worse"

Napasinghap kaming tatlo

"Bakit sa amin mo sinasabi? Di ba dapat kay Mark?" Chris asked

"Nakita niyo kung anong nangyari kanina at ngayon. When Juls get worse, Mark will also get worse" aniya "He needs you guys to be with you"

"Wala na ba ibang paraan para hindi lumala si Juls?" Tanong ko

"Yun nga nga..." Sabi ni Big Boss

Nagtaka kaming tatlo. Huh?

"May paraan" aniya "Kaso..."

"Kaso?" Tanong namin

"Uuwi ng US si Juls at doon mag papagamot" nanlaki ang mata naming tatlo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uuwi ng US si Juls at doon mag papagamot" nanlaki ang mata naming tatlo

"W-what?! P-pero... Bakit doon pa?! Hindi ba pwede dito?!" Sigaw ni Chris

"Yun din ang gusto ni Juls"

"Gusto ni Juls?! Pero paano si Mark?!" Sabi ko

"May isa pa palang problema..." Aniya

Ano naman yun?!

"Juls will break up with Mark" biglang napamura si Chris at Nate

"F*ck! What?!" Sigaw nila

"Calm the f*ck down!" Kalmadong sabi ni Big Boss "Baka marinig kayo nila Mark!"

Tahimik naman sila pero halatang hindi sila makakalma.

"Bakit kailangan pa nila mag break?" Tanong ko

"Ayaw ni Juls na iniisip pa siya ni Mark. Kapag lumala ang kalagayan niya, ayaw niyang masaktan si Mark kapag nawala siya"

Napa 'tss' naman si Nathan "Sasaktan mo ngayon para hindi lalong masaktan sa susunod?! Ginawa ko na yan dati at hindi ko kinayan ang p*t*nginang yan!" Inis na sabi ni Nathan

"Siguro nga p*t*ngina yun. Pero alam niyo ba kung anong pwedeng maging epekto ng treatment niya at ng sakit niya?" Ani Big Boss

"What?"

"Lung and Heart damages at... Infertility. Hindi siya pwedeng mag anak kung lumala ang leukemia nya" natigilan kami

"W-what? P-pero..."

"Juls doesn't want Mark to suffer..."

The Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon