Batangas Day 1

399 31 5
                                    


//Throwback muna tayo sa 3 araw nila sa Batangas//

Naramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko, it's warm and soft, parang lalo kong gustong matulog. "Amethy" sambit n'ya, nang bigla kong maalalang wala nga pala ako sa bahay.

Napabangon ako, nakatulog pala ako dito sa sofa,"Yael, sorry nakatulog pala ako ulit" hindi ko alam kung bakit pero nahihiya ako sa kanya.

"Yeah, para ka palang mantika matulog," he chuckled, "Been waking you up for 30 minutes" ugh! seriously baka nakita nyang naka nganga ako, nakakahiya, o kaya naghihilik, napasabunot ako sa buhok ko.

"Hindi ka nakanganga at hindi ka rin naghihilik, ang cute mo nga matulog eh parang patay lang" tsaka s'ya tumawa, binato ko naman s'ya ng throw pillow-the name fits itself.

"Mind reader ka na rin ngayon?"

"Nah, you're obvious when you think" tumabi s'ya sa akin at inayos ang buhok ko,"Stop sulking, nakakapangit, hindi rin ako maarte, I don't care if you snore or nakanganga ka matulog, I find it cute sa babae kasi sobrang natural" napatingin lang ako sa kanya, parang nablanko lang yung isip ko, hindi ko alam kung humihinga pa ba ako.

Another side of Yael is showing, sinong hindi mafa-fall sa kanya.

He used to be a jerk in my eyes before pero ngayon he's the total opposite. Ali's one lucky girl if magkakabalikan sila.

I heard someone fake a cough, that brought me back to my reverie,napaiwas ako ng tingin kay Yael, "Hi" sabi nun lalaking dumating

"Hi" I said

"Hi mo mukha mo Axel, what are you doing here?" ay sungit ni Koya

"I'm Axel and you must be Ali?" Hindi n'ya pinansin si Yael at lumapit sakin para magpakilala.

"Nice to meet you Axel, I am not Ali, I'm her older sister, Amethy" inabot ko yung kamay n'ya.

"Oh, nice to meet you too Amethy, I'm this jerk's cousin" tinuro n'ya si Yael, natawa lang ako, pareho silang playful.

"Look who's talking" inis na sabi ni Yael

"Tita said you're here, may business meeting ako sa malapit so naisip kong dumaan" he's quite handsome, nasa genes ata nila talaga, "So is she your..." he trailed

"Friend," I said, "Ali and him just broke up" he mouthed an 'O' tsaka tumango-tango

"Stop interrogating her and leave" grabe 'to sa pinsan n'ya

"Ayoko, makikitulog ako dito," lalong lumukot yung mukha ni Yael, ang cute cute n'ya sarap pisilin.

"No! Go home! or I'll call Da-" agad naman tinakpan ni Axel yung bibig ni Yael, napataas kunot noo ako, sino yung tatawagan nya bakit ganon reaction ni Axel.

Weirdos

In another lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon