Avisala Ybramihans! Sorry ngayon lang nakapag-update pagod kaliwa't kanan ang Christmas Pary ng lola n'yo. Anyways pambawi sa matagal na nganga, 2 chapters ang hinanda ko. :)
//
Isang linggo, isang buong linggo ng pagtatago ang gingagawa ko, bakit? Kasi itong si Yael kung ano-ano ang trip n'ya. Noong una rose lang, yung mga sumunod teddy bear, chocolates at kahapon may nag-abot ng isang basket ng prutas sa akin. Hindi ako manhid at lalong hindi bulag para hindi malamanan ang ginagawa n'ya.
Babae ako, lalaki s'ya.
"Ali, I told you hindi ko gusto yung ginagawa ni Yael ha, di ba nga I turned you down"
"Amethy, this is our chance, s'ya na mismo yung lumapit sa'yo, I'm sure he's doing all of these because of me"
Syempre hindi naman ganoon kalaki ang campus para hindi kumalat ang nangyayari, isa pa saksakan ng chismosa at chismosa ang lugar na 'yon.
"Do you even hear yourself? You want me to actually date your ex? Hindi ba ang pangit naman?"
"Oo nga Ali tama si ate" singit ni Dan, tinignan naman s'ya ng masama ni Ali
"No, kung kinakailangang lumipat ako ng school gagawin ko, enough of this topic Ali" I rest my case, nakakainis na talaga kung hindi ko lang ito kapatid matagal ko nang sinapak.
At akala ko doon na natatapos ang lahat, but Yael is equally persistent as my sister, no ibang level pala itong lalaki na ito.
"Ah pagod ka na ba makipag hide and seek?" tanong n'ya
"Oo nakakapagod, kaya tapusin mo na itong mga kalokohan mo"
"Who said na nagloloko ako?" I chuckled at his answer
"No one, but it's obvious Mr. Madrid, tanga lang siguro ang hindi makakahalata sa ginagawa mo" he smiled, may dimples pala s'ya, ang cute, sana naging dimples nalang s'ya.
"Come on Amethy, I'm dead serious this time," he said with a smirk, serious mo mukha mo.
"Fine," I snorted "Ayaw mo tumigil?" he shook his head, "Alright then" tsaka ako umalis. Napapagod na ako, sa bahay kinukulit ako ni Ali, dito sa school si Yael, why can't the two of them just reconcile, at pag-usapan yung problema nila. Bakit ako ang ginugulo nila? What did I ever do to deserve this? Mahaba ang pisi ko pero napaikli nila.
The next morning I ditched school, I needed some time alone at alam kong magagawa ko iyon sa office ni Mommy, may maliit kasi syang nap room doon at pumayag naman s'yang isama ako, besides we own the company so wala talagang problema. But in exchange na sasabihin ko sa kanya kung ano ang talagang dahilan ng hindi ko pagpasok ngayon.
I settled in sa small bed inside the nap room, I brought my book with me, I need distractions, papasok muna ako sa loob ng fiction.
I heard a knock, nakatulog pala ako, "Mom," I murmured
"Lunch time, nagpabili nalang ako sa secretary ko, since natutulog ka kasi kanina kaya hindi na muna kita ginising, alam kong pagod and stressed out ka kung ano man yung problema mo, pag-usapan natin habang kumakain, come on up, sunod ka na ha" she said, hindi man lang ako pinasingit sa pagsasalita.
"So," Mom trailed, "What's up?" natawa naman ako parang bata 'tong si Mommy
"Nothing much, it's just that Ali" I paused, "and her ex, remember Yael Madrid?" she nodded
"What about them?"
"They sort of bothering me"
"Be specific dear"
Huminga ako ng malalim, bago ko simulan ang kwento. Tahimik lang nakikinig si Mommy, she let me spill every detail, and listened attentively. Nang matapos ako, "So I was thinking of transfering into a different university?" I carefully asked
YOU ARE READING
In another lifetime
FanfictionAN AU BASED ON THE NUMBER ONE FANTASERYE IN THE COUNTRY, ENCANTADIA... THIS IS SOLELY AN YBRAMIHAN FICTION IN WHICH I CHANGED THEIR NAMES AND THE SETTINGS WILL BE IN REAL LIFE.. ORDINARY PEOPLE SILA DITO... SO JUST CONTINUE SHIPPING... SAGWAN, LAYAG...