Prolouge

2.4K 36 0
                                    

"Bakit ba hindi ka uma-attend ng training? Nabalitaan ko pa kay Mika na nawala ka daw bigla nung nagbar kayo?"

"Ginusto niyo yan parehas kaya kung may dapat sisihin, walang iba kundi kayo din" madamdaming saad ni Coach Ramil. Basta talaga may problema ang isa sa amin, magtatransform siya bilang tatay naming lahat.

"Hindi niya kasalanan ang lahat" pagtatapos ni Kim sa sinabi niya.

"Paano kung hindi niya ako matanggap?" tanong ko sa bullies.

"Ara, bakit nandito ka?" gulat na tanong ng binata ng makita ang isang pamilyar na babae sa sala nila.

"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang gusto ko lang ay gawin ang dapat" sagot ni Thomas habang nakatingin sa akin.

"Bakit ba kasi wala si Thomas? Iniwan na naman ba niya ako?" maluha-luha kong tanong kila Mama.

"Ano namang panama ko sa isang artista? Ako lang naman si Ara Galang" malungkot kong sagot dahil yun naman ang katotohanan.

"Nasaan na ba yang si Thomas? Kapag nalaman ko lang na nasa ibang babae siya, naku makakasapak talaga ako" gigil na saad ni Jun.

"Thomas....Thomas" tawag ni Ara.

"Mahal mo naman siya diba?" tanong ni Jeron sa kaibigan.

"Mahal mo na ba ako?"pabirong saad ng dalaga na ikinatahimik ng binata.

"Mahal ko na nga ba siya?" tanong niya sa sarili.

_______________________________________

Hi Guys!! I'm back!! Magsusulat na ulit ako tutal medyo hindi busy kahit may thesis kami hahahaha.

At para naman mabuhay ulit yung ThomAra Heart ko. Lately kasi puro sakit natatanggap ko dahil sa kaunti na ang ganap ng favorite UAAP loveteam ko.

So enjoy reading :)

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon