Twenty Third Set

932 35 3
                                    

"Wag kang masyadong maingay! Baka magising sila Mama" bulong ni Ara sa akin. Nasa labas kasi ako at kinukuha ang gamit niya.

Para kaming magnanakaw na nag-iingat na baka mahuli.

Itatakas ko siya para sumama sa akin.

"Itatanan mo ba ako? Pwede naman kasing magpaalam" sabay hampas niya sa braso ko.

"Mas may thrill kung ganito. Atleast medyo kabado sila kasi nawala ang unica hija nila" sabay tawa ko.

"Gago! Kapag may nangyaring masama sa mga magulang ko malilintikan ka sakin"

"Wala iyan, trust me" palabas na kami ng gate nang umingit ito. Nanlaki ang mata namin bago nagtatakbo sa sasakyan ko.

"Nagising mo si Papa!!" Nilingon ko ang side mirror at nakita si Tito na tinatanaw ang kotse ko.

"Hayaan mo na, nag-iwan naman tayo ng note sa lamesa. Akin muna ang kanilang unica hija"

"Malayo ba iyong pinagtataguan mo?" Tanong niya habang bumabyahe kami.

"Medyo, walang signal doon kaya hindi niyo ako madaling mahahanap. Malayo din sa kabihasnan at wala masyadong sasakyan"

"Probinsyang probinsya siguro, kita ko naman sayo. Ang lalim mo na mag-Tagalog, malayo doon sa conyong Thomas na kilala ko" pang-aasar niya sa akin.

"Because I needed to adopt sa way ng pamumuhay sa province" lumakas lalo ang tawa niya sa pagco-conyo ko.

"Mabuti wala kang nakitang ibang babae doon"

"Meron naman, may mata ako eh"

"Hahaha nakakatawa" sarkastikong sabi niya.

"May mga magagandang babae doon pero kasi itong puso ko ang loyalty nasa iyo" sabay kindat ko sa kanya. Namula na naman ang pisngi niya. Senyales na kinikilig siya.

Dumaan muna kami sa isang store para bumili ng ilang kailangan sa bahay at ni Ara bago dumiretso sa destinasyon namin. Nakatulog din siya sa byahe dahil sa pagod kakatawa.

"Ars, gising ka na. Nandito na tayo" madaling araw na kami nakarating. Madilim na ang paligid at malamig ang hangin.

Kinuha ko ang mga gamit niya at ang pinamili namin bago ko buksan ang munting tirahan na inuupahan ko.

"Probinsya nga, ang tahimik dito at payak yung buhay" habang iniikot niya ng paningin ang maliit na bahay na tinitirhan ko pansamantala.

"Iisa lang yung kwarto, hindi malambot ang hihigaan mo. Doon sa kabilang gilid ang banyo, walang heater pero ipag-iinit na lang kita ng tubig kung gusto mo. Walang appliances dito katulad sa atin sa Manila, walang signal at kung minsan walang kuryente. Ano? Kaya mo bang tumira dito?" Nag-isip muna siya bago ngumiti.

"Basta kasama kita kahit maliit na barong barong pa iyan, maayos lang sa akin" kinuha niya ang bag mula sa kamay ko bago pumasok sa kwarto.

Inayos ko muna ang pinamili namin bago ko napagpasyahang matulog sa tabi niya.

Walang choice dahil lupa ang semento ng bahay. Maliit ang upuan at hindi ako kasya. Mabuti na rin ito, magkalapit kami ni Ara. Mas mayayakap ko siya.

"Yakap lang ah, walang ibang mangyayari" bulong niya sakin.

"Depende kung gusto mo. Aray!"

"Matulog na nga tayo" saad niya.

Maaga rin akong nagising para ipaghanda siya ng pagkain at tubig sa paliligo.

"Magandang umaga Tatay Lito. Makiki-igib ulit ako"

"Nakabalik ka na pala Pogi"

"Opo, kaninang madaling araw lang"

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon