Eleventh Set

1.8K 51 6
                                    

"Ganda gumising ka na" pagkatok ko sa pinto ng kwarto ni Ara. Inaya ko kasi siya para mamasyal pero alas nuwebe na ay tulog pa.

"Five minutes pa" sigaw niya sa loob.

"Baka matraffic tayo, c'mon bumangon ka na. Magpeprepare na ako ng breakfast" sigaw ko sa labas ng room niya. Nang marinig kong naglakad na siya ay umalis na rin ako sa pinto ng kwarto niya para magluto.

"Where are we going ba?" Natawa naman bigla sa tanong niya.

"Dora lang ang peg"

"Pwee ang bakla mo sa sinabi mo. Pero no joke saan tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan tayo magiging masaya" sagot ko.

"Bakit pa ako nag-ayos eh dito lang naman tayo?"

"Huh?" Takang tanong ko.

"Dito pa lang kasi sa condo mo at habang kasama kita masaya na ako" sagot niya.

"Yes naman kinikilig ako" at nagtakip ng mukha. "Let's eat na nga, mamaya mabusog na ako sa mga banat mo Ara"

"Nga pala bukas may laro kayo diba?"

"Oo nga pala, gusto mo manood?" Umiling naman siya.

"Gusto mo bang maulit yung nangyari sakin nung nakaraan. Wag na nakakahiya" natawa naman ako.

Ang kulit kasi niya nung first game ko sa PBA. Sinabi ko ng sa likod lang siya ng bench namin umupo pero nagpumilit pa rin na sa lower box na lang. Dinumog tuloy ng mga fans niya and the worst part is muntik na niyang masukahan yung fan niya.

"Wag ka kasing lumayo sakin alam mo namang hilo reliever mo ako"

"Hindi na talaga ako lalayo sayo" sagot niya.

"Talaga?"

"Talagang-talaga" with conviction niyang sagot.

Niyakap ko naman agad siya.

"Eh lumayo ka!!! Ang pawisan mo"

"Sabi mo hindi ka lalayo hahahaha"

"Eh kadiri ka, kakaligo ko lang. Sayang ang sabon at lotion"

"Edi maligo tayo ulit....nang sabay. Aray!!!" Batuhin ba naman ako ng kutsara.

"Bastos!!!"

Alas onse na ng umaga nang makaalis kami.

Nagroadtrip muna kami at kumain.

Pumunta rin kami sa Art in the Island at nagpicture-picture. Doon ko nga nalaman na mahilig pala siya sa art at nalaman ko rin na gusto niyang magkaportrait na may mukha niya.

"Ars can I ask you something?"

"Sure, tungkol ba saan?"

"Kay Pao" with that ay bigla akong pinagtawanan ni Ara.

"Ah yung anak-anakan mo daw"

"Lol di ko siya anak-anakan and never ko siyang ituturing sa isa sa kanila"

"Sus pikon ka na naman palibhasa selos na selos ka sa kanya"

"Okay..."

"Oh kita mo nagagalit ka kaagad samantalang ikaw ang nag-open ng topic"

"Eh inaasar mo na ako"

"Baliw, ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na kaibigan ko lang yung kalog na yun"

"Eh bakit close na close kayo?"

"Close lang, hindi close na close" sagot niya.

"Palusot ka pa eh mas close pa yata kayo kesa satin"

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon