Sixteenth Set

706 27 4
                                    

Pagbalik ko sa Manila, puro tanong sila Mommy sakin at maging mga kaibigan ni Ara.

Hindi na rin kasi nila mabisita si Ara dahil sobrang busy sa volleyball at trabaho.

Natapos ang training namin at maayos naman ang naging performance ko.

"Bro, alam mo baka tama sila Ate Aby" out of nowhere na sabi ni Jeron. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Try lang naman bro, ipaconsult mo lang" saad ni Jeron na kaagad ikinainit ng ulo ko.

"Pati ba naman ikaw Jeron?" Pagalit na saad ko.

"Bro malay natin makatulong ito kay Ara" pagpipilit niya.

"Pwede ba!! Hindi baliw si Ara!! May pinagdadaanan siya pero nasa tama pa rin ang pag-iisip niya" sagot ko.

"Bahala ka nga!!" Dismayadong sagot ni Jeron.

"Bahala talaga ako!! Tutal ako lang naman ang nakakaintindi kay Ara" kinuha ko ang bag ko para umalis at umuwi.

Sana naman naiintindihan nilang nasasaktan ako sa mga sinasabi nila kay Ara.

"Kuya pwede patulong sa--"

"Busy ako" dedma ko kay Kath. Hanggang ngayon mainit ang ulo ko sa sinabi ni Jeron. Hindi naman kasi siya ang unang nagsabi sa akin noon pero ewan, basta nagdududa ako kung concerned ba sila kay Ara.

"Kuya may---"

"Thirdy hinaan mo nga 'yang sounds mo!! Nag-aaral mga kapatid mo, nagpapatugtog ka pa!!" Saway ko. Ang ingay naman kasi talaga.

"Oh nag-aaway ba kayo?" Biglang sulpot ni Mommy.

"Si Kuya po ang init masyado ng ulo" masungit naman akong tumingin kay Thirdy.

"Ako pa talaga?!!"

"Thomas!! Magpalamig ka muna ng ulo mo!! Pati mga kapatid mo nadadamay diyan sa galit mo" napailing na lang ako sa sinabi ni Mommy bago umalis sa harap nila.

Naglock ako sa kwarto ko at nagpalamig ng ulo.

Hay.

Ano pa bang dapat kong gawin?

Bakit ganito kahirap ang sitwasyon?

Kinagabihan, Jeron texted. Saying sorry for what he said. Nagalit lang naman ako pero kaibigan ko pa rin siya.

Nagreply ako na okay lang tapos inaya niya akong magbar.

Kaya lang, eversince na dumating si Ara sa akin. Humindi na ako sa mga alak.

"Kuya, sama ka samin. Lalabas kami nila Thirdy" sakto naman ang pag-aya sa akin ni Kath.

"Sige, magpapalit lang ako sa taas. Hintayin niyo ako"

Nagpunta lang kami sa isang kainan.

"Grabe, sobrang tagal na noong huli tayong lumabas apat"

"Busy na kasi tayo nila Kuya" Totoo naman ang sinabi ni Thirdy.

Naging busy kami sa kanya-kanyang buhay namin.

"Selfie tayo, dali" Pinost kaagad ni Mariella ang picture namin.

"Kuya, pwede ba akong magtanong sayo about kay Ate Ara?" Tanong ni Kath.

"Oo naman"

"Kamusta na siya? Hindi pa ba siya bibisita dito? Sobrang miss ko na siya eh" pagdadrama ni Kath. Kunsabagay kapag wala ako sa bahay sila ang kasama ni Ara.

Nagbobonding sila. May ilang topics kasi na sila lang ang nagkakaintindihan.

"She's okay naman pero same pa rin sa dati. Malungkot, ibang iba sa Ate Ara na nakakasama niyo"

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon