Chapter 18: Bogosipeoyo보고싶어요
Mark's Point of View
Bakit tinawag ni Big Boss sila Nate? Tsaka bakit kailangan sa labas pa sila mag usap? If it's about the Hawks kailangan ko rin yun malaman.
"Mark, I'll just use the comfort room" sabi ni Noona. Tumango lang ako
Tinignan ko si Juls na natutulog sa tabi ko.
Nathan's Point of View
Pagtapos namin mag usap ay pumasok na kami ulit sa room ni Juls. Pumasok na rin si Stefan na galing sa parking lot.
"Hey, Kuya Mark" bati ni Stefan. Tumango lang si Mark.
Nakaupo na ngayon sa sofa si Mark at hawak ang noo niya na parang may iniisip.
Tumabi kami sa kanya.
"Nathan, sasabay ako sayo pauwi" ani Mark. Napatingin naman kaming lahat sa kanya
"Uuwi ka?" Tanong ko "A-akala ko ba..." Bigla siyang tumingin sa akin
"Uuwi ako. Babalik ako bukas ng umaga" aniya
"That's right Mark. You also need to take a rest" sabi ni Noona. Tumango lang siya. Tumayo na kami.
Lumapit si Mark sa natutulog na si Juls at hinalikan siya sa noo. "I'll be back tomorrow"
***
Tahimik si Mark habang nasa byahe kami."Akala ko wala ka nang balak umuwi" sabi ko
"Kailangan kong mag isip. Tsaka magagalit si Juls kung hindi ako mag papahinga" sagot niya
"Buti naman at nakakapag isip ka pa ng maayos. Pagkatapos mong magwala kanina at pagsusuntukin yung pader na walang kalaban laban..." Ani ko
"Tss" aniya "Doon lang naman ako magaling eh. Sa basag ulo"
"You'll be fine, Tol" sabi ko
"I-I know..."
Naalala ko na naman ang pinag usapan namin nila Big Boss kanina. Dapat ko bang sabihin sa kanya? Para may alam siya?
Pero ngayon kang siya kumalma. Baka kapag sinabi ko ay magwala na naman siya at lumipad papunta kay Julienne.
I sighed.
Big Boss said na kailangan na talaga magpagamot ni Juls. That's why soon... Hihiwalayan niya na si Mark.
Alam ko ang nararamdaman ni Juls. I've also been there.
Sobrang hirap na makita mo yung taong mahal mo na nahihirapan dahil sayo. Maswerte kami ni Tanya at nalagpasan namin iyon. Pero paano sila Mark at Juls?
***
Pag kauwi ko ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nahiga ako at tinawagan si Baby Wifey."Hello?" Sagot niya
"Bogosipeoyo..." Sabi ko. Tumawa naman siya [I miss you]
"Ilang oras palang tayo hindi magkasama" aniya
"But still!" Pagmumukmok ko "Nasa korea na ba kayo?" Tanong ko
"Yeah, kakaland lang ng plane. We're just waiting for Kuya Yan" Sagot niya. I already miss her so much. Mababaliw na yata ako.
"By the way, kamusta na si Juls? Si Mark?""Kumalma na si Mark. Hinatid ko na rin siya pauwi..." Ani ko "Tapos si Juls..." I don't know if I should tell her but... I shouldn't keep secrets from her "Big Boss said that makikipag hiwalay siya kay Mark"
"What?! Why?!"
"She said that she doesn't want Mark to suffer..."
"But... Does Kuya already know?" Tanong niya
BINABASA MO ANG
The Bad Boys
Novela JuvenilThe Five Bad Boys and Me 3 The Bad Boys By: MsYoon_30 The Five Bad Boys have been through a lot. A lot of problems. But they've overcome it. As long as they're together. They've overcome everything with the help of the one they love. But what if one...