The Five Bad Boys and Me 3
The Bad Boys
By: MsYoon_30
The Five Bad Boys have been through a lot. A lot of problems.
But they've overcome it. As long as they're together.
They've overcome everything with the help of the one they love.
But what if one...
Bad trip naman eh! Nakatingin lang samin si Kuya Yan. Oo, nandito na siya. Nasa kwarto naman si Ate Jana at Francis.
"Gagawin niyo ba o hindi?" Seryosong tanong ni Kuya Yan
"Kuya Yan naman eh"
"Ano?!" Singhal ni Kuya Yan "Pag kauwi na pagkauwi namin, nag sisigawan na kayo?! Umalis kami kaninang umaga ng nag aaway kayo, pag uwi namin ay nag aaway ulit kayo? Ginagawa niyo bang bisyo ang pag aaway, ha?"
"Tss" ani Choi chi
"Ikaw Chino, mas matanda ka tapos pinapatulan mo?"
"Bata ba yan?! Hindi yan Bata! Abnormal yan eh!" Sigaw ni choi chi oppa.
"Ano?!" Sigaw ko at siniko siya. Gumanti naman siya at pinitik ang noo ko.
Dahil doon ay nag umpisa na namam ang world war.
"Yaaah!" Malakas na sigaw ni Kuya Yan kaya naman napatigil kami.
"Gawin niyo na!" Sigaw niya.
Ang tinutukoy kasi ni Kuya Yan ay yung parusa namin.
Nag tinginan kami ni Oppa ng masama. Naglapitan kami at sinimulan ang parusa namin. Nag akbayan kami at nag umpisang mag squat.
"20 times!" Sigaw ni Kuya Yan at umalis sa harap namin.
Bwisit talaga!
"1" bilang namin "2...3...4........15"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"F*ck I'm tired!" Sigaw ni choi chi
"Stop talking! Mag bilang ka nalang!" Sigaw ko
"........20" Pag kasabi namin nun ay sabay kaming napa upo sa sahig. Ang sakit ng hita ko.
Bumalik naman si Kuya Yan at si Kuya Kurt.
"Ano na? Ang tatanda niyo na, nag babangayan pa rin kayo!" Sigaw ni Kuya Kurt
"Nag salita ang Gurang!" Sabi ko. Inambahan naman ako ni Kuya ng batok kaya umiwas ako.
"Il oseo ra" ani Kuya Yan. Kaya napatayo naman kami ni choi chi
"When will the two of you grow up, huh?" Ani Kuya Yan "Baka naman maunahan pa kayo ni Francis sa pag mamature!"
Nang sermon na naman siya. Tss.
"Mianhae..." Sabay naming pag sorry ni Oppa.
Napailing naman si Kuya Yan at ngumiti "Akyatin niyo na si Francis. Hinahanap na kayo ng pamangkin niyo"
Napangiti naman kami ni Choi Chi at inakyat na si Francis. Pumasok kami sa nursery at nakita namin si Francis na naglalakad lakad. Tuwang tuwa naman si Ate Jana habang pinapanood ang anak.