Sixth Set

1.7K 52 11
                                    

"Anong oras ka uuwi?" paalis na kasi si Thomas dahil may ipapasa pa siyang papers plus may training pa.

"9pm na siguro, don't worry on the way na si Mama. Dito daw muna sila para may kasama ka"

Magdadalawang buwan na akong buntis at sa condo niya kami nakatira. Minsan bumibisita sila Mama dito pero bihira na akong makauwi sa Pampanga.

Busy na rin kasi si Thomas sa thesis niya kaya hindi siya makapag-uwian katulad ng ginagawa niya dati.

Ayaw rin naman niyang malayo kami sa kanya dahil siya daw yung daddy.

"Sige ingat ka na lang sa training and goodluck sa pagpasa ng mga papers" saad ko habang inaayos niya yung bags niya.

"Baby, aalis na si Daddy. Wag kang makulit kay Mommy mo. Kapag gutom ka, paramdam ka lang sa kanya and you both rest, okay? Wag magpagod dito, Ara?" alam na alam talaga niyang hindi ako sanay ng walang ginagawa.

"Yes Sir" pabirong sagot ko.

"I'll go ahead na, bye Baby. Daddy loves you so much" hinalikan pa niya ang baby bump ko at naglakad paalis.

"Why are you doing this to me Thomas?" tanong ko at naupo sa sofa.

Napakaalaga niya sa akin at sa baby. Sinisiguro niyang hindi ako napapagod at palaging safety ng baby ang nasa isip niya.

Natutuwa naman ako dahil tungkulin niya yun pero bakit ganon? Parang may nararamdaman akong hindi dapat.

"Nahuhulog na ba agad ako sa kanya?" tanong ko sa isip ko. Ngunit napaka-imposible dahil tatlong linggo pa lamang kaming magkasama sa bahay.

"Hindi pwede Ara. Natutuwa ka lang sa ipinapakita niya kasi concerned siya sa baby. At sa baby lang, hindi sayo. Daddy siya diba? At hindi mo siya asawa" pagkausap ko sa sarili ko.

*Tok tok tok*

Si Tita na siguro ito. Naglakad ako papunta sa pinto.

"Silipin mo muna kung sino, bago mo papasukin dahil baka mamaya hindi mo kilala tapos i-welcome mo dito" naalala ko bigla ang bilin ni Thomas.

Madami daw kasi ang masasama ang loob at mapagpanggap kaya ang dami niyang bilin sa akin.

Kaya naman sinilip ko muna.

"Bakit siya nandito?" nagtago ako sa may gilid ng pinto habang hawak ang doorknob.

*Tok tok tok*

Patuloy pa rin siya sa pagkatok habang ako ay nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba o hindi.

Sino kayang sinadya niya dito? Ako o si Thomas.

Walang ano-ano ay nagring ang phone ko.

"Ara wag mong bubuksan yung pinto" saad ng nasa kabilang linya.

Maya-maya pa ay napagpasyahan kong buksan ang pinto.

"Wala na siya" lumingon-lingon pa ako at sinarado ko na ulit ang pintuan.

Hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang kumatok ulit.

Ano bang kailangan ng ex-girlfriend ni Thomas sakin?

"Wala dito si Thomas kaya pwede ka----" nabigla naman ako.

"Ara?"

"Hala sorry po Tita, akala ko kayo yung kanina. Sorry po, sige po pasok kayo" napahiya naman ako dun.

"Mabuti at hindi mo binuksan yung pinto dahil baka gulo ang dala nung ex ng anak ko." ibinaba ni Tita Jane yung mga dala niya. Salamat na lang sa pagtawag niya.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon